Sins 🔸 7

6.4K 757 72
                                    

Alessia's POV

DUMATING kami sa isang silid kung saan nakaupo ang dalawang imortal na may kalakihan ang mga katawan. Pareho silang matangkad at nasa mga trenta ang edad kung pagbabasehan ang kanilang mga itsura. Napalingon naman sila sa akin nang napansin na bumukas ang pintuan at kaagad silang tumayo nang makita ako.

"Magandang araw binibini. Ipagpaumanhin ninyo kung nagambala ka namin sa iyong pamamahinga." Saad ng isang lalaki na may kayumangging buhok at kulay abong mga mata. "Ako po si Galen at ito naman kasama ko ay si Rubius." Pakilala nito at sa kasama niya na may maitim na buhok. Parehong may kahabaan ang kanilang buhok na hanggang likod.

Nakasuot sila ng panlamig na mas lalong nagpapalaki sa kanila tingnan. Ngumiti naman ako sa kanila at pilit iniinda ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

"Ikinagagalak ko kayong makilala. Ako si Alessia at pag-usapan na natin ang plano." Nakangiting saad ko sa kanila at tila gumaan naman ang kanilang mga ekspresyon. Noon una ay tila naiilang ang mga ito, ngunit kalaunan ay hindi na noong nagsalita ako.

"Natutuwa po kami dahil sinabi po ng reyna na may maganda po kayong plano para maging atraksyon ng Sennone. Wala pa po kaming ideya kung ano po ang skiing, kaya natutuwa po kami na ibabahagi niyo ito sa amin." Turan niya ulit ni Galen sa akin. Tahimik lang si Rubius, taga pakinig at taga tango.

"Maupo muna tayo." Saad ko naman sa kanila dahil pakiramdam ko ay nanginginig ang tuhod ko. Ayokong matagpuan na lang ang sarili ko na bumagsak sa sahig at namimilipit sa sakit. Kailangan kong umupo hangga't maaari.

"Pasenya na, Lady Alessia. Masyado lang po kaming nasasabik sa ipapahayag niyo po. Maupo po kayo." Hindi magkandaugaga ang dalawa sa paghila ng upuan para sa akin.

Ito ang unang pagkakataon na may nilalang na hindi magkandaugaga para sa akin. Pakiramdam ko ay napaka-importante ko sa kanila. Ganito din ba ang pakiramdam ng mga Hari at Reyna?

"Salamat." Tugon ko naman at naupo na hanggang sa nakaramdam ako ng ginhawa kahit papaano. Pasimpleng nagpakawala ako ng buntong hininga na hindi nila napapansin. Inilapag ko na din ang mga papel na ginawa ko kagabi para sa disenyo.

Nagsimula na akong magpaliwanag sa mga importanteng bagay na kailangan nilang malaman tungkol sa skiing. Hindi naman ako nahirapan sa pagpaliwanag sa kanila dahil agad naman nila itong naintindihan.

Ipinakita ko din sa kanila ang mga disenyo ng mga kagamitan at namamangha silang nakatingin doon. Ipinaliwanag ko naman sa kanila ang lugar na kailangan ko. Marami silang ibinigay na suhestiyon, ngunit hindi ko naman alam kung saan banda iyon.

"Rubius, ibigay mo sa akin ang mapa para maituro ko kung saan ang magagandang lokasyon para sa atraksyon." Turan ni Galen dito at ibinigay naman kaagad nito ang nakatuping lumang balat ng hayop kung saan nakaukit doon ang mapa ng Mythion.

Nahuhulaan ko kung bakit balat ng hayop ang gamit nila para sa mapa. Dahil sa madaling masira ang papel sa ganitong klase ng klima. Madaling mababasa at papel, hindi katulad ng balat na hindi masisira kahit mabasa pa ito. Inilatag na nila ang kayumangging mapa na kulay itim ang bawat guhit. Itinuro nito ang isang lugar na nasa pagitan ng Sennone at Venossa.

"Ito po ang pinaka-angkap sa hinahanap niyo po. Medyo matatarik ang lugar na ito at nababagay ito sa hanap niyo. May mga puno ng pino pero nasa paligid lang po at may malawak doon na walang mga puno at matarik." Paliwanag naman sa akin ni Galen.

"Ngunit sa ngayon po ay maraming kumakalat doon na mga lobo ngunit hindi naman po sila umaatake ng mga mamamayan. Mga normal na lobo lang po sila na pwede din maging atraksyon." Dugtong naman ni Rubius kaya natuwa ako sa mga naitutulong nila.

Immortal' Sins |Immortal Series Three|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon