Sins 🔸 10

6.8K 741 129
                                    

Alessia's POV

DAHAN-DAHANG lumapit sa amin si Elijah na may nang-aarok na tingin. Nakakunot noo ito at malamig ang tingin nito kay Favian. Tila tumatagos iyon sa kaluluwa.

"Kamahalan, ikinagagalak ko po kayong makita." Magalang na saad naman ni Favian at yumukod ito ngunit hindi kumibo si Elijah. Tila wala itong narining at walang balak na sumagot.

Is he jealous? Wala akong ibang maisip na dahilan bukod doon dahil na rin sa kanyang ipinapakitang ugali. Elijah was known as rude but not this level of rudeness.

"Kamahalan, si Favian ay kasama ko sa pagpaplano. Matatapos na namin ang blueprint at ibibigay na lang ito sa mga builders para maitayo na nila ang resort." Turan ko naman kay Elijah at nagpanggap na hindi ko napapansin ang kanyang mga tingin na tila gustong sakmalin si Favian.

"Hhmm..." tanging sagot ni Elijah. Ganoon katindi ang selos niya kahit wala naman kaming ginagawa ni Favian.

Napansin ko naman si Favian na nailang at hindi mapakali sa kanyang kinatatayuan.

"Kamahalan at lady Alessia, aalis na po ako para sa preparasyon. Maraming salamat po sa tulong niyo, Lady Alessia." Paalam niya sa amin at yumukod na ito at nagmadaling lumabas ng silid aklatan.

"You seemed close." Puna si Elijah na kahit ganoon ang pagkakasabi niya ay alam ko na nagseselos lang ito.

Close na para sayo iyon? Gusto ko naman itanong iyon ngunit hindi ko ginawa dahil sa mata ng nagseselos, kahit wala naman kaselos selos ang ginagawa, magseselos pa rin ito.

"Nagtatrabaho lang kami. Nakakaantok ang trabaho kung pareho kaming seryoso." Sagot ko naman sa kanya at ngumisi. "Kung nagseselos ka, wala kang dapat ikaselos dahil wala naman akong gusto sa kanya." Gwapo siya, ngunit hanggang doon lang ang tingin ko sa kanya. Sagot ko sa kanya.

Medyo nalukot naman ang ekspresyon ni Elijah. "I'm not jealous." He denied.

"Yeah, you're not." I answered sarcastically. Baliw lang ang maniniwala sa kanya na hindi siya nagseselos.

Tiningnan naman ako ni Elijah na tila sumusuko. "Fine, I am jealous. So can you please stop being nice to him?"

Napakunot noo naman ako. "Can you define what's nice to you?"

"You're being too over friendly with him. Stop smiling at him, stop being close to him." Mabilis na sagot niya sa akin na tila memoryadong linya na iyon.

Napakamot naman ako sa aking batok dahil sa sinabi niya. "Elijah, we are working together and work without harmony will not be a good thing. Just like you, you are being close with Natalia but I am not asking you to stay away from her because I know you have to be close to her for work and politics." Paliwanag ko sa kanya. Kailangan niyang kontrolin ang pagseselos niya dahil trabaho lang naman ang ginagawa ko.

"That's different." Desperadong sagot naman nito sa akin.

"Yes, it's different because she's the one you meant to marry years ago and she loves you. While Favian doesn't have a thing to me. Of course it's different, right?" Nakangiting sagot ko sa kanya. Hindi naman ako nagseselos dahil wala naman bagay na ginagawa si Elijah na dapat kong ikaselos.

Nakita ko naman ang pagkagulat sa reaksyon ni Elijah. Mukhang hindi nito inasahan iyon mula sa akin.

"But I did not, sweetheart. We only do business." Paliwanag niya sa akin na pakiramdam ko ay nag-aalala ito masyado.

"Just like mine. It's work...and work alone. I am not saying to stop being jealous, but I hope you won't ask me to be unreasonable because it will affect my job." Turan ko naman sa kanya. Ayos lang sa akin na magselos siya, ngunit wag naman yung sumusobra.

Immortal' Sins |Immortal Series Three|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon