Alessia's POV
"THIS will be your room, King Elijah." Nakangiting saad naman ni Natalia na personal na inihatid pa ito sa magiging kwarto. Nasa tapat kami ng pintuan ngayon ng kwarto at ni isa sa amin ay walang nagsasalita.
Itinuon ko na lang ang pansin ko sa disenyo ng pintuan at nagpanggap na lang ako na walang napapansin. Alam naman ng lahat na gustong gusto ni Natalia si Elijah kaya hindi na iyon nakakapagtataka pa. Mas magtataka ako kung hindi personal na gagawin iyon ni Natalia.
Hindi rin ako nakakaramdam ng selos dahil na rin sa wala naman ginagawang kaselos selos si Elijah. Kahit hindi na ako magtanong pa, alam ko na walang gusto si Elijah kay Natalia kahit sabihin pa na gustong pakasalan ni Elijah noon si Natalia.
Masasabi ko na political marriage iyon at hindi marriage because of love. Sa hinaba haba ng panahon ni Elijah na nabuhay sa mundo, mahirap na sa kanya ang magkagusto sa isang babae. Dahil kung nagkagusto na siya, malamang may asawa na ito—teka, paano ako nakakasiguro na wala nga itong naging asawa, kung buhay na siya even before christ?!
Posible ba na nagkaroon siya ng asawa? But he has harem...and that is considered as wives. Pakiramdam ko ay biglanh nag-init na naman ang ulo ko dahil sa naiisip ko ngunit pinigilan ko ang sarili ko na magalit. He already abolished the harem for me and I should be glad with it instead of getting mad. Kaya imbes na tuluyan na magalit ay kinalma ko na ang sarili ko.
"And for you, little Ales, your room will be—"
"She's staying in my room." Putol ni Elijah kay Natalia sa malamig na paraan. Elijah's expression is icy when he look over Natalia.
Tila nabato naman si Natalia sa kanyang mga narinig. Nakatitig ito kay Elijah na ngayon ay tila tinubuan ito ng dalawang ulo.
"Pardon?" Kunot noong kumpirma ni Natalia kay Elijah.
"Come here." Tawag naman sa akin ni Elijah at nang hindi ako gumalaw ay siya na mismo ang umabot sa kamay ko at hinawakan iyon.
Napabuntong hininga na lamang ako dahil wala na akong panahon para sa kahihiyan. Alam naman ni Estrebelle na natulog na ako sa kwarto ni Elijah. Alam na din iyon ni Stefano kaya wala na akong karapatan na mahiya. Pero mas iisipin ko pa ba iyon ngayon kaysa magiging reaksyon ni Natalia?
"B-but you can't share room with a commoner, King Elijah!" Protesta nito. Bakas sa mukha ni Natalia ang disgusto at tumingin ito sa akin ng matalim. Nagpapasalamat na lang talaga ako sa maykapal dahil hindi nakakamatay ang matalim na tingin dahil baka pinaglalamayan na ako ngayon.
Gusto kong magsalita ngunit pakiramdam ko ay wala akong karapatan na makisali sa usapan ng hari at reyna. Hindi maitago ni Natalia ang kanyang nararamdaman sa ngayon kaya mas lalo akong napayuko. Sana hindi na lang kami dito tumigil.
"She's not a commoner. She's my lover. If you will excuse us, Alessia and I will take rest." Malamig na tugon ni Elijah dito at tsaka hinila na niya ako papasok sa kwarto.
Mabilis na nakapasok kami at agad na isinarado iyon ni Elijah. Napahawak naman ako sa aking sentido dahil sa mga nangyayari. Minsan, napapatanong na lang ako sa aking sarili kung bakit kay Elijah pa ako nagkagusto at kung bakit sa akin pa siya nagkagusto. Nakakapagod na ang mahal mo ay kagaya niya. Ang daming nagkakagusto at nagtatangkang umagaw. Hindi man kaselos selos si Natalia ngunit hindi ko maiwasan na mamroblema dahil na rin sa pwedeng gawin niya sa akin oras na lamunin na ang utak nito sa selos.
Hindi ko rin alam kung bakit may mga babae na alam ng committed na ang isang lalaki, naghahabol pa rin. Hindi ba nila alam ang salitang respeto at distansya? Kahit sabihin na mas nakakalamang sila sa akin dahil mas mataas ang posisyon nila sa lipunan, pero hindi iyon dahilan para hindi nila alam kung paano rumespeto sa iba na may karelasyon na.
BINABASA MO ANG
Immortal' Sins |Immortal Series Three|
Fantasy|COMPLETED| After the blessing of the moon fell upon, Alessia's journey continued in the land of Mythion. Lies and deceits uncovered. A treasure untold will be found. Immortal's Sins This story is written in Filipino
