Sins 🔸 18

7.8K 850 290
                                        

Alessia's POV

NAKABALIK na kami sa palasyo at iginugol nga namin ang natitirang oras sa kung anu-anong bagay, kagaya ng kasabay sa pagkain ng snack sa alas tres ng hapon o kaninang tanghalian. Nagawa din namin ang umidlip ngunit hindi naman iyon mahaba dahil nagising din naman kami pagkatapos ng isang oras. Mabibilang lang sa kamay ang pagkakataon na magkasabay kaming kumain. Ngayon lang naging madalas dahil iisa lang ang aming kwarto.

Mabilis ang oras na lumipas at naging takip silim na. Agad naman akong naligo dahil nag-eempake na si Elijah ng mga dapat niyang dalhin patungong Venossa. Konting kagamitan lang naman ang kanyang dadalhin, mga importanteng bagay na magagamit niya doon.

Mabilis lang ang ginawa kong pagligo at natapos naman kaagad ako. Pagkatapos kong mag-ayos ay lumapit naman ako kay Elijah para tumulong sa pag-aayos ng kanyang gamit. He brought a couple of clothes with him. May mga compass din kaya may kinuha din ako sa kagamitan ko na alam kong kakailanganin nila. Hindi ito masyadong nagagamit, ngunit hindi ko nakakaligtaan na magdala ng iilan piraso.

Hawak hawak ko ang isang itim na pouch na naglalaman ng mga gintong binhi at lumapit ako kay Elijah at iniabot iyon sa kanya.

"Kakailanganin niyo ito kung sakali." Tinanggap niya iyon at base sa ekspresyon niya ay tila nahulaan niya kung ano ang laman. Ngunit sana ay hindi nila kailangan iyon dahil wala naman mangyayaring masama.

"These are important, sweetheart. Thank you." He warmly thanked me and kissed my forehead.

"Yan lang ang tanging maitutulong ko sa iyo. Kung malakas lang sana ako, sasama ako sayo Elijah... Hindi yung ganito na magpapaiwan ako dahil sa mahina ako." Nangilid ang aking mga luha dahil tuwing iniisip ko iyon, pakiramdam ko at wala akong silbe.

"No, your presence is already enough to motivate me to return safely, sweetheart. Thinking that you are waiting for me to come home, it's already a drive to survive all obstacle. Don't ever think that you are useless, your mere existence is my everything." Masuyong pag-aalo niya sa akin. He touched my shoulder and pulled me lightly and kissed my hair.

Napangiti naman ako sa ginawa niya. Walang halong pagkukunwari ang nararamdaman ko mula sa kanya. Hindi na ako tumugon pa at nagpatuloy na lang ako sa pag-aayos ng mga gamit niya.

"Take a shower, I'll finish everything here." Turan ko sa kanya para makaligo na ito. Pakiramdam ko ay isa akong asawa na inaasikaso siya. Is this how a married life looks like? Ngunit hindi ko naman iyon masagot dahil hindi naman kami kasal. We might be lovers, but we are not meant to be.

"Hhmm..." Tugon naman ni Elijah at sumunod naman kaagad ito at pumasok sa banyo para maligo.

Pumasok naman si Estrebelle na ngayon ay dala-dala ang food cart para sa hapunan namin ni Elijah. There is a feast for the expedition down stairs but I did not choose to join. Bakit ako magsasaya kung alam ko na delikado ang pupuntahan nila? I am not a single bit happy in this expedition. Kaya hindi ko magawang sumali.

Hindi na rin umatenda si Elijah dahil alam niya ang dahilan ko. Kaya nanatili kami dito sa loob ng kwarto. Si Estrebelle naman ay dinalhan niya kami ng mga pagkain galing sa banquet. Para sa akin, normal na hapunan lang iyon at wala ng iba.

Inayos naman nito ang lamesa at inilagay doon ang mga pagkain na kakainin namin ni Elijah. Naayos ko na din ang kagamitan nito at natapos na din ito sa pagligo. Lumabas ito ng banyo na nakasuot ng itim na roba na may desenyo na kulay ginto na tila dragon.

Medyo basa ang mahaba nitong buhok pero alam ko na agad iyong matutuyo sa isang iglap lang. Hindi pa nga ako kumurap ay natuyo na iyon. Hindi ko kayang gawin iyon, si Elijah lamang ang makakagawa nun.

Immortal' Sins |Immortal Series Three|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon