Alessia's POV
"LOLO, malayo pa ba tayo?" Hindi ko mapigilan na magtanong dahil mahigit isang oras na kaming naglalakad at ramdam na ramdam ko na rin ang pagod. Nananakit na din ang mga paa ko dahil nagsisimula na silang mamaga.
"Malapit na apo, pasensya na ngunit para sa ikabubuti mo rin ang paglalakad na ito." Tugon naman sa akin ni Lolo at lumiko kami sa isang magkasangang landas.
Mas mapapadali sana kung nagteleport si Lolo kasama ako ngunit hindi na iyon maaaring gawin dahil buntis ako. Masyadong malakas ang puwersa at tensyon ng teleportation na maaaring ikasama ng anak ko. Kaya wala kaming magagawa kundi ang maglakad. Mas lalong hindi din ako pwedeng sumakay ng kabayo dahil magalaw ang kabayo.
Pinakiramdaman ko ang paligid. Mas nagiging makulimlim iyon at pakiramdam ko ay nagiging pamilyar sa akin. Ang mga buhay na puno ay nagiging patay. Makulimlim at mas malamig ang paligid.
Napasinghap naman ako nang maalala ko na nakapunta na ko dito noon una kong nakilala sina Elijah at Stefano. Ito ang lugar na pinuntahan nila upang makausap ang isang salamangkero. Dito ko rin natagpuan si Sushi. Hindi ko akalain na makakabalik ako dito.
"Lolo, nakapunta na ako dito dati." Hindi ko mapigilan na saad kay Lolo.
Napalingon naman sa akin si Lolo. "Talaga? Paano? Hindi ito basta-bastang napapasok ng kung sino." Takang tanong niya sa akin.
Ganoon din naman ang palagay ko. Ngunit ibang bagay naman iyon dahil kasama ko noon ang hari.
"Kasama ko noon ang hari. Noon nakilala ko sila, hindi ko alam na hari pala siya. Sumama ako dahil napag-alaman ko na pupunta sila sa isang salamangkero. Nalaman ko din na nakakatawid ang salamangkero sa mundo ng mga mortal kaya nagbakasakali ako at sumama." Tugon ko sa kanya at nagpatuloy pa rin kami sa paglalakad.
Napatangu-tango naman si Lolo. "Kung nagkataon noon na nakilala mo ang salamangkero ay maaaring hindi ka pa rin papayagan na makaalis dito. Hindi basta-basta nagdadala ng iba ang mga salamangkero palabas ng Wysteria." Turan niya sa akin.
"Naisip ko din iyon Lolo. Ngunit naisip ko din na kung malalaman niya na tao ako ay ibabalik niya ako." Sagot ko sa kanya. Iyon naman talaga ang plano ko, ngunit nagbago iyon dahil hindi ganoon kadali ang makasalamuha ang mga salamangkero.
"Ngunit iba ang salamangkero na nakatira dito. Hindi ka i-uuwi sa mundo ng mga mortal, kundi dadalhin ka sa kaharian dahil isa kang tao. Mas mabuti na rin siguro na hindi mo nakasalamuha iyon kaagad noon." Tugon niya sa akin na halatang malalim ang iniisip.
Napaisip naman ako. Kung sakaling nakasalamuha ko nga siya, ano kaya ang posibleng mangyari? I-uuwi ba ako ni Elijah sa mundo ng mga mortal? Maybe there is a big difference if that happened. After all, it took a long time for us to figure out that I am his fated lady. Maybe, by now, he might be married already to my sister if that happened.
Pakiramdam ko tuloy ay tila sinadya ang lahat. I was forced to pretend as a man because of the fear of turning into a sex slave. Ngunit sa napapansin ko ay tila hindi naman ganoon ang mga opisyales. I never heard of any sexual trafficking here in Valeria.
But who knows? Hindi ko naman alam ang buhay ng mga opsiyales. Maybe they only act good when facing the majority, but when they are in their personal space, it's different already.
Hindi na ako nagsalita pa. Naging maingat ako sa paglalakad lalo na at marami akong nakikitang mga tdilaw na mata sa kadiliman na alam ko ay mula sa mga mababangis at maiilap na hayop. Kinakabahan ako na baka umatake sila ngunit malaki naman ang tiwala ko dahil nandito si Lolo. Hindi rin namin isinama si Sushi.
Hindi nagtagal ay narating na namin ang pamilyar na kubo. It's been more than a year when I first came to this place with Elijah. That was around May last year.
BINABASA MO ANG
Immortal' Sins |Immortal Series Three|
Fantasia|COMPLETED| After the blessing of the moon fell upon, Alessia's journey continued in the land of Mythion. Lies and deceits uncovered. A treasure untold will be found. Immortal's Sins This story is written in Filipino