Alessia's POV
DUMERECHO kami sa komedor para sa hapunan. May mga nakahandang pagkain doon na bagay lang sa malamig na pnahon lalo na at galing kami sa labas at paglalakbay.
"Sana maayos lang sa inyo ang temperatura dito sa loob." Natutuwang saad naman ni Natalia habang naglalakad ito kasabay namin ni Elijah. Ramdam ko ang may kainitan na temperatura ngunit hindi ito sapat para kami ay pagpawisan.
"You have a lot of fireplace, so it would he fine." Sagot naman ni Elijah dito na tila normal lang sa kanya ang paligid. Habang ako naman ay panay ang lingon dahil sa kakatingin sa paligid.
Marangya ang palasyo ni Natalia, ngunit ang tema ng kanyang palasyo ay kulay rosas at puti. Masyadong pambabae ito at sa palagay ko naman ay nakasanayan na ng iba dito sa itinagal ng panahon. These colors are a brand of a soft girl. Iniisip ko pa lang si Natalia bilang soft girl ay napapailing na ako. She may look soft, but not her behavior and attitude.
Itinuon ko na lang ang pansin ko sa hapag. May mga mainit na sabaw doon, tsokolate at kung ano pa. Pero mas gusto kong uminom ng mainit na gatas ngayon at kumain ng matatamis na dessert. May nakita naman ako doon, hindi ko alam kung ano ang tawag, pero bilog ang mga iyon na iba iba ang kulay at mukhang binudburan ng powdered sugar. Pakiramdam ko ay masarap ito i-pares sa gatas.
"Kumain na muna tayo. You had a long travel and you're not used to our climate. So fill up your bellies because we have a lot of food." Masayang saad ulit ni Natalia na hindi ko ulit pinagkaabalahan na tingnan. Mas na-eenganyo akong tingnan ang pagkain kaysa tumingin sa nakapaligid sa akin.
Umupo na kami at katabi ko naman si Elijah. Sa harap ko naman ay si Stefano at Sudanni habang nasa unahan naman si Natalia dahil siya ang host.
"What do you want to eat?" Mahinang tanong sa akin ni Elijah, ngunit sapat na iyon para umabot sa pandinig nina Natalia, Stefano at Sudanni.
"Hot milk and those....colored spheres?" Tugon ko naman sa kanya at napangiti naman si Elijah.
Nakasanayan ko na uminom ng gatas kahit hindi ko iyon gusto noon. Simula ng dumating ako sa palasyo ng Valeria, hindi pumapalya ang gatas araw-araw, lalo na at bata ang tingin sa akin ni Elijah noon. Kaya kahit ayoko sa gatas ay nakasanayan ko na rin habang tumatagal.
"It's called munchkins." Pagtatama naman sa akin ni Elijah at kumuha ito ng iilang piraso at nilagay sa aking plato para kainin ko.
Munchkins? Mukha nga siyang munchkin, ngunit mas mukha itong traditional rice cake ng korea.
Agad naman na may nag-abot ng mainit na gatas sa akin dahil malayo iyon sa posisyon namin ni Elijah. Ngunit hindi nakaligtas sa aking pansin ang mga matang nakatingin sa amin. I know they are dumbfounded because the king served the food to a mere servant. Nagpanggap na lang ako na tila walang napapansin. Ang buong atensyon ko ay nasa pagkain dahil ayokong malingat at mapatingin kay Natalia. Agad na tinikman ko ang munchkin at tama nga ang hinala ko na hindi ito kagaya ng munchkin ng mga sikat na donut shop. This is made with rice flour with just the right amount of sugar and a flavorful vanilla. Not too sweet and not bland. It's a perfect combination with the hot milk.
"Are you sure you just want to eat this?" Panigurado ni Elijah sa akin. Maraming pagkain sa hapag, ngunit wala akong interes doon. Palagi ko naman nakakain ang ibang nakahanda kaya mas gusto kong kainin ang hindi ko pa natitikman.
"I'm fine with this. Kumain ka na din." Saad ko naman sa kanya at uminom ulit ng gatas. Tila walang pakialam si Elijah kahit nasa amin dalawa na ang atensyon ng lahat.
"Ah...maaari ko bang malaman kung sino ang kasama niyo, Stefano?" Tanong naman ni Natalia kay Stefano. Medyo tumikhim pa ito dahil na rin siguro sa amin ni Elijah.
BINABASA MO ANG
Immortal' Sins |Immortal Series Three|
Fantasy|COMPLETED| After the blessing of the moon fell upon, Alessia's journey continued in the land of Mythion. Lies and deceits uncovered. A treasure untold will be found. Immortal's Sins This story is written in Filipino
