Third Person's POV
                              ILANG araw na ang lumipas mula nang umalis si Alessia. Ilang araw din na walang pahinga si Elijah, sinuyod niya ang buong Wysteria mahanap lang ang nawawalang kasintahan. Napupuno ng pag-aalala at takot si Elijah dahil alam niya kung gaano kadelikado ang Wysteria lalo na kung gabi.
                              Bawat araw ay tila pinapatay si Elijah ng paulit-ulit, walang buhay ngunit hindi humihinto sa paghahanap at pagdarasal na sana ay mahanap na niya si Alessia. Mas lalong nakonsensya si Elijah dahil sa pagtatalo nila ni Stefano noong araw na umalis si Alessia.
                              "Kamahalan, ano ba talaga ang nangyayari? Hindi aalis ng ganoon na lang si Alessia ng walang mabigat na dahilan. Naiintindihan ko na nasaktan ka, ngunit hindi ibig sabihin ay hindi nasasaktan si Alessia." Halos hindi mailarawan ang sakit at takot sa mukha ni Stefano. "Bata lang siya, kamahalan. Ikaw na higit na mas matanda sa kanya, ikaw dapat ang mas umintindi. Gustohin kong man magalit sa iyo ngunit wala akong karapatan."
                              "Nothing happened to her." Maikling saad ni Elijah na ikinahinto ni Stefano.
                              "A-ano?" Pakiramdam ni Stefano ay mali ang kanyang narinig.
                              "Nothing happened that night. She was indeed drugged and aroused, but that man did not touch her." Ulit ni Elijah at ngayon ay tila nawalan ng lakas si Stefano.
                              "Alam mo pero ganoon pa rin ang inakto mo sa kanya?" Hindi makapaniwalang tanong ni Stefano. Unti-unting namayani ang galit sa dibdib nito.
                              Elijah's face was cold and stoic. "Because I need to. I need to lure out Natalia so I can denounce her from her position."  Malamig pa rin na sagot ni Elijah na mas lalo lang ikina-inis ni Stefano.
                              Napahilamos naman si Stefano gamit ang palad nito. "Iniisip mo ba na masisira ang plano mo kung sasabihin mo kay Alessia?" Nagpipigil ng galit si Stefano.
                              Hindi kaagad nakasagot si Elijah. "I have no choice."
                              Tila posporo na naubos si Stefano dahil sa naging sagot ni Elijah. 
                              "You have a choice, your majesty! You always have! Pero pinili mo na ilagay si Alessia sa dilim at itinanim sa isipan niya na hindi mo na siya mahal na ginamit mo lang siya." Asik ni Stefano at wala na itong pakialam kung mapaparusahan ito pagkatapos. "You did not trust her. You did not have faith in her. Inisip mo na kung sasabihin mo sa kanya ay masisira ang plano mo. Alam mo kamahalan? You deserve all of this. Tama na umalis si Alessia dahil hindi ka nararapat sa kanya. She's too precious to deserve a kind of monster like you!" Pagkatapos ng sinabi nito ay umalis si Stefano.
                              Napapikit si Elijah sa ala-alang iyon. Hindi niya masisisi ang galit ni Stefano lalo na at pamilya na ang turing ni Stefano kay Alessia. Stefano has this brotherly love towards Alessia that he understands the most. Kahit siya ay pinagsisisihan din ang ginawa, ngunit hindi na niya mababago ang mga pangyayari. Nagkamali na siya, he learned from it.
                              "Kamahalan, nagpupumilit si Lady Roselle na kausapin kayo." Saad ng isang sentinel na lumapit sa kanya habang nag-iisip siya sa silid tanggapan niya.
                              Napahawak naman si Elijah sa kanyang sentido. Ilang araw na rin itong nagpupumilit na kausapin siya ngunit hindi niya ito pinapaunlakan dahil abala siya sa paghahanap kay Alessia. Ngayon ay papaunlakan niya ito para matapos na rin ang kahibangan ni Roselle. He needs to clarify things with Roselle, because she still believes that she's the fated lady.
                              "Papasukin niyo siya." Malamig na sagot ni Elijah. Maraming ginagawa si Elijah ngunit kailangan nitong sayangin ang oras para tumigil na si Roselle.
                              Pumasok naman si Roselle. Ang kanyang ekspresyon ay hindi katulad ng dati. Halata sa mukha nito ang may pag-aalinlangan ngunit naglakas loob pa rin ito.
                                      
                                  
                                              BINABASA MO ANG
Immortal' Sins |Immortal Series Three|
Fantasy|COMPLETED| After the blessing of the moon fell upon, Alessia's journey continued in the land of Mythion. Lies and deceits uncovered. A treasure untold will be found. Immortal's Sins This story is written in Filipino
