Alessia's POV
"WE NEED to reconsider the clue. I think it's not the globe." Saad ni Elijah sa akin habang humihiwa ito ng isang steak. His eyes is focused on the tender steak.
Tumango naman ako at uminom ako ng gatas. "I'll be researching as well about Charybdis. Once we figure out what is it, it will be easier for us to know the exact location." Tugon ko naman sa kanya at ngumuya ako ng isang broccoli na sahog ng steak.
Tumingin naman si Elijah sa akin. Ang kanyang mga mata ay lunod sa pag-iisip dahil sa paghahanap ng palatandaan kung ano ang Charybdis. It's already more than a week and there is no single progress with the mission. Thanksgiving is already approaching and the end of the year as well.
"You still have work." Puna naman niya sa akin. Alam niya na magiging abala ako nitong darating na mga araw dahil na rin sa ginagawang ski resort.
Ngumiti naman ako sa kanya. "I can manage. I will just do some light reading in the library. The design is already done and I don't want to spend my time outside. So I will have plenty of time to read." Pagmamalaki ko pa sa kanya na tila isa iyong malaking bagay. Sino ba ang enhinyero na hindi bibisita sa lokasyon para tingnan ang mga binubo na mga gusali? Ako lang yata at dahil na rin iyon sa lamig ng klima.
Tila sumusuko naman si Elijah. "Fine, but do not overdo yourself. Eat on time. I'll be conducting a visit with some areas in Sennone for investigation." Turan naman niya sa akin at sumubo ito ng steak.
Laking pasalamat ko na lang din dahil hindi namin napag-usapan ang nangyari kagabi. Siguro dahil na rin sa alam niya na nahihiya ako at kung pag-uusapan namin iyon ay baka mamatay na ako sa kahihiyan.
Tinapos na namin ang agahan namin at umalis na si Elijah. Naiwan naman akong mag-isa sa kwarto kaya lumabas na din ako at pumunta ako sa silid aklatan para maghanap ng mga palatandaan.
Masyadong malaki ang aklatan at marami din ang libro. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung saan ako magsisimulang magbasa. Kaya kumuha ako ng mga iilan libro tungkol sa mga titan sa buong Wysteria. Alam ko na meron din ganito sa Valeria ngunit baka may nakaligtaan ako na basahin dahil hindi ko lang pinagbigyan ng pansin.
Agad na nilapag ko ang libro at nagsimula akong magbasa. Lahat ng mga nakatala doon ay mga pamilyar na Titan na nakasalamuha na namin. Nakailang palit na ako ng libro ngunit wala pa rin akong mahanap na pwedeng makatulong sa paghahanap ng palatandaan.
Sa kalagitnaan ng aking pagbabasa ay napansin ko naman na may papalapit sa akin. Pasimple akong lumingon at nakita ko naman si Natalia na naglalakad, suot nito ang isang kulay puti at kalangitan na damit. Elsa?
She looks like Elsa from frozen with this get up, but she's more similar with the white witch in Narnia. Taas noo itong naglalakad patungo sa akin kaya nakaramdam ako ng pagkabagabag.
"Little Ales." Tawag niya sa akin kaya napatayo ako ng mabilis para batiin si Natalia.
"Magandang umaga po, mahal na reyna." Bati ko sa kanya at yumukod.
Sa oras na ito, wala akong ibang gustong gawin kundi ang umalis at huwag magpakita sa kanyang landas. Ginagawa ko ang lahat para hindi kami magkatagpo ngunit ngayon ay tila hindi ko ito maiiwasan.
"What are you doing here?" Malamig na tanong sa akin ni Natalia. Her eyes has the glint of coldness and ruthlessness. She has the condescending tone while asking me. It feels like in her eyes, I am just a small ant, easy to crushed.
"I am doing a light reading to help with the search for the clue, your highness." Sagot ko sa kanya at pinigilan ko ang sarili na mapalunok habang nakatingin kay Natalia.
BINABASA MO ANG
Immortal' Sins |Immortal Series Three|
Fantasy|COMPLETED| After the blessing of the moon fell upon, Alessia's journey continued in the land of Mythion. Lies and deceits uncovered. A treasure untold will be found. Immortal's Sins This story is written in Filipino
