Sins 🔸 9

7K 877 295
                                    

Alessia's POV

NATAPOS ang araw na iyon na nagkabati kami ni Elijah. Akala ko ay mauuwi iyon sa tampuhan, ngunit dahil parehong nagpakumbaba kami at umamin sa mga naging mali, ay naging maayos kaming dalawa.

Hindi pumayag si Elijah na tumanggap ako ng trabaho hangga't nagpapagaling pa ako kaya pansamantalang pinatigil muna ang plano sa skiing resort. Buong araw lang ako sa kwarto at halos hindi din ito umaalis doon.

Sa kwarto na namin siya nagtatrabaho kaya naririnig ko ang mga report mula kay Stefano. Kasalukuyan na naghahanap ang mga Sentinels at kung hindi mahahanap ay maglalabas mg kautusan na dalhin sa palasyo ang lahat ng water globes na pagmamay-ari ng mga mamamayan.

Mabilis naman akong gumaling. Hindi na rin sumasakit ang aking likod na tila walang nangyaring aksidente. Naging masaya ako dahil makakapagtrabaho na ulit ako. Nakakatamad na buong araw lang ako sa kwarto at ilang araw din ang iginugol ko sa pagpapagaling.

Ang alam ko ay naparusahan sina Galen at Rubius. Pinalo sila ng limampong beses dahil sa nangyari. Hindi ko gusto ang nangyari dahil hindi naman nila kasalanan iyon, ngunit sa kanila isinisi ni Elijah ang lahat dahil kung hindi daw sila nagpumilit na pumunta kahit pinahinto na iyon ay hindi ako maaaksidente.

Kusang loob naman na tinanggap nina Galen ang kaparusahan. Naawa ako sa nangyari sa kanila ngunit wala akong magawa dahil naging pinal ang desisyon ni Elijah. Ngayon ay wala akong balita tungkol sa kanilang dalawa.

Nakapagbihis na ako at wala naman ako sa mood para lumabas. Naupo na lamang ako sa isang silya na nakatapat sa bintana at nakikita ko ang puting niyebe at umuulan din iyon ng niyebe.

Malamig na malamig ang labas, at nakikita ko pa ang sanga ng isang kahoy na walang dahon na tila tinatangay ito ng hangin. Sobrang laming ng lugar na ito, hinding hindi ko nanaisin na tumira dito kahit nasa loob pa ako ng isang magandang palasyo. Hindi ko magagawang maging masaya sa labas dahil sa lamig.

"Lady Alessia, meron pong nais na makipag-usap sa inyo." Turan naman sa akin ni Estrebelle na hindi ko namalayan pumasok pala sa kwarto. Masyadong natuon ang pansin ko sa labas at hindi na siya napansin.

"Sino?" Tanong ko naman sa kanya at tinapunan ko naman ng tingin si Sushi na natutulog lang sa sofa na walang pakialam sa mundo. Hindi ito mahilig maglalabas ngayon o kaya ay maglaro. Lagi siyang natutulog na tila nag-iipon ng lakas.

"Si Ginoong Favian po, ang punong enhinyero na siyang papalit kay Ginoong Galen." Sagot sa akin ni Estrebelle habang nakatungo ito.

Napakurap naman ako. Maaari na akong magpatuloy sa trabaho at magagawa ko din magtanong tungkol kina Galen. Kaya tumayo ako mula sa aking kinauupuan.

"Papasukin mo siya." Tugon ko naman kay Estrebelle kaya mabilis na bumalik ito sa pintuan at binuksan iyon.

Pumasok naman ang may katangkaran na lalaki. Mahaba ang kanyang buhok na kulay itim. Maputi at makinis ito. Ang kanyang makapal na kilay ay nagbibigay ng impresyon na istriktong lalaki si Fabian. Matangos din ang kanyang ilong, ang mahahaba at makakapal na pilik mata niya. Ang kanyang mga labi na medyo may kakapalan at mapupula iyon. Ang kanyang mga mata naman ay kasing itim ng gabi at matiim ang mga iyon.

Masyado maganda ang itsura nito lalo na sa pangahan nitong mukha. Parang nakikita ko sa kanya si Ian Somerhalder. Ruthless look, naughty and a devil. Pero hindi ko pwedeng husgahan ang pagkatao niya dahil lang sa itsura niya.

"Milady, ako po si Favian Conrad Ystericca. Ako po ang papalit kay Galen." Pakilala niya sa akin at yumukod ito. Magalang at baritono ang boses nito.

Nakita ko na biglang namula si Estrebelle dahil kay Favian. Hindi ko siya masisisi dahil masyadong maganda itong lalaki. People in Wysteria consist of beauties that no longer exist in modern times. Most of the people now looks pretty or beautiful because of make up or cosmetic surgery. Mabibilang na lang sa mundo ngayon ang totoong maganda kahit hindi nakaayos.

Immortal' Sins |Immortal Series Three|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon