Sins 🔸 11

6.6K 781 196
                                    

Alessia's POV

NATAPOS ang hapunan na iyon na umikot lang ang paksa tungkol sa paghahanap ng water globe. Hindi ako nagtangkang magsalita dahil wala naman pinapakitang interes si Natalia na kausapin ako o tanungin ako tungkol sa ski resort.

Bumalik na kami sa kuwarto para magpahinga. Nagpunas lang ako dahil masyadong malamig ang klima na tinititigan ko pa lang ang tubig ay nangangaligkig na ako.

Pero si Elijah na nagsabi sa akin na huwag akong maligo araw-araw ay siya naman kabaliktaran na ginagawa niya. Dalawang beses itong maligo sa isang araw na akala mo nasa Valeria kami. Pero hindi na ako nagtataka kung kaya niya iyon. He's too old to feel cold. While he treat me like a kid. But this doesn't matter wether I am a kid or not. It's freaking too cold!

Nakahiga na ako sa kama pero nakatitig lang ako sa itaas ng canopy. Dapat tumulong na rin ako sa paghahanap ng water globe. Kung sana ay uso lang ang internet sa lugar na ito, malamang ay hinanap ko na iyon sa internet.

I don't have the sense of familiarity with Charybdis. Ngayon ko lang talaga ito narinig at kahit sina Elijah ay hindi din alam kung ano ito. Paano kung lugar pala ito? Kung nasa bunganga ng Charybdis, baka ibig sabihin nito ay kweba? Mahirap isipin dahil nililimitahan lang namin ang posibilidad tungkol sa Charybdis.

Susubukan ko bukas na maghanap ng impormasyon. Pwede naman akong pumasok sa silid aklatan. Baka may impormasyon tungkol sa Charybdis at nakaligtaan lang. Imposibleng walang impormasyon tungkol sa Charybdis kung mismo ang mapa ang magsabi na nasa Charybdis ang relikya. Pero may posibilidad din na iba ang pangalan nito.

Scylla? Maaari ba na ang tinutukoy nito ay ang Scylla? Pero malaki ang posibilidad na ganoon nga dahil kung wala ng ibang titan dito sa Mythion, iyon lang talaga ang sagot. Charybdis might be a place where Scylla is guarding it! That must be it, but I need to find evidence and supporting facts. Hindi pwedeng sabihin ko lang iyon na walang patunay. A hearsay will remain a hearsay not until there is an evidence.

"You're not asleep. What makes you bothered?" Biglang tanong naman sa akin ni Elijah na hindi ko na namalayan na tapos na pala siyang maligo at nandito na ngayon sa tabi ko sa kama.

Napalingon naman ako sa kanya. Tuyo na ang kanyang buhok ngunit umaalingasaw ang mabangong amoy niya na tila kay sarap singhut-singhotin kaya napalapit ako sa kanya at inamoy ang kanyang leeg. Napapikit ako nang mas naamoy ko ang mabangong amoy niya. It sent serenity within my soul.

"You smell so good." Komento ko at napa-isip ako kung anong sabon ang ginamit niya dahil hindi ito kagaya ng amoy ng ginagamit ko. He has different smell.

Napatingin ako sa kanyang leeg at gumalaw naman ang kanyang adam's apple. Kaya napatingin ako sa mga mata ni Elijah. He's now looking at me with restrained emotion na parang nagpipigil ito. His lips formed into a thin line that made me frowned a little bit.

Napakurap ako dahil biglang pumasok sa isipan ko kung ano ang emosyon na iyon na pinipigilan niya. He's restraining himself from temptation! Hindi ko naisip na magiging apektado si Elijah lalo na at ilang beses na kaming nagkatabi sa pagtulog ngunit lahat ng mga iyon ay kung hindi ako tulog, may sakit naman ako.

Pero ngayon ang pangalawang beses na nagkatabi kami na walang ano man problema. The previous nights, I was knockout because of my cramps and body pain due to my accident. Ganito din ba siya sa mga nakaraang gabi? How can I forget that no matter how powerful and ancient Elijah is, he is still a man with physiological needs!

He's holding back himself because of me. I can say that he really has a great respect towards me. Kaya pikit matang inilapit ko ang mukha ko sa kanya at hinalikan ko siya bigla na naging dahilan para manigas ang buong katawan ni Elijah sa gulat. Hindi niya ito inaasahan mula sa akin lalo na sa pagkakataon na ito.

Immortal' Sins |Immortal Series Three|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon