Sins 🔸 3

8.3K 836 192
                                        

Alessia's POV

KUNG ano na lang ang pinag-usapan namin ni Stefano. Pero mas naging interesado ako sa Mythion. Kinuwento niya sa akin ang mga kalakalan sa Mythion. Kahit taglamig doon ay hindi mahirap ang buhay sa Mythion dahil sagana pa rin ito sa pagkain at mga pananim na sa niyebe lamang tumutubo.

Hindi ito katulad sa normal na mundo na kailangan mag-imbak ng makakain kung tag-ulan o kaya ay taglamig dahil hindi masagana ang mga taniman. Taghirap sa mahabang panahon, ganoon ang taglamig. Kakaiba talaga ang mundong ito, malayong malayo sa inaasahan ko.

Dumating na din kami sa wakas sa Sennone. Ang syudad ng Mythion kung saan nandoon din ang palasyo ni Natalia. Nakikita ko na ang lapagan ng mga barkong pang himpapawid ng Mythion. May mga nakaabang na rin sa ibaba na mga kakaibang kabayo at karwahe.

Unang napansin ko ay ang mga kabayo na kulay bughaw na kalangitan. Ang kanilang mga buhok ay tila kumikinang na mga krystal. Hindi naalis alis ang mga mata ko sa mga kabayo na ngayon ko lang nakita sa buong buhay ko. They are even more beautiful than unicorns!

"They are winter stallions." Biglang saad naman ni Elijah na hindi ko namalayan na nasa likuran ko na pala.

Hindi ko nagawang tumugon. Kanina lang ay nagtatampo ito at basta na lang akong nilayasan. Ngayon ay lalapit ito sa akin na tila walang nangyari. Minsan, nagiging wala sa katinuan itong si Elijah. He should fix this behavior of his. He can't just walk out and go back like nothing happened.

Alam ko na dapat hindi ko na iyon palakihin pa. Ngunit ayokong konsentihin ang ugali niyang ito. Alam ko na nagagawa niya ang lahat ng gusto niya, at walang kukwestiyon sa kanya. Ngunit kung walang magmumulat sa kanyang mga mata ay magiging ganito si Elijah habang buhay. He might be a king but that trait is unbearable for me and for others.

"Stefano, tulungan mo akong makababa." Blankong turan ko kay Stefano na nagulat naman. Mabilis itong napatingin kay Elijah at namutla. Alam ko na kinakabahan ito dahil mabilis magselos si Elijah at kung anu-ano kaagad ang pumapasok sa isipan niya kahit wala naman dahilan.

"Ales, ang kamahalan na ang aagapay sa iyo pababa." Mabilis naman na turan ni Elijah na pakiramdam ko kahit malamig dito ay pinagpawisan siya.

"Assist me." Malamig na turan ko sa kanya at hindi ko pinansin si Elijah.

"Sweet—"

"I'll just go by myself." Mabilis na saad ko at naglakad na ako para bumaba. "Sushi, come on." Tawag ko naman kay Sushi at napatingin naman ako kay Sudanni na ngayon ay tumitingin din sa paligid.

Bababa na sana ako gamit ang hagdanan ngunit may kumalabit naman sa aking siko kaya napatigil ako sa paglalakad. Kahit hindi ako lumingon ay alam ko na kung sino ang kumalabit sa akin.

Mabilis na piniksi ko ang aking braso at alam ko na nagulat si Elijah sa iniakto ko. Alam ko na hindi tama ang ginagawa ko, lalo na at siya ang hari. Isa itong malaking kalapastanganan sa hari, ngunit masyadong hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon para palagpasin si Elijah. Maliit na bagay lang iyon, ngunit nakakapagtampo.

Bumaba na ako ng walang tulong mula kay Elijah. May mga sumalubong naman sa amin na mga nakasuot ng makakapal na mga coat ngunit mukhang sanay na sila sa lamig. Habang ako ay nagpapanggap lang na maayos, kahit gusto ko ng sumapain ang lugar dahil sa sobrang lamig.

Why do people wish to have snow? Winter season is not fun at all! For a person like me who grew up from a tropical country, this is torture! I will not be surprised if I found myself frozen to death later on.

"My lady, ito po ang karwahe niyo." Saad naman sa akin ng isang lalaki na puti ang buhok.

Inilahad niya sa akin ang isang karwahe na kulay asul at may mga burda ang malambot na upuan doon. It's a very comfy carriage and there are three of them. The rest are normal carriage.

Immortal' Sins |Immortal Series Three|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon