C H A P T E R T H I R T Y F O U R
_______________________-He knows the truth-
Lisa's PovSunday at Yongdusan Park...
Saktong 6:00 am kami pumunta dito ni Tzuyu sa Yongdusan Park. Hinihintay nalang namin na dumating si Jennie na nasa byahe na samantalang si Nana ay papunta pa lang.
Alam kong ang iba sainyo ay nagtataka kung bakit ako napasama. Sa totoo lang ayoko naman talaga eh, sadyang wala kasing kasama si Tzuyu sa pagpunta dito syaka syempre kaylangan niyang bantayan.
(Author: Kasama lang kasi si Jennie kaya sumama.)
Nakaupo na kami dito sa may bench habang naghihintay sa dalawa.
"Sabihin mo nga sa akin Lis, bakit parang kakaiba na ang pakikitungo mo kay Jennie? Noong unang bumalik siya dito halos pinagtatabuyan mo siya, tapos napansin ko lang nitong nakaraang araw nagiging maamong tupa ka na sa kanya."
"Dahil okay na kami." Nakangiting sabi ko kay Tzuyu. Kita naman ang pagtataka sa kanyang mukha, kaya napatawa naman ako ng matipid.
"Okay na kayo? Anong ibig sabihin nun??" Naguguluhang tanong niya sa akin.
"Hahaha basta sa susunod na araw ko nalang sasabihin sayo ang lahat. Sa ngayon kaylangan mo nang i-excercise yang katawan mo. Tara, mag stretch-stretch na muna tayo habang wala pa sila Nana't Jennie."
May mangilan ngilan na ring mga tao ang dumadating dito ang iba ay sinisimulan ng magjogging habang kasama ang kanilang mga alagang aso, may iilan rin na nagzuzumba di kalayuan sa kinatatayuan namin ngayon...
"Siya nga pala Lis, matagal ko nang napapansin, di na nagpaparamdam sayo si Bobby. Nagkakausap pa ba kayo nun?" Tanong ni Tzuyu habang inuunat na niya ang kanyang katawan.
"Madalang nalang. Siguro busy yun sa mga ginagawa niya ngayon sa buhay niya."
"Mukhang nagsawa na rin sayo kaya naghanap ng ibang madadangwit haha." Pabirong sabi niya na ikinangisi ko nalang.
Mas maigi nga iyon kung nanawa siya atleast wala nang nangungulit sa akin...
Minuto ang lumipas ay naisipan na rin namin ni Tzuyu na bumalik sa pagkakaupo sa bench.
Kumuha ako sa bag ng isang mineral water para uminom, ang bilis ko kasing makaramdam ng uhaw.Habang patuloy ako sa pag inom ay napagtanto kong nasa isang direksyon lang nakatingin si Tzuyu at parang manghang mangha ito sa nakikita niya, dahil sa napansin ko ito sa reaksyon ng kanyang mukha.
"Don't look where I'm looking right now." Sagot niya habang nanatili siyang nakatingin sa isang direksyon.
Napatigil naman ako sa pag inom at lumingon kung saan siya nakatingin...
Wow.
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko, para bang mas lalo akong nakaramdam ng uhaw nang makita ko si Jennie na nakasuot lang ng nike sport bra habang ang kanyang pangbaba naman ay white pants. Kitang kita ang magandang pagkakahubog ng kanyang katawan, kaya pati ang ibang taong abala sa pagjojogging ay napahinto at tulalang napatingin din sa kanya.
BINABASA MO ANG
Hating My Ex-Girlfriend || Jenlisa
FanfictionSa tatlong taon na pagkakarelasyon ni Lisa at Jennie ay mas lalo pa itong tumibay dahil sa tunay na pagmamahalan nilang dalawa. Ngunit dumating ang araw na ang pamilya ni Jennie ay nais na lumipat sa ibang bansa upang doon manirahan. Naging mahirap...