MATURED CONTENT!!!
Author's PovDiretso lamang na nakahiga sina Jennie at Lisa, habang titig silang nakatingin sa pinakabubungan ng tent. Walang imikan na nagaganap, kaya naman nababalutan sila ng katahimikan.
Dahan dahan namang liningon ni Jennie si Lisa, napapaisip siya tuloy kung ano ang pumapasok sa isipan nito ngayon, gayong ang tahimik lang nito simula nung pumasok sila sa Tent.
"Lisa." Pagtawag niya dito.
"Hmm." Sagot naman sa kanya ni Lisa, habang nanatiling nakatingin sa itaas ng tent.
"Okay, lang ba sayo na ako ang makatabi mo??"
"Bakit kailangan mo pang itanong iyan, magkasama na nga tayo eh."
"Pero kung papipiliin ka. Sino ang gusto mong makatabi sa pagtulog dito. Si Jinny o ako??" Muling tanong sa kanya ni Jennie.
"Si Jinny." Diretsahang sagot ni Lisa.
Napabangon naman si Jennie habang itinukod niya ang kanyang siko at humarap kay Lisa.
"At bakit naman siya?" May halong pagsusungit nito.
Kalmadong tumingin naman sa kanya si Lisa, hindi siya sumagot ng pabalik kay Jennie. At muli niyang itinuon ang kanyang tingin sa Tent...
"Ayaw mo naman pala ako makasama dito, pero bakit mo kami pinigilan ni Mino na huwag magsama sa isang Tent??" Tanong sa kanya ni Jennie habang nakataas ang isang kilay nito.
"Dahil lalaki siya, babae ka." Pagdahilan naman ni Lisa.
"It doesn't matter cause he's my boyfriend." Seryosong pagkakasabi ni Jennie. Pero sa kaloob looban ay kagustuhan niyang ngumiti dahil sa nakikita niya ang pagbago ng mood ni Lisa.
"Edi doon ka nalang sa kanya." May halong inis na sabi ni Lisa.
Hindi na napigilan ni Jennie ang tuwa na kanyang nararamdaman. Kaya naman napangiti na siya dito...
"Iniisip mo ba kapag nagsama kami ni Mino sa Tent may mangyayari sa amin?" Nakangiting tanong sa kanya ni Jennie.
Napasalubong naman ng kilay si Lisa at humarap siya kay Jennie.
"Tsk! Ba't ko naman iisipin iyon? Para hindi ka na magtanong ng magtanong sa akin, pumunta ka nalang sa kanya! Nagagawa mo pang ngumiti dyan." Hindi naintindihan ni Jennie ang huling sinabi ni Lisa, dahil sa bumulong nalang ito.
BINABASA MO ANG
Hating My Ex-Girlfriend || Jenlisa
ФанфікиSa tatlong taon na pagkakarelasyon ni Lisa at Jennie ay mas lalo pa itong tumibay dahil sa tunay na pagmamahalan nilang dalawa. Ngunit dumating ang araw na ang pamilya ni Jennie ay nais na lumipat sa ibang bansa upang doon manirahan. Naging mahirap...