Sins 🔸 31

6.5K 687 235
                                        

Alessia's POV

NAPUNO ng tawanan ang hapag lalo na at nandoon ang mga builders. Maraming pagkain na nakahanda. Sandali lamang na sumali si Natalia para lamang sa pormal na pagselebra ngunit umalis din ito pagkatapos dahil marami pa daw itong gagawin.

Ginusto ko naman iyon na umalis siya dahil mababawasan ang tensyon na nararamdaman ko tuwing nasa iisang silid kaming dalawa ni Natalia.

"Lady Alessia, maraming salamat sa napakagandang plano at ideya mo." Tuwang saad sa akin ng isang builder na hindi ko kilala.

Napangiti naman ako sa kanya. "Walang ano man." Tugon ko sa kanya at tsaka uminom ako ng inumin doon. Masasabi ko na alak iyon, ngunit lasang beer lang naman. Hindi mataas ang alcohol content kaya alam ko na hindi ako malalasing sa inumin na ito.

"Alistair, wag mong solohin si Lady Alessia at nais ko din siyang makausap." Dumating naman si Favian na tuwang tuwa at may bitbit din itong inumin. Iba ang kulay ng kanyang inumin at naaamoy ko din ito. Sa amoy na pinaghalong ubas at alcohol, alam ko na nakakalasing iyon. Namumula na ang pisnge nito halatang medyo tinamaan na ito ng kaunti.

"Ssshhh...tigil, araw-araw ka na ngang pumupunta dito sa palasyo para kay Lady Alessia, hanggang ngayon gusto mo ikaw lang ang kausap? Tigil tigilan mo ako Favian!" Angil naman ng lalaking tinawag na Alistair. Pareho silang may mahahabang buhok at magagandang lalaki.

Natawa naman si Favian dahil sa naging tono ni Alistair. "Nagpapaturo ako kay Lady Alessia kaya natural na magpunta ako dito araw-araw habang nandito pa siya. Hindi ko na magagawa iyon oras na bumalik na siya sa Valeria." Paliwanag naman ni Favian.

Tumango-tango naman ako dahil sangayon naman ako sa kanyang paliwanag.

"Maaari naman tayong mag-usap lahat." Saad ko na lang at uminom ulit ako sa hawak kong kopita.

Tumingin naman ang dalawa sa akin. Sa mukha nila tila sinasabi nila na sana ay dito na lang ako tumira at huwag ng bumalik sa Valeria. Ngunit napaka-imposible naman ng gusto nila. Ano man oras ay maaari na akong bumalik sa Valeria basta makauwi na si Elijah.

"Lady Alessia, maaari ba na pumunta ka dito sa Mythion paminsan minsan? Gusto ko ang mga ideya mo sa mga bagong pamamaraan para sa atraksyon dito sa Mythion." Saad naman ni Alistair. Namumula na rin ang pisnge nito na halatang kanina pa ito umiinom.

Napakamot naman ako sa aking batok. Hindi ako sigurado kung makakabalik pa ba ako dito. Ayoko sa malamig at mas lalong ayoko sa kanilang reyna. Ayaw ko na sa kanya dati pa, pero mas tumindi ang disgusto ko sa kanya nang pinagtangkaan niya ang buhay ko.

"Nakadepende iyan, dahil wala akong karapatan na pumunta sa ibang lugar ng walang pahintulot mula sa hari." Sagot ko naman sa kanya. Kung aalis ako papunta dito, alam ko na sasama si Elijah. Marami itong gawain sa Valeria na hindi niya pwedeng basta iwan na lang.

"Kunsabagay, hindi papayag ang hari na pumunta ka dito, Lady Alessia. Hindi ko rin alam kung gugustohin pa ba ng hari na makabalik ka dito pagkatapos ng insideteng pagkakahulog mo." Turan naman ni Favian.

Hindi lingid sa lahat ang aksidenteng natamo ko ilang araw pa lang ang nakalipas nang makatuntong ako dito sa Mythion. That incident is enough for Elijah to not let me go around this area in the future.

The queen's attempted murder will also be a plus factor. Dagdag naman ng utak ko. Maraming mabibigat na rason kung bakit hindi na ako pwedeng bumalik sa lugar na ito pagkatapos.

"Makakaya niyo din naman. Basta mag-isip lang kayo ng mga bagong bagay na pwedeng gawin. O kung hirap kayo, pwede naman kayong magpadala ng sulat sa akin. Sasagutin ko naman iyon kung sakaling may kailangan kayo." Tugon ko sa kanila at lumiwanag naman ang mukha ng dalawa.

Immortal' Sins |Immortal Series Three|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon