Sins 🔸 16

7.7K 730 78
                                        

Alessia's POV

NAUNA na akong natulog dahil pag-aaralan pa ni Elijah ang gagawing pagpunta sa Venossa. Napagpasyahan na lang niya na siya ang gagawa dahil marami siyang bagay na ikokonsidera. Kailangan niya ng mabisang plano lalo na at hindi madali ang misyon na ito.

Ang alam ko lang sa plano niya ay maghahanap siya ng Navigator na papalaot papunta sa destinasyon ng Scylla. May tiwala ako kay Elijah na maganda ang planong mabubuo niya. Kaya kahit papaano ay mahimbing akong nakatulog. Hindi ko na alam kung anong oras na natulog si Elijah, o kung natulog ba siya dahil pagkagising ko ay nasa lamesa pa rin ito at abala sa pagsusulat sa papel.

Napatingin naman ako sa tabi ko. Medyo magulo iyon, senyales na natulog nga si Elijah ngunit mukhang sandali lang iyon at maaga din itong gumising para ipagpatuloy ang ginagawa.

"Morning..." bati ko sa kanya at humikab naman ako.

Mabilis naman na tumayo si Elijah at lumapit sa akin at tsaka hinalikan ako sa aking labi ng magaan bago bumulong.

"Morning, beautiful." Masuyong bati niya sa akin kaya di ko naman maiwasan na pamulahan.

Humiwalay naman siya sa akin kaya inaantok na tiningnan ko siya. Kahit marami itong ginagawa ay sobrang ayos pa rin nitong tignan. Sobrang gandang lalaki pa rin nito na hindi na makatarungan. Palagay ko ay mukha na akong dugyot tuwing gigising.

"Anong oras ka nang natulog kagabi?" Mahinang tanong ko sa kanya at naghikab ulit ako. Pansin ko lang na antukin ako masyado sa ganitong malamig na lugar. Hindi katulad doon sa Valeria na hindi ako antukin, maliban na lang kung kinulang ako sa tulog.

"I forgot, but I slept." Mahinang saad naman ni Elijah sa akin ay ngumiti it at hinawakan naman niya ang buhok ko at hinaplos iyon.

Kahit sabihin niya iyon, may hinala na ako na madaling araw na itong natulog. Ngunit hindi ko naman magawang pagbintangan siya dahil wala naman akong ebidensya.

"Have a nap later. You're under sleep." Tugon ko naman sa kanya. I want him to rest since he will go to hunt the charybdis. I don't want him to be tired or sleepy during the mission. Pero nang maisip ko iyon, parang niloloko ko naman ang sarili ko. Hindi kailangan ni Elijah ng tulog kaya malamang walang kwenta ang pinagsasabi ko.

"We'll nap together. I will not be too busy later on. Tomorrow, we will be heading out to Venossa so all Sentinels must have a proper rest today." Tugon niya sa akin. "I'll spend the rest of my day with you."

Lumubo naman ang puso ko dahil sa narinig. Kahit may kahungkagan ang puso ko dahil aalis na sila bukas at hindi ko alam kung kailan sila makakauwi. Ilang araw ba silang aabutin doon? Tatlong araw? Isang linggo? Pero hindi ko masabi at hindi ko rin kayang magtanong kay Elijah. Walang kasiguradohan kung gaano katagal ang kanilang magiging biyahe.

"Elijah... Ipangako mo sa akin na babalik ka ng ligtas..." usal ko sa kanya. Kahit malaki ang tiwala ko kay Elijah ay hindi ko maiwasan ang mangamba.

Tinitigan ako ni Elijah na tila naglalaro ang samu't saring emosyon sa kanyang mga mata. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang pigil na pagtagis ng kanyang panga na tila nagpipigil siya sa kanyang sarili. Pero hindi siya nagsalita, kundi niyakap niya lang ako.

Ang kanyang pananahimik ay nagbibigay sa akin ng pangamba. Ayoko siyang umalis, gusto ko siyang pigilan ngunit alam ko na imposible iyon. Gusto kong sumama ngunit mas natatakot ako na maging pabigat lang ako. Sa isang laban, alam mo kung kailan ka susugod at susuko. Ngayon, sa pagkakataon na ito ay kailangan kong isuko ang kagustohan na sumama sa kanya patungong Venossa. Dahil iyon ang nararapat at mas makabubuti.

"I will return safely. I will leave Stefano to guard you while I am not here." Bulong niya sa akin at alam ko na ramdam niya ang pangamba ko. "I cannot erase your worry since I am going to a dangerous mission. I will be back, I will be back for you. So please, stay and wait for me." Emosyonal na usal ni Elijah.

Immortal' Sins |Immortal Series Three|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon