A/N: Please follow CharmsAndCrystals
Alessia's POV
DAHIL sa bagot ko ay nagpasya ako na bumisita sa bayan ng Caracass. Nagsuot ako ng puting talukbong at hindi naman iyon kakaiba dahil madalas magsuot ng ganito ang mga kababaihan dahil na rin sa kasuotan ng Caracass.
Narating ko ang bayan at napapayuko ako tuwing may mga dumadaan na mga sentinels. Kahit hindi ako magtanong, alam ko na may hinahanap sila. Kaya laking pasalamat ko na lang din dahil hindi nila ako napapansin.
Pumunta ako sa mga tindahan kung saan may ibinebentang mga alahas na gawa sa mga makukulay na mga shells. Hindi ako mahilig sa mga ganitong bagay ngunit masyadong magaganda ang mga kulay nito na alam ko na hindi artipisyal kaya tiningnan ko ang mga iyon.
"Bili ka na binibini, sampung bronse lamang ang halaga ng bawat isa at bagay na bagay ito sa iyo." Nakangiting saad sa akin ng babae. All merchants will really say these things to their prospective buyer kahit ang totoo ay hindi naman talaga bagay. Nabiktima na din ako sa ganito noon. Kagaya ng mga damit na binebenta ng kapit bahay namin. Bagay na bagay daw sa akin, pero noon sinuot ko na at pinagmasdan ko ang sarili ko, hindi naman. Sinayang ko lang ang pera ko sa damit na hindi naman bagay sa akin.
Ngumiti naman ako sa kanya. "Kayo po ba ang gumawa nito?" Tanong ko sa kanya.
Tumango naman ang ale. "Ako binibini, medyo mahirap matagpuan ang mga ganitong klase na mga kabibe dahil kailangan kong maghintay na anurin sila sa dalampasigan."
Napatangu-tango naman ako. Ngunit kahit gaano kaganda nito ay wala akong interes na bilhin ito. Wala naman akong pagkagamitan nito at hindi ako mahilig sa alahas na gawa sa mga shells.
Tatanggihan ko na sana ang ale ngunit natigil naman ako dahil sa usapan ng katabing tindahan. May tatlong babae doon na nag-uusap na walang pakialam kung naririnig ba sila ng iba.
"Kalat na kalat na ang panyayari. Akala ko nga noon una ay hindi totoo, ngunit nagulat ako na totoo talaga!"
"Ako nga din. Sino ba naman ang mag-aakala na mangyayari iyon? Hindi ko lubos akalain na mapapaalis siya sa posisyon niya."
"Hindi lang yan, papatawan na rin siya ng kamatayan bukas. Ang balita ko dahil daw sa malaki ang kasalanan nito sa hari. Hindi malinaw kung ano ang totoong dahilan ngunit iyon ang dinig ko. Masyadong malaki ang kasalanan ng reyna ng Mythion na naging sapat para mapatalsik siya sa pwesto."
"Bukas ay papatawan na siya ng kamatayan? Hindi ko alam kung maaawa ako sa kanya."
"Hindi naman siya papatawan ng ganoon kung hindi mabigat ang kanyang kasalanan."
"Para patawan ang reyna ng ganyan kabigat na kaparusahan, ibig sabihin nun ay may pinagtangkaan siyang patayin na may mas mataas na posisyon sa kaysa kanya."
Natahimik ang mga ito at tila nag-isip. Ngunit nagsalita din kaagad.
"Pinagtangkaan ba niya ang hari ng Valeria? Siya lang ang natatangi kong alam na mas mataas ang posisyon kaysa reyna ng Mythion."
"Siguro ganoon. Hindi naman kasi malinaw ang lahat."
Hindi ako nagulat sa aking narinig. Sa halip ay nakaramdam ako ng tuwa dahil sa wakas ay naparusahan na rin si Natalia. Hindi ko alam kung bakit itinuloy pa iyon ni Elijah ngunit kahit papaano ay nakaramdam ako ng tuwa sa kanya, kahit mas nangingibabaw ang sakit.
Natalia deserves it and she doesn't deserve my pity. She asked for it and now she's suffering from it. Umalis na ako doon sa estante at tumingin tingin ulit sa iba. Wala naman akong napagkainteresan na bilihin kaya sa mga bilihan ng pagkain naman ako lumapit.
BINABASA MO ANG
Immortal' Sins |Immortal Series Three|
Fantasy|COMPLETED| After the blessing of the moon fell upon, Alessia's journey continued in the land of Mythion. Lies and deceits uncovered. A treasure untold will be found. Immortal's Sins This story is written in Filipino