Sins 🔸 37

8K 838 325
                                        

Third Person's POV

NAGKUKUMAHOG na tumakbo si Stefano papalapit kay Elijah. Kinakabahan ito lalo na sa pakikitungo ni Alessia. Hindi mapigilan ni Stefano na matakot sa mga posibleng mangyari.

"Kamahalan, si Alessia mukhang aalis na siya. May dala na siyang mga gamit." Kinakabahan na saad ni Stefano. Hindi ito mapakali dahil na rin sa reaksyon ni Alessia.

Tila tinakasan naman ng dugo si Elijah at mabilis itong lumitaw sa harapan ng pintuan ng kwarto. Maraming sentinels doon na tila naalarma at hindi alam ni Elijah kung ano ang nangyayari. Marahas na binuksan ni Elijah ang pintuan at sumalubong sa kanya ang malamig na hangin. Nakita niya na basag na ang salamin ng bintana at nakakalat ang mga bubog nito sa sahig. Nililipad ang kurtina dahil na rin sa malakas na hangin mula sa labas at may mga iilan na niyebe na pumapasok sa silid.

Itinuon niya ang kanyang pansin kay Alessia. Nakasakay na ito sa likod ni Sushi. Nakasuot ito ng isang puting coat at may scarf ito sa leeg na kulay pula. Nakatingin ito kay Elijahvat ang mga mata ay tila kay daming sinasabi at iisa lang ang naiintindihan ni Elijah. Nagpapaalam na ito sa kanya.

Hindi mailarawan ang bilis ng tikbok ng puso ni Elijah dahil sa takot. Pakiramdam niya ay tila may malaking mawawala sa kanya. Alessia who's now about to leave is already creating a large crack in his heart. His fear is consuming him and his soul is starting to tremble.

"No..." Mahinang usal ni Elijah at mabilis itong lumapit kay Alessia upang pigilan ito at sabihin ang katotohan. Alam ni Elijah na nasaktan niya ng sobra si Alessia kaya gusto na nitong umalis. Her act right now is not out of foolishness, but she is just a girl who was eaten by pain and no longer wants to fee anymore pain. Akmang hahawakan niya ang balikat ni Alessia.

Ngunit mas mabilis si Sushi at agad itong tumalon. Ang tanging nahawakan lang ni Elijah ay ang scarf na nasa leeg ni Alessia at nahila niya iyon. Ngunit hindi maayos ang pagkakapulupot nito at maluwag lang iyon kaya malayang nakawala ang scarf mula sa leeg ni Alessia at iyon lang ang tanging naiwan sa kamay ni Elijah.

Unti-unting naglaho ang pigura ni Alessia at Sushi sa kanyang harapan na halos ikaguho ng mundo ni Elijah. Tila nilamon ng sakit at takot ang puso niya, nagkabitak bitak at nabasag na ng tuluyan.

"NO!!!" Malakas na sigaw ni Elijah at mabilis din siyang tumalon palabas ng bintana. Hinanap niya ang dalawa ngunit wala itong mga bakas. Tumatambol ng malakas ang pintig ng kanyang puso at tila may sumasakal doon. "ALESSIA...NO. PLEASE COMEBACK...PLEASE." Pagsusumamo ni Elijah na sana ay naririnig pa siya ni Alessia. Na sana ay bumalik ito at sana ay nananaginip lang siya.

Ngunit lumipas ang ilang segundo ay walang nagpakita o lumapit sa kanya. Tila dinurog ang kanyang puso, lalo na at hindi na niya maramdaman si Alessia. Wala na ito sa paligid, nakalayo na ito. Napahawak si Elijah sa kanyang dibdib dahil sa sobenag sakit ng naramdaman niya.

"Bakit mo hindi nagawang maghintay?" Nasasaktan na saad ni Elijah habang nakalutang siya sa ere. "Sasabihin ko na sayo ang lahat...magpapaliwanag ako. Please, bumalik ka Alessia...Huwag mo akong iwan..." nalugmok si Elijah at tila nawalan ito ng lakas at nahulog ito mula sa ere at bumagsak ito sa niyebe. Hindi alintana ang rumaragasang hangin at niyebe sa kalangitan. Wala na rin pakialam si Elijah kung masasaktan ba siya sa kanyang pagkabagsak dahil wala ng mas sasakit pa sa pakiramdam niya ngayon.

She lost her for the second time. This time, is much larger than his being and unbearable the pain is all over his heart.

"Your majesty!" Mabilis na dumalo ang mga sentinels kay Elijah. Agad na tinulungan nila itong makatayo, dahil nawalan ito ng lakas dahil sa panlulumo at sakit na nararamdaman niya.

"Find her...Find her..." Tanging lumbas sa bibig ni Elijah na tunog pagmamakaawa. Ang kanyang mga mata ay namumula dahilan sa luhang nagbabadyang lumabas. Hindi kaagad nakakilos ang mga sentinels. Nagulat ang mga sentinels dahil ngayon lang ito nangyari sa kanilanh hari na tila walang lakas at walang magawa. "FIND HER!" Singhal ni Elijah na ikinatakot bigla ng lahat. Nagtatagis ang mga bagang nito at pinipigilan ang sarili na umiyak dahil nasa harap siya ng mga sentinels.

Immortal' Sins |Immortal Series Three|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon