Third Person's POV
                              NARATING nila Elijah ang Venossa at kagaya ng sinabi niya ay lumapag sila doon para makapaglinis ng katawan. Medyo nagkagulo ang mga taga Venossa dahil sa biglaang pagdating ng mga sentinels at ng hari. 
                              Kadalasan sa panahon ngayon ay walang naglalakbay dahil panahon na ng pagbibigay pasalamat, ngunit nandito sila ngayon.
                              Pumasok si Elijah sa isang hostel kung saan ay pwede siyang maligo at magpahinga. Hindi pa rin nagigising si Erenea kaya inihabilin niya ito sa mga tagapagsilbe. Hindi naman magkandaugaga ang mga tagapagsilbe sa hostel lalo na at nakilala nila si Elijah. Halos halikan ng mga ito ang nilalakaran ng hari sa pagpupugay.
                              Naging malamig naman ang ekspresyon ni Elijah, hindi na iyon kagulat-gulat pa. Pumasok si Elijah sa isang kwarto na hindi kalakihan ngunit sapat na iyon para makaligo at makapagpahinga siya sandali.
                              Agad naman na naligo si Elijah at medyo nagtagal siya sa loob dahil ilang araw din siyang hindi naligo. Siniguro niya na malinis na malinis ang katawan niya bago siya lumabas at nagbihis.
                              Agad na natuyo ang buhok ni Elijah at umupo siya sa malambot na upuan doon. Hinawi naman niya ang kurtina at tumingin si Elijah sa labas. Hindi ito kagaya sa Valeria na mas masaya tuwing pasko. Naisip ni Elijah na kung mas napaaga lang ang pagbabalik niya ay sa Valeria sila magsisilebra ng kapaskohan.
                              "Alessia..." Bigkas niya sa pangalan na punong puno ng pangungulila. Naalala niya kung paano niya ito inangkin at kung paano ito nagpaubaya.
                              Napangiti si Elijah. Iyon na 'ata ang pinakamasayang nangyari sa buhay niya. Ang tuluyan na mapasakanya si Alessia. Ngunit nababagabag pa rin siya dahil sasabihin na niya ang totoo. Ngunit nakahanda na ang lahat, naisip ni Elijah na kung aalis man ito, hindi ito magtatagumpay. Kaya marami siyang dala na mga sentinel dahil dito.
                              Alam ni Elijah na masyadong mahigpit ang kanyang pamamaraan, ngunit kung iyon lang ang tanging paraan ay gagawin niya, manatili lang si Alessia sa tabi niya.
                              May kumatok naman sa kanyang pintuan kaya sumagot naman si Elijah at bumukas na iyon at tumuloy ang heneral ng digmaan.
                              "General." Usal ni Elijah.
                              "Nakahanda na ang lahat, kamahalan. The sentinels are stationed to their post and the palace is heavily guarded outside. Once we are back in Valeria, the security will be tripled, your majesty." Usal ng heneral.
                              Alam na nito ang plano ni Elijah. Alam na rin nito na si Alessia ang totoong nakatakdang pakasalan ni Elijah. Hindi pa man niya nasasabi sa lahat at iilan pa lang ang nakakaalam.
                              "Good. Make sure once I already confessed to your queen, make sure there is no room for her to escape. Our room will be heavily guarded outside, no one will come in and out of the room." Matigas na habilin ni Elijah.
                              Ngumiti naman ang heneral. Nakikita niya kung gaano kahalaga dito ang kanilang magiging reyna sa hinaharap.
                              "There will be no possibility for escape, your majesty. There is no loophole of the plan." Tugon naman nito.
                              "Hhmm..." mahinang tugon ni Elijah. "Did you get information or any news from the palace while I was gone?" Ang nasaisip ngayon ni Elijah ay kung may ginawa si Natalia. Alam niya na hindi ito palalagpasin ang pagkakataon na wala siya. Iyon ang dahilan kung bakit iniwan niya si Stefano sa Sennone para bantayan si Alessia.
                              "I am not clear about the details yet, your majesty. But according from the scout, there was a huge demonic attack on the second day in Sennone. The palace was surrounded but miraculously, it was contained and all of the demons died. I am not sure if this is real, but according from the scout, they saw her majesty fighting the demons." Sagot ng heneral ngunit napansin niya na hindi ito natutuwa. "I apologize for the lack of information, your majesty. It was only a brief meeting and details was not given enough."
                                      
                                  
                                              BINABASA MO ANG
Immortal' Sins |Immortal Series Three|
Fantasy|COMPLETED| After the blessing of the moon fell upon, Alessia's journey continued in the land of Mythion. Lies and deceits uncovered. A treasure untold will be found. Immortal's Sins This story is written in Filipino
