Sins 🔸 38

8K 896 396
                                        

Alessia's POV

NAGISING na lang ako dahil sa tunog ng mga tilaok ng manok. Pakiramdam ko ay nasobrahan ako sa tulog dahil kakagising ko pa lang ay inaantok na ulit ako. Bumangon naman ako at napatingin ako sa bintana. The sky is painted with the colorful hues in yellow, white and blue.

Napakunot naman ang aking noo dahil kasisilang pa ng araw. Kung tama ang pagkakaalala ko, dapat ay hapon na sa oras na ito. Buong araw ba akong natulog? Kaya ba ganito ang nararamdaman ko dahil nasobrahan ako sa tulog?

Walang akong magawa dahil nangyari na kaya ay kumuha na lang ako ng damit mula sa tokador. Nagtaka pa ako nang makita ko ang mga damit na nakatupi sa loob. May puti, asul, dilaw at kung anu-ano pang kulay. Ngunit nakakapagtataka na iba ang estilo ng mga iyon kaysa nakasanayan ko na kasuotan dito sa Valeria.

Kumuha ako ng isa at tiningnan iyon. Kulay asul ang pinulot ko. There is a gold chain that serves as a tie from the front cover to the back.

"Aren't this...a greek style dress?" I blurted out. Hindi ko ito inasahan at pakiramdam ko ay nagkamali si lolo ng mga damit na para sa akin.

Itinapon ko ang damit sa higaan ko at lumabas ako ng kwarto. Agad na hinanap ko si Lolo at natagpuan ko naman ito na kasama si Elias. Ngunit ang tanong ko ay nanatiling nasa lalamunan ko dahil sa kasuotan nila na napansin ko.

They are wearing a greek style clothing at hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Si lolo, hindi ko alam kung bagay ba sa kanya o hindi. Pero hindi ko gusto na ganito ang suot niya dahil hindi ito nababagay sa edad niya. Habang si Elias naman, masasabi ko lang na isa itong greek god na bumaba galing sa olympus. Masyadong maganda itong tingnan sa suot nitong damit na kulay puti. His chest is showing and his ripped muscle are seeking for an attention.

"Apo, magbihis ka na. Iba ang kasuotan dito sa Caracass dahil ang mga naninirahan dito ay mga greyego. Kaya kailangan natin makisama sa kasuotan nila." Usal naman ni Lolo sa akin.

Napakamot naman ako sa aking ulo at walang magawang naglakad ako pabalik sa kwarto ko para maligo na at makapagbihis. Napapasimangot na lang ako. These clothes, it makes me looks like athena or any goddess. Ito ang nakikita ko sa mga palabas. These clothes are too revealing and showing so much skin na hindi ko nakasanayan.

Ngunit wala akong magawa dahil iyon lang ang mga damit dito. Gustohin ko man suotin ang kimono ngunit hindi na iyon maaari dahil nandito kami sa Caracass. Wala kami sa Samona o sa Valencia para magsuot ng ganoon.

Mabilis akong naligo at natuwa naman ako dahil namiss ko ang maligo na hindi giniginaw. Agad naman na natapos ako sa pagligo at pinatuyo ko naman ang aking buhok at nagbihis na sa asul na kasuotan.

It shows my bare back, my bare arms and even a chunk of my chest. Hindi ako komportable sa kasuotan ko ngunit wala akong magagawa. Ganito din ang pakiramdam ko sa unang pagkakataon na nagsuot ako ng kimono.

Lumabas na ako dahil sa nararamdaman ko na gutom. Amoy na amoy ko na rin ang nakasanayan ko na pagkain. Agad na pumasok ako sa kusina at nakita ko naman sa hapag na may pritong itlog doon at may tuyo.

Namiss ko ang ganitong pagkain dahil hindi ko ito nakakain sa palasyo. Pakiramdam ko ay ilan taon akong hindi nakakain ng tuyo at ang bango nito sa aking pang-amoy.

"Lolo, mabuti naman ay may tuyo. Hindi ako nakakakain ng ganito dito." Saad ko sa kanya at kumuha naman ako ng pitsel at mga baso.

"Magaling si Elias gumawa ng mga ganito. Siya ang nagluluto ng mga pagkain natin." Natutuwang saad naman ni Lolo.

"Salamat Elias. Sana araw araw ay may tuyo tayo." Nakangiting saad ko at inilapag ko na ang mga baso at nilagyan iyon ng tubig.

"Madali lang iyon. Gusto mo bang kumain ng tuyong pusit? Gagawa ako mamaya kung gusto mo." Nakangiting tanong naman sa akin ni Elias.

Immortal' Sins |Immortal Series Three|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon