Alessia's POV
LUMIPAS ang buong araw at gabi, wala nang naging atake mula sa mga demons at lumipas na din ang bagong buwan. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong balita tungkol kay Elijah. Walang nakakaalam kung ano na ang nangyayari sa kanila.
Dahil sa pag-aalala ay napagdesisyonan ko na bisitahin ang lokasyon ng ski resort para matingnan ang estado nito. Titingnan ko din ang tinutukoy ni Favian na mainit na lupa para nakumpirma ito.
"Stefano, pupunta ako sa lokasyon ng ski resort. Maaari mo ba akong samahan?" Tanong ko naman kay Stefano na ngayon ay nakatayo sa harap ng pintuan ng kwarto namin ni Elijah.
"Maaari. Hindi pa ako nakapunta doon. Ngayon na ba?" Kumpirma naman nito.
Tumango naman ako. "May kailangan kasi akong kumpirmahin doon sa lokasyon." Usal ko sa kanya. Hindi ko akalain na maluwag si Stefano lalo na at katatapos lang ng bagong buwan.
"Sige, mauuna na ako sa labas para ihanda ang masasakyan mo. Isama mo rin si Estrebelle at Sushi dahil baka may gawin ang reyna habang wala tayo dito." Habilin naman nito kaya tumango na ako.
Umalis din naman si Stefano para ihanda ang karwahe. Pumasok naman ako sa silid namin at nandoon si Estrebelle katabi si Sushi na ngayon ay nilalaro ang isang bola. Lumipas lang ang bagong buwan ay naging masigla na ulit ito.
"Estrebelle, sumama kayo sa akin at pupunta tayo sa lokasyon ng resort. Ipaghanda mo na rin ako ng makapal na damit para hindi ako masyadong lamigin doon." Utos ko sa kanya at agad naman na tumalima si Estrebelle.
Naiwan naman si Sushi na naglalaro pa rin pero alam ko na naiintindihan niya ang mga sinabi ko kanina. Ugali lang talaga nito na tila hindi ka niya naririnig tuwing naglalaro ito. Pero yung totoo ay nakikinig naman talaga ito.
"Heto na po ang coat niyo." At may iniabot si Estrebelle sa akin na kulay asul na mabalahibong coat. Isinuot ko na rin ang bota na malambot sa loob at magbibigay ito ng init sa aking mga paa.
Nagbihis na rin si Estrebelle na wasto para sa malamig na klima. Nakasuot ako ngayon ng itim na pantalon na makapal ay isang itim na may mahahabang manggas na blusa. Sapat na ito para hindi ako mamatay sa lamig dahil sa makapal na coat. Nagsuot na din ako ng gloves at naging handa na.
Lumabas na kami ni Estrebelle kasama si Sushi na naglalakad ngayon ng walang takot. Bumaba na kami at wala naman gumulo sa amin. May napapatingin sa amin na mga kawal ngunit hindi ko na iyon binigyan pa ng atensyon.
Pagkarating naman namin sa labas ay nakita ko si Stefano na naghihintay at may isang karwahe doon. Mabuti naman at isang karwahe lang ang kinuha niya. Sumakay na kami ni Estrebelle sa karwahe, habang si Stefano naman ay sa isang winter horse.
Naging komportable naman ako sa aking pag-upo at si Sushi naman ay nahiga sa tabi ko. Napatingin naman ako kay Estrebelle na maayos ang pagkakaupo.
"Wala pa rin bang balita tungkol sa hari?" Tanong ko sa kanya. Alam ko na wala pang dumadating na balita ngunit hindi ko mapigilan na magtanong. Masyadong matagal na at wala kaming balita kina Elijah. Hindi namin alam kung ano na ang nangyayari.
Umiling naman si Estrebelle. "Tanging ang huling balita lang po ay yung umalis na sila sa Venossa patungong karagatan. Nagpadala po ng mga sentinels doon at hindi ko po alam kung kailan ang kanilang balik, Lady Alessia." Magalang na sagot sa akin ni Estrebelle.
Hindi ko naman magawang magsalita pagkatapos nun dahil hindi ko alam kung ano pa ang itatanong ko na alam ko na ang kasagutan. Hindi ko mapigilan na hindi mag-isip ng hindi maganda. Paano kung may nangyari na masama kaya hanggang ngayon ay wala pa kaming balita?
BINABASA MO ANG
Immortal' Sins |Immortal Series Three|
Fantasi|COMPLETED| After the blessing of the moon fell upon, Alessia's journey continued in the land of Mythion. Lies and deceits uncovered. A treasure untold will be found. Immortal's Sins This story is written in Filipino