Third Person's POV
NAGKULONG sa silid si Elijah dahil inihanda na niya ang kanyang sarili sa parating na hagupit ng sumpa. Kahit uminom na siya ng gamot ay makakaramdam pa rin siya ng matinding sakit ngunit hindi katulad ng normal. Nakatingin si Elijah sa orasan, at oras na lumapag iyon ng hating gabi ay magsisimula ang sumpa.
Sanay na si Elijah sa ilang taon na nararanasan ito ngunit hindi niya maiwasan na makaramdam ng matinding sakit. Ngunit kahit minsan ay hindi niya hiniling na mamatay, dahil higit na mas matimbang sa kanya ang makasama si Alessia.
Ngunit natatakot siya dahil kung hindi siya makakaramdam ng sakit ngayon ay natitiyak niya na buntis si Alessia. Hindi niya ikakatuwa iyon dahil alam niyang si Alessia ang bubuhat ng sumpa at masasaktan ito. Walang problema sa kanya kung buntis si Alessia, basta mangyari lang iyon pagkatapos ng solstice.
Kaya ang kanyang mga mata ay hindi humihiwalay sa orasan at bawat patak ng segundo ay nagbibigay kaba kay Elijah. Unti-unting kumukuyom ang mga palad ni Elijah habang patindi ng patindi ang kaba niya nang ilang segundo na lang at papatak na ang alas dose ng hating gabi.
Halos hindi na humihinga si Elijah sa antisipasyon at nang pumatak na ang alas dose ay halos pigil na ang hininga ni Elijah. Hinintay niya na kumalat ang matinding sakit ngunit dumaan ang ilang segundo hanggang sa umabot iyon ng ilang minuto ay walang dumating. Wala siyang maramdaman na sakit kahit na kaunti.
Nanlamig ang katawan ni Elijah at bigla siyang napaluhod. Tumulo ang luha ni Elijah sa biglaang paninikip ng dibdib niya dahil sa katotohanan na ngayon ay sumampal sa kanya. Kahit hindi niya gustohin ay nangyari nga ang bagay na hindi niya ginustong mangyari sa pagkakataon na ito.
"She's pregnant." Tila patalim iyon na dumaan sa lalamunan ni Elijah. "S-she's pregnant." Sunod sunod ang pagpatak ng luha ni Elijah na tila ayaw tumigil. Pakiramdam ni Elijah ay pinaglalaruan siya ng tadhana at nangyayari ngayon ang mga bagay na ayaw niyang mangyari.
Tila pinunit ang puso niya dahil nakikinita na niya ang mga nangyayari. Alessia is now suffering for him instead, while carrying their child in her womb. The pain is unbearable that even fainting will not save your from pain.
"Alessia..." Tila isang dasal iyon na dumaan sa kanyang bibig. "Alessia!" At hindi na mapigilan ni Elijah kundi ang sumigaw at humagulgol.
Hindi niya matanggap na buntis si Alessia habang dumaranas ito ngayon ng matinding sakit. Pakiramdam ni Elijah ay tila pinapatay siya ng kanyang konsensya. Kasalanan niya kung bakit lumayo si Alessia. Hindi niya magawang protektahan si Alessia at ang kanilang magiging anak. Sa pangalawang pagkakataon ay pinagsisisihan ni Elijah ang naging desisyon niya. He thought it was for good, but instead, it was the worst.
Mabilis na humangos papasok si Stefano at iba pang sentinels. Nadatnan nila si Elijah na nakaluhod at lumuluha na tila walang kalaban laban. Nanginginig ang katawan nito. Elijah looks helpless at pati ang mga sentinels ay hindi kinaya ang nakikita kaya lahat sila ay napaluhod din. Wala ni isa sa kanila ang nakatayo.
Tumingin si Elijah kay Stefano. "Stefano, tulungan mo ako...." tunog pagmamakaawa nito na sa unang pagkakataon ay ginawa ni Elijah.
The king never bows to anyone and this is the first time that the sentinels and Stefano how helpless the king is. They saw how hurt the king was when Elena died, but the king was never like this. This time, it looks like his world was taken away from him. Kaya kahit galit si Stefano kay Elijah ay hindi niya mapigilan ang maawa kay Elijah. Elijah's face is painted with great pain that even him cannot bear.
"Ang mag-ina ko...hindi ko kaya." Lumuluhang saad ni Elijah na ikinatigas nila sa kanilang kinaluluhuran. Isa lamang ang ibig sabihin nito, hindi tumama ang sumpa sa hari at buntis si Alessia. "Ako na lang... please ako na lang ang paranasin niyo ng sakit at sumpa, huwag lang siya....huwag ang mag-ina ko." Halos pumiyok ang boses ni Elijah sa kanyang pag-iyak.
BINABASA MO ANG
Immortal' Sins |Immortal Series Three|
Fantasy|COMPLETED| After the blessing of the moon fell upon, Alessia's journey continued in the land of Mythion. Lies and deceits uncovered. A treasure untold will be found. Immortal's Sins This story is written in Filipino
