Alessia's POV
HATI ang buong nararamdaman ko sa ngayon. Nalaman ko na ako pala ang totoong nakatakda kay Elijah. Ang pangit na nakaraan namin na wala naman akong ala-ala. Ang pagkawala nila sa Venossa at ang nararamdaman ko sa kanya.
Hindi ko magawang ilabas ang saloobin ko kahit kanino. Kung sasabihin ko kay Stefano, hindi ko alam kung malilinawan ba ako sa mga magiging sagot niya. Kahit hindi ko tanungin, alam ko na may alam si Stefano. Hindi ko naman magawang magalit sa kanila kahit gustohin ko man. Their lies did not hurt me that much.
Napabuntong hininga na lamang ako. Apat na araw na lang ay magpapasko na. Hindi pa rin sila nakakabalik. Hindi ko lubos maisip na ganito ako ka kalmado sa lahat ng mga nalaman ko. I'm supposed to be angry and hate him like a normal damsel in distress princess after knowing that they were lied and killed by the person they love. Ngunit kakatwang hindi ko maramdaman ang tuluyang magalit. Oo, meron namuo ngunit nawala naman kaagad iyon dahil inintindi ko ang lahat ng bagay at ang mas mahalaga sa akin ay ang ngayon. Kung tutuosin, yun naman talaga ang tama dahil mali ang ginawa ni Elijah. But I don't want to be irrational being unable to think clearly. Ngunit gusto kong malinawan sa mga nangyari. I still want an explanation from him.
May hinala na ako kung bakit di niya sinabi sa akin. Inisip ni Elijah na magagalit ako. Tama naman siya, magagalit ako at sino naman ang matutuwa kapag malaman ang mga bagay na iyon. Ngunit sa pagkakataon na ito, dahil alam ko na ang nakaraan ni Elijah at Elena noon pa man ay hindi na iyon nagbigay sa akin ng trahedya at sakit. Ayokong magpadalos dalos at gumawa ng bagay na sa huli ay pagsisisihan ko lang.
I can say I grown up. Kung immature pa ako ngayon, siguro ay naglayas na ako. There is no longer any reason for me to leave him. Noon, ang dahilan ko lang ay dahil hindi kami nararapat sa isa't-isa. Pero ngayon ay iba na. I can no longer call myself as selfish.
Alam ko na magagalit si Ate. Ngunit kailangan niyang tanggapin ang katotohanan.
"Lady Alessia, nais po kayong kausapin ng mangagawa na ang pangalan ay Arnault." Untag naman sa akin ni Estrebelle.
Nakaupo ako ngayon sa sofa habang may tsaa naman sa harap ko. Naalala ko kung sino si Arnault. Siya iyong sinabi ni Favian na gumagawa ng mga ilaw. May palagay na ako na iyon ang ipinunta niya dito. Nakalimutan ko na din na kailangan ko pa lang kausapin si Arnault.
"Sige, papasukin mo siya." Tugon ko naman kay Estrebelle at lumabas na ito para papasukin si Arnault.
Nakatuon ang mga mata ko sa pintuan at iniluwa doon ang lalaking halos kasing edad lang tingnan ni Favian ngunit alam ko na mas matanda ang edad nito kaysa itsura.
"Lady Alessia, binabati ko po kayo at salamat dahil pinaunlakan niyo ako. Ang pangalan ko po ay Arnault, taga gawa ng ilaw ng Mythion." Magalang na saad ni Arnault at yumukod ito.
Kayumanggi ang kulay ng kanyang buhok na hanggang likuran ang haba at nakatali iyon. May kaputian ito para sa isang lalaki at hindi masyadong malaman ang katawan. Kung ikukumpara ito sa ibang imortal, ordinaryo lang ang kanyang itsura. Ngunit hindi ibig sabihin nun ay hindi ito magandang lalaki.
"Maupo ka, Arnault." Turan ko naman sa kanya sabay lahad ng upuan na nasa aking harapan. Umupo naman ito kahit halatang nahihiya ito. "Ano ang maitutulong ko sa iyo?"
Hindi kaagad ito nakapagsalita dahil nahihiya ito. Hindi ko alam kung ano ang ikinahihiya niya ngunit hindi ko na iyon pinuna dahil alam ko naman na may kanya-kanyang kahihiyan ang mga nilalang.
"L-lady Alessia, s-sinabi sa akin ni Favian tungkol sa ilaw na gusto mong ipagawa para sa s-ski r-resort. Gusto ko pong malaman kung ano ang gusto niyo dahil hindi ko po masyadong maintindihan si Favian lalo na at medyo nahihirapan din siyang ipaliwanag sa akin ang tungkol doon." Mahabang sagot niya sa akin. Namumula ang pisnge nito. He looks like a teenager who saw his crush. Pero binalewala ko na iyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/223492450-288-k219613.jpg)
BINABASA MO ANG
Immortal' Sins |Immortal Series Three|
Fantasy|COMPLETED| After the blessing of the moon fell upon, Alessia's journey continued in the land of Mythion. Lies and deceits uncovered. A treasure untold will be found. Immortal's Sins This story is written in Filipino