Alessia's POV
"ALES Condor?" Gulat na sambit ko habang nakatitig sa kanya. "Ikaw ba ang pamangkin ni Honey at Falix?!"
Nagulat din ito at halatang kilala niya si Honey at Falix.
"Kilala mo ang mga kamag-anak ko?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ales sa akin. His eyes are wide as saucers because of surprise.
It's weird to call him Ales because I am used to be called Ales as well. Pero siya ang totoong Ales Condor at ako naman ay si Alessia Andromeda Condor. I am aware from the very beginning that I am only borrowing his identity.
Tumango naman ako. "Nakatira ako dati sa Samona. Sa makatuwid, sila ang kumupkop sa akin noon may nangyari sa akin at napadpad sa Samona." Kwento ko sa kanya. I am just telling the truth and I don't think it's bad.
Naalala ko pa na inakala nila Honey na nawalan ako ng ala-ala at doon nila napagdesisyonan na gamitin ko ang katauhan ng pamangkin nila. They said, Ales was sickly until his family move to Waldorf. Right now, he no longer looks like sickly at all.
Lumiwanag naman ang mukha ni Ales. "Ang swerte ko naman at nakita kita. Matagal na panahon na rin at hindi na ako nakabalik sa Samona dahil lumipat kami sa Waldorf." Tuwang tugon niya sa akin.
"Nasa Samona pa rin sila ngayon. Hindi na rin ako nakabalik doon kaya hindi ako sigurado kung ano na ang kalagayan nila." Lalo na at maraming nangyayari ngayon sa Valeria. Hindi ko masabi iyon dahil baka mag-alala lang ito.
"Sumusulat naman ang tiyahin ko at sabi nila ay maayos lang sila. Inatake ang Samona noon ng mga demons at nawasak ang bahay nila ngunit nakumpuni ulit iyon... Alam mo ba ang tungkol doon?" Tanong pa niya akin.
"Ah...oo, narinig ko ang tungkol doon." Tugon ko sa kanya. Hindi ko nais na sabihin na nandoon ako mismo dahil baka magtanong lang ito sa mga pangyayari at nais ko na iyon kalimutan dahil bangungot para sa akin iyon. "Ano pala ang trabaho mo dito sa Caracass?" Pang-iiba ko ng usapan.
"Inhenyero." Sagot niya sa akin. "Dahil sa hindi naabot ang kagustohan ng Governor ang inhenyero sa Valeria, ang Walford ang gumagawa ng mga gusali dito. Ngayon ay babaguhin ang Caracass at desisyon iyon ng Governor ng Caracass." Sagot niya sa akin.
Not meeting the standards? Napakunot noo ako doon dahil hindi ko iyon alam. Ang alam ko, ang bawat kaharian ay may mga magagaling na builders at engineers. Ngunit hindi ko inaasahan iyon mula sa kanya na ang Governor ng Caracass ay hindi nagustohan ang desenyo ng mga engineer mula sa Valeria.
"Paanong nangyari iyon?" Hindi ko mapigilan na itanong iyon sa kanya.
He shrugged. "Hindi ko rin alam. Basta nakatanggap na lang kami ng kautusan na kailangan namin pumunta dito at manatili sa mahabang panahon para sa pagbabago ng Caracass. Ngunit ang alam ko, i-senuhistyon ng mga inhenyero na baguhin ang kultura ng Caracass na siyang dahilan para hindi ito magustohan ng Governor." Kwento nito.
Napaisip naman ako sa mga sinabi niya. Kahit sino naman ay hindi magugustohan ang suhestyon na baguhin ang kultura. The people living in Caracass are greeks. Changing their culture means throwing away their religion and ethnicity.
"Sensitibo ng ang usapin tungkol diyan. Pero sana magtagumpay kayo sa kaunlaran ng Caracass." Saad ko naman sa kanya. Hindi ko ugali na pag-usapan ang tungkol sa kultura ng isang bayan. Hindi ako ganoon ka maalam tungkol sa kultura ng Caracass. All I know is that they are greeks and nothing else.
"Sige, Binibining Alessia. Nakapagpahinga na ako at ipagpapatuloy ko na ang aking paglalakbay. Maraming salamat sa oras." Turan naman sa akin ni Ales kaya tumango naman ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Immortal' Sins |Immortal Series Three|
Fantasía|COMPLETED| After the blessing of the moon fell upon, Alessia's journey continued in the land of Mythion. Lies and deceits uncovered. A treasure untold will be found. Immortal's Sins This story is written in Filipino