Sins 🔸 34

6K 747 417
                                    

Alessia's POV

"ALES, please kumalma ka muna tapos mag-usap tayo ulit." Ramdam ko na kabado si Stefano kahit hindi niya pinapahalata.

"Hhmm..." Tugon ko na lang para tumahimik na ito. Hindi ito titigil kung hindi ako sasangayon sa sinasabi niya.

"S-sige, lalabas na muna ako. Dadalhan kita ng pagkain dito." Paalam naman niya sa akin ngunit nagmamadali itong lumabas.

May ideya na ako na hindi sa kusina ang tungo nito kundi kay Elijah. Hindi ko naman hahayaan na magtagumpay si Stefano.

"Sushi, help me escape this place. It is time to leave." Mahinahon na saad ko kay Sushi at otomatikong nagising ito at tumalon pababa. Nakita ko naman na umuusok ang katawan nito at tumunog ang mga buto nito. Ilang segundo lang ay malaki na si Sushi, mas malaki pa sa akin.

Is this thy real desire, mine own mistress?

"Yes, I want to leave this place, far away from Elijah where he will never be able to find me." Yan ay kung hahanapin niya ako. Tugon ko kay Sushi at isinuot ko na ang makapal na balabal.

Oft, a decision is cloud'd at which hour ang'r is within thy heart. I don't wisheth f'r thee to regreteth this in the endeth, mine own mistress.

Umiling ako. "Regret is inevitable. Either I will regret this or not, it's already on me when I reach that time." Tugon ko sa kanya. Alam ko na darating ang araw na manghihinayang ako, ngunit mas pipiliin ko iyon kaysa darating ang araw na pinagsisihan ko na hindi ko sinunod ang desisyon ko na ito.

V'ry well, mine own mistress. I shall holp thee escapeth the easiest way possible. The king shall nev'r beest able to catcheth thee, coequal thou art right in front of that gent.

Hindi ko masyadong naintindihan ang lahat ng mga sinabi niya dahil na rin sa paraan ng pagkakasabi niya. Ngunit naiintindihan ko na tutulungan niya akong tumakas.

Agad na yumuko si Sushi upang makasakay ako. Hindi naman ako nahirapan na gawin iyon. Tumayo si Sushi at mahigpit kong hinawakan ang kayang makapal na balahibo. Naglakad si Sushi at humarap ito sa malaking bintana na kadalasan kong ginagamit upang tingnan ang labas.

Umangil si Sushi at napapikit ako dahil biglang nabasag ang salamin at nagkaroon ng mga bitak ang pader. Biglang nagkagulo ang labas dahil dinig ang malakas na pagkabasag ng salamin.

Ramdam ko ang malamig na hangin. Malakas ang hagupit at may mga niyebe na nadadala papasok sa kwarto.

Beest eft, i'll beest eyeless the moment we shall stepeth out of the window.

"Err, okay." Tugon ko na lang kahit hindi ko naintindihan ang sinabi niya. Eyeless? Does he mean, cannot be seen?

Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko ay biglang bumukas ang pintuan at humahangos na pumasok si Elijah. Nasa likuran naman niya ang hindi ko mabilang na mga sentinels. Nakita niya ako na nakasakay kay Sushi kaya para itong binuhusan ng malamig na tubig at bumakas ang pagkaalarma at...takot?

Tiningnan ko siya, malamlam ang aking mga mata. Ito ang huling pagkakataon na makikita ko siya.

"Salamat..." bulong ko at alam ko na naririnig niya iyon.

Biglang kumalat ang sakit sa ekspresyon ni Elijah sa pagkakataon na sinabi ko iyon.

"No..." Tugon niya at mabilis na lumapit si Elijah sa akin.

Ngunit mas mabilis si Sushi dahil agad itong tumalon palabas ng bintana. Biglang nagawakan naman ni Elijah ang pulang scarf na suot ko ngunit hindi iyon maayos na aking leeg kaya nakita ko kung paanong dumulas iyon mula sa aking leeg habang unti-unting naglalaho kami ni Sushi sa ere.

Immortal' Sins |Immortal Series Three|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon