Alessia's POV
"THIS IS the winter horse, it's taller than the regular stallion but their breed cannot survive other season but winter." Paliwanag ni Elijah habang nasa kwadra kami ngayon at nakaharap ako sa isang matikas na winter horse.
Namamangha naman akong nakatitig dito. Ang mga mata nito ay kulay asul at ang balat nito ay tila gawa sa niyebeng asul na maputla. Ang kanyang buhok sa ulo at buntot ay tila gawa sa salamin dahil translucent ang mga iyon.
"Pwede ko ba siyang hawakan?" Hingi ko ng permiso kay Elijah. Kailangan ko iyon dahil hindi ko alam kung pwede ba iyon gawin lalo na at hindi naman ito normal na kabayo. Tumango naman si Elijah bilang tugon sa hinihingi ko.
Ngumiti naman ako kaya dahan dahan ko itong inabot at lumapat ang kamay ko sa noo nito. Hindi ko siya ramdam sa aking balat dahil may suot akong gwantes. Naiisip ko kung malamig din ba ang katawan nito o kagaya lang din ng normal na kabayo.
Narinig ko naman na humalinghing ang kabayo pero hindi naman ito umiwas. Hindi na nagtagal ang kamay ko sa noo niya at binawi ko na iyon. Wala din naman silbe dahil hindi ko maramdaman. Ayoko naman tanggalin ang gwantes ko dahil malamig ang kwadra.
"I'll take out the winter horse. Wait for me outside, Sweetheart." Turan naman sa akin ni Elijah habang inabot nito ang renda na nasa tabi ng kulungan nito.
Agad naman akong tumalima at naglakad ako palabas ng kwadra at sumalubong sa akin ang mapayapa at malamig na klima. Nangaligkig ako at tumingala sa kalangitan. May mga iilan na tumama sa aking mukha na niyebe kaya naman ay itinaas ko ang aking kamay para manghuli ng iilang piraso.
May mga lumapag naman sa aking palad at tiningnan ko iyon. Namangha ako sa aking nakita dahil literal na snow flake ang nakikita ko, kagaya ng mga larawan na nakikita ko. Akala ko bilog lang ang snow flake pero di ko akalain na katulad na katulad ito sa mga guhit.
"Wow, akala ko sa cartoons lang yung snow flakes, totoo pala talaga na mukha siyang spider web." Usal ko naman habang sinusuri ko ang mga ito. Hindi sila magkakapareho, dahil may malaki at maliit ngunit pareho silang magaganda.
Tumingala ulit ako sa kalangitan. Mas mainam na ngayon ang aking pakiramdam, hindi katulad noon sumasakit ang puson ko. Malamig pa rin, pero kahit papaano ay natitiis ko na at hindi na ako nakakaramdam ng pananakit ng tiyan.
Narinig ko naman ang halinghing ng kabayo kaya napalingon naman ako at nakita ko na palabas na si Elijah dala ang kabayo na suot suot na ang ang renda. Masyado itong mataas na kahit pa siguro magaling akong mangabayo ay hindi ko pa rin kakayanin sumampa dito ng walang kahirap-hirap.
Naalala ko pa noon tinuruan ako ni Dustan kung paano sumampa sa kabayo na muntik ko ng makahalikan ang lupa dahil sumobra ako. Mabuti na lang at nandoon si Elijah dahil baka nanghiram na ako ng mukha sa aso ngayon.
"I'll give you a boost." Untag naman ni Elijah sa akin. Napansin 'ata niya ang pagtitig ko sa winter horse.
"Sige." Tugon ko at napatingin naman ako sa kabila dahil lumabas na din si Stefano dala ang kanyang winter horse. Hindi kami nito pinansin at abala ito sa pag-aayos ng kanyang kabayo.
Lumapit na ako kay Elijah at agad naman na pumatong ang dalawa niyang kamay sa aking bewang at agad na lumutang ako sa ere at walang kahirap hirap na nakasakay ako sa likod ng kabayo. Everything looks easy with Elijah's movement. Natural na natural ito ma hindi ko alam kung kailan din ako magiging ganoon.
Inayos ko ang aking pagkakaupo sa ibabaw ng kabayo at tumingin tingin ako sa paligid. May mga iilang kawal doon ng Mythion na nagbabantay at mga manggagawa na nagtatrabaho.
Mabilis naman na sumampa si Elijah sa likuran ng walang kahirap hirap. Agad na nakulong ako sa pagitan ng kanyang mga hita. Agad naman na ikinulong niya ako sa suot niyang makapal na coat kaya mas lalong nabawasan ang lamig. Ginawa niya iyon na hindi iniisip ang sasabihin ng mga nakakita. But Elijah is a person who will not care once he's decided.
![](https://img.wattpad.com/cover/223492450-288-k219613.jpg)
BINABASA MO ANG
Immortal' Sins |Immortal Series Three|
Fantasi|COMPLETED| After the blessing of the moon fell upon, Alessia's journey continued in the land of Mythion. Lies and deceits uncovered. A treasure untold will be found. Immortal's Sins This story is written in Filipino