Alessia's POV
NANGHIHINA ang katawan ko ngayon at baon na baon pa sa isipan ko ang mga nangyari sa solstice kung paano ako naghirap na tila paulit ulit akong pinapatay. Lumipas na ang solstice at lumipas na din ang aking kaarawan na hindi ko man lang nagawang iselebra. Nananakit ang buo kong katawan ngayon at hindi ko magawang bumangon. Nanghihina ang katawan ko ngunit nagpapasalamat pa rin ako dahil buhay pa ako.
Tila nakaukit sa aking isipan ang sakit na naramdaman ko sa sumpa na akala ko ay hindi ko kakayanin. Buong araw akong nagdusa. Umiyak ng umiyak sa sakit hanggang sa umiiyak na akong walang luha mailabas. It was the worst experience at nanatili si Papa Elias at Lolo sa aking tabi. Para din silang tinamaan ng sumpa habang wala silang nagagawa upang maibsan man lang ang aking nararamdaman.
Akala ko mawawala na ang takot ko pagkatapos ng sumpa, ngunit may namumuong panibagong takot sa aking isipan at puso. Dahil oras na maipanganak ko ang bata sa sinapupunan ko ay siya na ang bubuhat ng sumpa. Siya na ang maghihirap. Iniisip ko pa lang na sa murang katawan niya ay mararanasan na niya ang ganoon sakit ay hindi na matanggap sa aking isipan.
Ngunit kinakalma ko naman ang aking sarili dahil malayo pa iyon at marami pa ang pwedeng mangyari. Maaaring may magbago na hindi ko mahuhulaan sa hinaharap. I will do my best to find a solution to eradicate the curse. Kaya sa ngayon ay ang pagpapagaling muna ang aatupagin ko.
Ngayon ay tila binugbog lang naman ang katawan ko. Malinis na rin ang katawan ko dahil kahit papaano ay nagawa ko pa rin linisin ang katawan pagkatapos ng sumpa. I bathe in my own blood, like I was murdered by a crazy psycho killer.
Buong araw din akong inalagaan ni Papa Elias. Totoo nga ang sinabi niya na hindi niya ako iniwan. Noon umiiyak na ako sa sakit ay niyakap niya ako at tila naiiyak na din siya. Hindi ko maisip na kung wala si Lolo o kaya si Papa Elias ay hindi ko kakayanin ang lahat ng ito.
Kahapon ay hiniling ko na sana ay nandito si Elijah, ngunit alam ko na imposible iyon na mangyari. Si Papa Elias ang pumalit sa kawalan ni Elijah. Ngayon ay labis na natutuwa ako at nakilala ko siya. Him, being my father is one of the best thing happened to me. Ang swerte ng totoo niyang anak. Yun lang ang masasabi ko.
"Anak, kumain ka na. Nagluto ako ng sopas." Saad naman ni Papa Elias na pumasok ngayon sa kwarto ko at dala-dala nito ang isang mangkok na may laman na umuusok na sopas.
Ngumiti naman ako sa kanya. "Salamat, Papa." Bumangon ako at sumandal sa headboard ng kama. Tinanggap ko naman ang mangkok at nagsimula kong kainin ang sopas. May sahog pa iyo na isang piraso ng parte ng manok at scallions.
Napapatingin naman ako kay Papa Elias at hinihintay na magtanong ito tungkol kay Sushi. Alam ko na nakita niya si Sushi sa totoo nitong anyo ng gabing iyon, ngunit hanggang ngayon ay hindi ito nagtatanong. Hindi ko tuloy alam kung alam ba niya kung ano si Sushi o talagang wala lang talaga siyang pakialam.
Kaya nang hindi ko maitiis ang pananahimik ni Papa Elias tungkol kay Sushi ay ako na ang nagbukas ng usapin.
"Papa, hindi mo ba ako tatanungin tungkol kay Sushi?" Mahinang tanong ko sa kanya. Wala ngayon si Lolo dahil nagbebenta ito ngayon ng gamot sa mga mamamayan na maaaring na-apektohan ng atake kagabi. Ayaw niya sanang umalis ngunit pinilit ko siya dahil nandito naman si Papa Elias.
Napakamot sa batok si Papa Elias. "Sa totoo lang, hindi ko kaagad napansin ang alaga mo noon nakaraan dahil nasa iyo ang atensyon ko. Nagulat ako noon napansin ko na siya, akala ko may nakapasok na demon ngunit kalmado naman itong nakahiga sa isang sulok kaya napagtanto ko na alaga mo iyon." Sagot naman ni Papa Elias sa akin at inalala ang mga nangyari.
Napangiti naman ako. Papa Elias is always calm and even he's surprised, he manage to stay calm and think. Kaya hindi ko mapigilan na mag-isip kung ano ang nakaraan niya. Maraming mga katanungan na sumusulpot sa isipan ko na hindi ko alam kung masasagot ba niya.
BINABASA MO ANG
Immortal' Sins |Immortal Series Three|
Fantasia|COMPLETED| After the blessing of the moon fell upon, Alessia's journey continued in the land of Mythion. Lies and deceits uncovered. A treasure untold will be found. Immortal's Sins This story is written in Filipino