Sins 🔸 20

6.7K 730 127
                                    

Alessia's POV

"ESTREBELLE, papasukin mo si Stefano." Utos ko sa kanya nang makabalik ito dala ang mga libro na hiningi ko. Mga limang libro ang dala nito at hindi ko alam kung matatapos ko ba ang lahat ng iyon lalo na at tila may mangyayaring masama.

"Masusunod, Lady Alessia." Tugon naman nito at lumabas ulit ito ng kwarto para papasukin si Stefano. Hindi sumunod si Estrebelle at nanatili ito sa labas na nakatayo.

Pumasok naman si Stefano at patungo ito ngayon sa akin habang nakaupo ako at tinitingnan ang libro na nasa lamesa.

"May problema ba?" Tanong ni Stefano sa akin nang nakalapit ito. Nagtaas naman ako ng tingin at seryoso ko siyang tiningnan. "Wag mong sabihin na namimis mo na si Elijah at gusto mong sumunod doon sa Venossa? Ales, mahal kita pero mas mahal ko ang buhay ko." Nakataas kilay na saad nito. He said naturally but I was not bothered with the term of his love because I know it is just a love between friends.

Parang gusto ko naman pukpokin ito ng martilyo dahil sa panghuhula nitong wala naman kabuluhan. Kahit nag-aalala ako kina Elijah ay hindi ko naman naisip na sumunod sa kanila. Dadagdagan ko lang ang problema kung susunod ako doon. Hindi na iyon kagaya ng Eleftheria. Even Sushi warned me not to go there so why would I insist? Kung mah niya buhay niya, mas mahal ko naman ang buhay ko.

"Stefano, kung isa kang manghuhula, walang magpapahula sa iyo dahil mali ang mga hula mo." Nakasimangot na tugon ko naman sa kanya at inayos ko na ang sarili ko. "May kailangan ako at kailangan ko ang kooperasyon at katapatan mo." Nakasimangot na saad ko sa kanya dahil alam ko na mambubuwiset na naman ito bago pa ako seryosohin nito.

Tumaas naman ang kilay ni Stefano. "This will be called treason. I am loyal to the king and your asking me for my loyalty to you."

Parang gusto ko naman hilain ang buhok nito at sabunutan. Kung anu-ano na lang ang naiisip nito at pinagbibintangan pa ako. Yung utak ni Stefano may ubo.

"Hindi ko hinihingi na patayin mo si Elijah. Ang gusto ko lang ay kooperasyon mo dahil may mga itatanong ako sa iyo." Walang ganang paliwanag ko sa kanya dahil sa itsura nito, ay pinagdidiskitahan na naman ako. Hindi nga ako nagkamali.

"Ano ang gusto mong malaman?" Sumuko na ito sa kung ano man nakakatawang bagay at naging seryoso na ito.

"Sabihin mo sa akin kung may kakaibang nangyayari tuwing bagong buwan." Saad ko sa kanya. Hindi iyon tanong, kundi hinihingi ko sa kanya ang impormasyon na gusto kong malaman. Hindi sapat sa akin ang sinabi ni Estrebelle dahil pakiramdam ko ay may bagay na hindi nasabi sa akin. Why would I received that warning during this time?

Kumunot naman ang kanyang noo. "Bakit gusto mong malaman?" Tanong niya sa akin. His eyes is scrutinizing me, trying to figure out why am I asking this things to him.

Alam ko na madaling magduda si Stefano at madalas itong assuming. Sobrang aktibo ng imahenasyon nito at kung anu-ano na lang ang naiisip nito. Pero kahit ganyan siya ay mapagkakatiwalaan pa rin si Stefano. He's someone who's been with Elijah for a long time. Elijah will not trust him if he's not trustworthy.

"Dahil kailangan kong malaman. Meron ba akong hindi dapat malaman kaya nagdadalawang isip ka kung sasagutin mo ba ang tanong ko?" Seryosong tanong ko sa kanya. Hindi ko muna sasabihin ang nakita ko sa bintana. Kailangan ko munang analisahin ang kung ano man impormasyon na ibibigay niya.

"H-hindi naman sa ganoon." Nailang ito bigla dahil na rin sa naging reaksyon ko. "Kadalasan ay masyado lang madilim at hindi mainam na maglakbay tuwing bagong buwan." Sagot niya sa akin na napapakunot noo pa rin.

"Dahil sa madilim?" Nakataas kilay na kumpirma ko. It's a ridiculous thought to say because of darkness, it's not ideal to travel. Para saan ang ilaw sa gabi, kung hindi naman gagamitin?

Immortal' Sins |Immortal Series Three|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon