Sins 🔸 8

6.7K 791 140
                                    

Alessia's POV

TUMAMA ang katawan ko sa matigas na bagay at napaungol ako dahil sa sakit. May mga nahulog sa akin na mga niyebe na galing sa puno ng pino at hindi ako makagalaw dahil masakit ang likod ko.

Tumulo ang aking luha dahil magkasabay na kumirot ang sakit na aking nararamdaman ngayon. Nanatiling nakapikit ang aking mga mata at dinig ko ang sigawan nina Galen at Rubius na patungo na sa akin.

"Rubius, bumalik ka at papuntahin mo na ang karwahe malapit dito. Kailangan natin siyang maidala sa manggagamot." Sigaw ni Galen at nakalapit na ito sa akin. "L-lady Alessia...sabihin mo sa akin kung saan ang masakit sa iyo." Natatarantang tanong ni Galen sa akin. Kahit hindi ko siya nakikita ay alam ko na namumutla ito ngayon sa takot.

Hindi ko alam kung paano sasabihin kung saan ang masakit sa akin. Sigurado na lamog ang aking likod pero wala itong bali dahil hindi ko naman naramdaman na may nabali. Malakas lang talaga ang pagkakatama sa akin na tila tinadyakan ako ng kabayo sa likod ng malakas.

"U-umuwi na tayo. Ipadala niyo na lang sa akin ang kailangan ko bukas." Nakapikit na usal ko kay Galen. Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi dahil sa sakit. Gusto ko ng umuwi at magpahinga.

"Alessia?!" Para iyong kulog na dumagundong sa paligid. Gusto ko naman ibuka ang aking mga mata ngunit hindi sapat ang lakas ko para gawin iyon. Masyadong masakit at pakiramdam ko ay mauubos ang lakas ko oras na dumilat ako.

Elijah, anong ginagawa mo dito? Gusto kong isaboses iyon ngunit pinigilan ko ang sarili ko dahil nararamdaman ko na galit siya sa akin dahil sinuway ko ang gusto niya. Ngayon ay naaksidente pa ako. Paano ko ipapliwanag ang sarili ko ngayon ako mismo ang may kasalanan kung bakit nasa ganitong sitwasyon ako ngayon?

"Mahal na hari, patawarin niyo ako. Hindi namin nabantayan si Lady Alessia ng maigi—"

"Shut up! Sentinels, bring him to the dungeon!" Mabagsik na sigaw ni Elijah at narinig ko na lang ang magulong yapak ng mga paa.

"Patawad lady Alessia! Hindi namin ito ginusto. Hindi ko inaasahan na mangyayari ito sa iyo." Sigaw ni Galen na hindi man lang isinigaw na kung bakit siya hinuli. Kung tutuusin ay hindi kasalanan nina Galen dahil pwede naman akong tumanggi ngunit pumayag ako kahit alam ko ang sitwasyon ko.

"No..." usal ko kahit nakapikit. "Hindi niya kasalanan, huwag niyo siyang hulihin."

"Shhh...don't talk. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sayo, Alessia. Nagagalit ako lalo na at naaksidente ka dahil hindi kita nabantayan. Babalik tayo sa Palasyo, kailangan mong magamot." Yung boses ni Elijah ay magkahalo ang galit, pag-aalala at takot.

"I'm sorry..." walang magawang saad ko dahil alam ko na kasalanan ko. Kung tumanggi lang sana ako ay hindi sana mangyayari ang lahat ng ito. Hindi sana huhulihin si Galen. Ngayon ko lang naisip na kahit gaanong kawanggawa mo, may mga bagay na hindi mo kayang ipilit dahil mali pa rin ito at mapapahamak ka lang.

Hindi sumagot si Elijah. Galit nga ito at hindi ko rin alam kung bakit nandito siya. Sinabi ba sa kanya ni Estrebelle? Ngunit wala akong lakas ng loob na magtanong. Anong karapatan kong magtanong kung malaki ang kasalanan ko sa kanya?

Binuhat na ako ni Elijah at hindi na ito nagsalita. Kahit wala siyang sinasabi ay ramdam ko na gusto niya akong pagsabihan, ngunit pinipigilan lang niya ang sarili dahil sa sitwasyon ko ngayon. Masakit na masakit ang aking likod at patuloy din ang pagsakit ng aking puson.

Dinig ko ang matalim na tunog ng hangin ngunit hindi ko na iyon magawang pagtuunan pa ng pansin. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nasa silid na ako ng karwahe, nakaupo sa mga hita ni Elijah na para akong isang bata na hinehele niya.

Immortal' Sins |Immortal Series Three|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon