Dedicated to: Mairies_Jane, hello♥️
Third Person's POV
NATAPOS na ni Elijah ang mga dapat niyang pirmahan kaya naman ay lumabas na siya sa kwarto at pumunta sa isang maliit na salas. May sofa doon, maliit na lamesa at bintana. Gusto niyang mag-isip at kalmahin ang sarili niya. Wala pa sa kamay niya ang mga ebidensya kaya hindi niya pwedeng lapitan si Alessia dahil tatraydorin lang siya ng sarili niya.
Nakatayo lang si Elijah doon, madilim ang paligid at malakas ang hangin. Hindi niya magawang matulog lalo na at marami siyang kailangan gawin. Pagkatapos ng lahat ng ito ay aamin na siya kay Alessia.
"E-Elijah?" Napalingon naman si Elijah dahil sa boses na tumawag sa kanya. Nakita niya si Erenea, kiming nakatayo at natatakot. "M-maaari ba a-akong s-sumama s-sa iyo?"
Napakunot naman ang noo ni Elijah. Hindi mabasa ni Elijah kung ano man ang tumatakbo sa isipan nito para masabi iyon. Kakatwang wala na rin siyang maramdaman dito na hindi maipaliwanag ni Elijah. Pero masaya si Elijah dahil wala na siyang poproblemahin pa tungkol sa nararamdaman niya.
"Bakit?" Tanong ni Elijah na hindi niya magawang itaboy ito dahil kahit papaano ay naaawa pa rin naman siya dito.
"N-natatakot a-ako sa s-silid...w-wala a-akong k-kasama." Tugon nito kay Elijah kaya napabuntong hininga naman ang huli.
"Halika dito." Tawag naman ni Elijah. Hindi na siya natatakot dahil maliwanag na kay Elijah ang lahat. Kung ano man ang dahilan noon biglaang nay naramdaman siya para dito ay wala nang balak pa na alamin si Elijah. Ang importante ay wala na ang kanyang nararamdaman.
Lumapit naman si Erenea ngunit biglang yumapos ito kay Elijah. Medyo nagulat si Elijah dahil sa ginawa nito ngunit hindi niya ito itinulak para kumpirmahin pa ang isang bagay. Napangiti naman si Elijah dahil ni katiting ay wala na talaga siyang maramdaman na pagkagusto kahit nakayakap ito sa kanya. Bahagyang tinapik niya ang likod nito.
"H-hindi a-ako m-makatulog d-dahil m-masyadong m-malambot a-ang h-higaan." Hindi alam ni Elijah kung reklamo ba yun o komento lang mula kay Erenea.
Hindi na tumugon tungkol doon si Elijah at inihiwalay niya ito mula sa katawan niya bago nagsalita.
"Erenea, hindi pwedeng basta-basta ka na lang yayakap sa akin. Ayokong bigyan ng dahilan para magalit sa akin ang babaeng mahal ko. Naiintindihan mo ba iyon?" Mahinang usal ni Elijah. Kailangan niyang turuan kung paano dumestansya si Erenea. Hindi magandang tingnan na basta-basta na lang itong yayakap sa kanya.
Bumaha naman ang lungkot sa mukha ni Erenea dahil naintindihan nito ang ibig sabihin ni Elijah.
"Y-yung r-reyna n-niyo p-po b-ba a-ang m-magagalit?" Inosenteng tanong ni Erenea. Ang hugis puso nitong mukha ay maaliwalas.
Tumango naman si Elijah. "Makikilala mo siya. Sigurado akong magugustohan mo siya." Nakangiting saad ni Elijah dito. Tinuturing ito ni Elijah na isang bata dahil na rin sa lebel ng kaalaman nito.
"M-mabait d-din s-siya k-kagaya m-mo?" Tanong ulit nito.
Tumango naman si Elijah. "Oo, kaya matulog ka na para makilala mo siya kaagad."
Tumango naman si Erenea. "S-sige, m-matutulog n-na a-ako, E-Elijah." Paalam naman nito at agad ng umalis pabalik sa silid nito. Magkalapit lang ang silid ni Stefano at Erenea.
Nanatiling nakatayo siya doon sa harap ng bintana. Napasandal si Elijah at napapikit habang lumalarawan sa kanyang isipan ang luhaan na mukha ni Alessia.
"Damn you for making her cry, Elijah." Galit na saad ni Elijah sa kanyang sarili. Kailanman ay hindi niya ginusto na saktan si Alessia sa ganitong paraan. Pinagsisihan na niya ang mga nagawang mali noon pa man. Ngunit kailangan niyang pansamantalang saktan si Alessia. Hinihiling lang niya na sana ay hindi siya kamuhian nito.
BINABASA MO ANG
Immortal' Sins |Immortal Series Three|
Fantastik|COMPLETED| After the blessing of the moon fell upon, Alessia's journey continued in the land of Mythion. Lies and deceits uncovered. A treasure untold will be found. Immortal's Sins This story is written in Filipino