Alessia's POV
"SUSHI, you've been spending your time in the forest these days." Puna ko naman kay Sushi. Lagi itong lumalabas at sumasama ito kay Papa Elias tuwing nangangahoy ito.
Matagal na rin na hindi nakapagpalit ng anyo si Sushi dahil ayaw namin matakot si Papa Elias, ngunit nakakatuwa na sumasama ito ng kusa, dahil dati ay halos nakadikit ito sa akin at hindi humihiwalay.
Hindi naman ako nito pinansin at mas pinagtuunan pa nito ng pansin ang isang ligaw na bulaklak na nasa bakuran namin. Pinaglalaruan nito iyon at akmang kakagatin tapos hindi naman itutuloy.
"Hayaan mo na siya, nabuburo na din yan sa loob ng bahay kaya sumasama sa akin sa kakahuyan." Puna naman ni Papa Elias. Kasalukuyan na nagsisibak ito ngayon ng kahoy at ako naman ay naggaganchilyo ng gwantes para sa anak ko.
"Pa, makulit ito minsan si Sushi, kaya wag mong asarin ito lalo na kung kayo lang dalawa." Turan ko naman sa kanya. Natatakot ako na baka bigla na lang dagmalin ito ni Sushi dahil naasar. Alam ko na malabo man yun mangyari, ngunit mas mabuti na rin na maiwasan iyon habang maaga pa.
"Anak, ano naman ang magagawa ng isang tuta?" Natatawa pang saad ni Papa sa akin. Halatang minamaliit nito si Sushi dahil hindi nito alam kung ano ang totoong anyo ni Sushi.
Because he's not a puppy, that's why I am saying this, Father. Gusto kong sabihin iyon ngunit hindi ko ginawa dahil baka matakot lang ito. Everyone is afraid of necromancer and Papa Elias is not an exception.
"Basta, wag mo na lang pansinin si Sushi." Tugon ko sa kanya.
Si Sushi naman ay wala pa rin pakialam kahit naiintindihan niya ang mga sinasabi ko. Nakuha siguro niya ang pinupunto ko kaya hindi ito nagbigay ng reaksyon.
"Anak, bukas na ang solstice, kung saan ay kaarawan mo rin. Kung natatakot ka, nandito lang kami." Pang-iiba niya ng usapan. Iniisip siguro ni Papa na walang kabulohan ang mga sinasabi ko tungkol kay Sushi.
Ngumiti naman ako at pinabayaan na mawala ang usapin na iyon. "Hindi ko maiwasan na matakot para bukas, Papa. Ngunit tatanggapin ko kung ano man ang resulta." Matatag na saad ko kahit nababalot ng takot ang puso ko.
Natahimik naman si Papa Elias at inipon nito ang kahoy na nasibak at inilagay niya sa cart. Pagkatapos ay nagsalita ulit ito.
"Anak, alam ko na malaki ang galit mo sa hari, ngunit alam ko rin na mahal mo pa rin ito. Kung darating man ang pagkakataon na magkrus ang landas niyo ulit, mapapatawad mo ba siya?" Seryosong tanong ni Papa Elias. Hindi ko alam kung bakit niya naitanong ito dahil ang alam ko, ayaw na niyang bumalik ako kay Elijah.
Hindi kaagad ako nakasagot. Napa-isip ako sa kanyang tanong at tinanong din ang sarili ko. Paano nga ba? Mahirap magsalita ng patapos dahil laging kabaliktaran ang mga nangyayari kung nandoon na ako sa puntong iyon.
"Papa, imposible na mawala ang nararamdaman ko sa kanya. Kaya kung darating man ang pagkakataon na iyon, susundin ko na lang kung ano man ang itinitibok ng puso ko. Tanga man ako sa pagkakataon na ito ngunit umaasa pa rin ako na sana, hindi totoo ang mga salitang binitawan niya. Kasi napag-isip isip ko, yung lahat ng mga ginawa niya...Hindi maaaring pagpapanggap lang ang mga iyon. Ramdam ko na mahal niya ako, it's impossible to fake those feeling. Hindi rin naman ako tanga para maloko ako ng ganun." Malungkot na saad ko sa kanya.
Oo, sa ilang buwan ko na pananatili dito ay marami akong bagay na napagtanto. When he protected me, when he made love to me, he cannot fake those feelings. Ngunit kung ano man ang rason niya kung bakit niya sinabi ang mga iyon ay hindi pa malinaw sa akin. Ngunit hindi din ako sigurado. I still have an option to go back and appear in front of him once again, but I did not. This might be the best thing for us, a space where we can grow without each other. After all, I don't have the face to face him after I slept with another man. Kung darating man ang panahon na magkikita kami ulit at mahal niya ako...mahal pa rin niya ako at tanggap niya ang nangyari sa akin, then there is no reason for me to runaway from him again.
BINABASA MO ANG
Immortal' Sins |Immortal Series Three|
Fantasy|COMPLETED| After the blessing of the moon fell upon, Alessia's journey continued in the land of Mythion. Lies and deceits uncovered. A treasure untold will be found. Immortal's Sins This story is written in Filipino