Alessia's POV
LUMABAS ako ng kwarto at wala doon si Stefano. Naisip ko na baka kasama na ito ni Elijah. Nanlalamig ang kamay ko na tinalunton ang daan patungo sa kwarto na tinutuluyan ni Elijah.
Hindi ko mapigilan na isipin ang babaeng kayakap ni Elijah. Kahit malaki ang kasalanan ko ay hindi ko mapigilan na sumama ang loob. Ngunit ayokong magalit dahil wala akong karapatan sa bagay na iyon. Gustohin ko man ngunit mas prayoridad ko ngayon na maging malinaw ang lahat. Pagkatapos nito, kung ano man ang magiging sagot ni Elijah, doon na ako gagawa ng desisyon.
Narating ko ang kwarto ni Elijah at nasa harap ako ng pintuan. May nakabantay doon na sentinel. Nakita naman nila ako kaya agad silang yumukod sa akin.
"Nandiyan ba si Elijah?" Mahinahong tanong ko sa kanila. Ngunit bago pa man sila nakasagot ay bumukas ang pintuan at iniluwa doon ang babaeng kasama niya. Pakiramdam ko ay kinapusan ako ng hangin nang nakita ko ito ng malapitan. Masyado itong maganda.
Biglang hinalukay ng samu't-saring reaksyon ang dibdib ko. Sa gulo nito ay hindi ko na mapangalanan. Sakit, nagugulohan at katanungan. Yun lang ang tatlo na sigurado ako.
Ngumiti naman sa akin ang babae. Ang kanyang magandang mukha ay maaliwalas at pakiramdam ko ay nanliliit ako sa maamo niyang mukha. Ito ba ang rason kung bakit malapit si Elijah sa kanya?
"M-matagal p-pa b-ba s-si E-Elijah?" Utal na tanong nito ngunit ang tinanong nito ay ang sentinel na nakabantay.
"Mamaya pa ang balik ng hari, Miss..." sagot naman ng sentinel at tumingin naman ito sa akin. "Nasa tanggapan siya ng reyna, lady Alessia." Anito.
Tumango naman ako at ibinalik ko ang tingin ko sa babae na hindi ko kilala. Puno ng katanungan ang isip ko kung sino siya sa buhay ni Elijah. Ngunit walang namumutawi na salita sa bibig ko dahil natatakot ako sa mga malalaman ko. May pangamba ako na hindi simple ang relasyon ng dalawa. Elijah will never embrace someone if he doesn't like them. Sa kaisipan pa lang na iyon ay tila gumuho na ang aking mundo.
"Sige, aalis na ako." Kiming tugon ko at tumalikod na ako nang hindi binabati ang babae. Gusto ko man malaman ang pangalan niya ngunit pakiramdam ko ay mas lalo lang akong masasaktan habang kaharap siya. Yes, I am jealous but I won't act recklessly just because I feel cheated.
Mabigat ang dibdib ko habang naglalakad ako patungo sa tanggapan ng reyna. Wala ako sa aking sarili na naglalakad. Ang daming bagay na umuukupa sa isipan ko. Mga posibilidad at kung ano na ang mangyayari sa akin sa hinaharap.
Pakiramdam ko ay hindi na magiging madali ang lahat. Hindi na ito magiging maganda, lalo na at nagkaroon na ng lamat ang relasyon namin ni Elijah. Trust was broken at ngayon ay pinagdududahan ko na rin siya sa tatag ng pagmamahal niya sa akin. It feels like his feeling is a withering leaves.
Napahinto na lamang ako nang marating ko na ang harapan ng silid tanggapan ni Natalia. Walang bantay doon at nagtataka ako kung bakit. Napalingon naman ako sa paligid at wala doon mga kawal.
Kakatok na sana ako sa pintuan ngunit napansin ko ito na hindi iyon naisarado ng maayos dahil may siwang. Hinawakan ko naman ang hawakan ng pintuan at akmang bubuksan iyon ngunit natigil iyon nang maulingan ko ang boses ng mga nag-uusap.
Kilala ko ang mga boses. Si Natalia at Elijah ang nag-uusap sa silid. Wala naman akong makapang selos sa aking dibdib, ngunit nakaramdam ako ng pangamba. Alam ko na pagsasamantalahan ni Natalia ang sitwasyon.
"Elijah, I told you before. That woman is not good for you. Sabihin na natin na siya ang nakatakda, ngunit karapat dapat ba siya? Kaya mo bang makisama sa kanya kahit sumiping siya sa ibang lalaki?" Dinig kong saad ni Natalia at biglang kumuyom ang aking mga kamay dahil sa galit.
![](https://img.wattpad.com/cover/223492450-288-k219613.jpg)
BINABASA MO ANG
Immortal' Sins |Immortal Series Three|
Fantasia|COMPLETED| After the blessing of the moon fell upon, Alessia's journey continued in the land of Mythion. Lies and deceits uncovered. A treasure untold will be found. Immortal's Sins This story is written in Filipino