C H A P T E R F O R T Y O N E
_______________-Jealous-
Author's Pov
Nasa kalagitnaan ng hapagkainan sina Jennie at Lisa, at napapansin ni Jennie ang bihirang pag imik ni Lisa. Simula kasing dumating ito sa condo niya ay panandalian lang siya nitong kinausap at para bang may malalim na iniisip.
"Lisa are you okay?" Tanong niya.
Mukhang di naman siya narinig nito at patuloy lang sa pagkain...
Kaya kusa niya itong hinawakan siya kamay na may halong pag aalala. Takang napatingin naman sa kanya si Lisa.
"What??"
"Simula kanina hindi mo ako masyadong kinakausap, may bumabagabag ba sayo?" Tanong sa kanya ni Jennie na hindi maiwasan ang pag aalala.
Muling naalala ni Lisa ang babaeng nagpakilala sa kanya kanina na pangangasawa ni Jennie. Dahil sa kanyang pagkainis ay hindi niya sadyang mahawakan ng mahigpit ang kamay ni Jennie na idinaing naman nito.
"Ah! Lisa. Nasasaktan ako!" Pagdadaing ni Jennie.
Bigla namang natauhan si Lisa at labis ang kanyang pag alala at di nagdalawang isip na humingi ng tawad kay Jennie.
"I..I'm so..sorry." Nauutal na pagkakasabi niya, at sinimulan niyang himas himasin ang kamay ng kanyang kasintahan.
"Can you please tell me the reason, why are you being like this? What's the matter?"
Hindi naman siya nakapagsalita kaagad ng tanungin siya ni Jennie.
Nagdadalawang isip pa nga siya kung magsasabi ba siya dito.
"Wa..wala, I'm sorry ulit. Masakit pa ba yung kamay mo?" Pag aalalang tanong niya dito.
Umiling naman si Jennie na may halong pagtataka sa mukha nito.
"S.siguro sa pagod lang 'to, nagbantay kasi ako sa Store kanina." Pagdadahilan ni Lisa. Mukhang napaniwala naman niya si Jennie sa sinabi niya.
"Dito ka ba matutulog?" Pag iiba ng topic nito.
"Yes, I want to sleep with you." Sabi ni Lisa at ngumiti siya ng matipid.
"Mas maganda nga siguro na maaga tayong matulog nang makapagpahinga ka, siguro sa pagod mo lang talaga iyan."
At ngiting tumugon lamang sa kanya si Lisa.
Mula sa labas ng Hotel kung saan nanunuluyan si Jennie, ay may isang taong patuloy ang pagmamasid at nasa loob lamang ito ng itim na sasakyan...
"I gotcha ya,' Jennie Kim. I'm thankful to your girlfriend ng dahil sa kanya nalaman ko ang location kung saan ka nakatira ngayon." Ngiting sagot ng lalaki.
Hanggang sa kusa niyang kinuha ang kanyang cellphone na nasa kanyang bulsa, at tinawagan ang isang taong nag-utos sa kanya.
📞"Hello." Malalim na pagkakabungad na sagot ng lalaking tinawagan niya.
BINABASA MO ANG
Hating My Ex-Girlfriend || Jenlisa
FanfictionSa tatlong taon na pagkakarelasyon ni Lisa at Jennie ay mas lalo pa itong tumibay dahil sa tunay na pagmamahalan nilang dalawa. Ngunit dumating ang araw na ang pamilya ni Jennie ay nais na lumipat sa ibang bansa upang doon manirahan. Naging mahirap...