Sins 🔸 23

6.7K 825 197
                                    

Third Person's POV

THE thickness of the mist is almost blinding. The dark waters seems to move like a serpent, ready to attack.

Agad na napansin ni Sudanni na ibang dimensyon na ang pinapasok nila. Ito ang dimensyon ng Scylla ngunit hindi pa nila ito nakikita dahil sa kapal na hamog na bumabalot sa kapaligiran. Ang tunog ng alon lang ang kanilang naririnig.

"Remain in silence. We are already in the lair of Scylla." Saad ni Elijah sa kanilang mga isipan. Agad naman na nahulaan iyon ni Elijah dahil ramdam nito ang presenya ng dalawang titan. Hindi niya lang mapunto kung nasaan ang mga ito.

Walang nagtangkang mag-ingay. Lahat ay halos hindi gumagalaw at halos hindi na humihinga upang hindi makagawa ng ingay. Papasok sila ng papasok at unti-unting nababawasan ang kapal ng hamog hanggang sa nakikita na nila ng malinaw ang paligid.

Hindi nagbago ang panahon. Makulimlim ang paligid, nagmumukhang itim na ang tubig na parang ano man oras ay may lalabas doon at kakain sa sino man lalagpas. Napatingala naman si Elijah at hindi niya nakikita ang mga sasakyang himpapawid. Mukhang hindi nakapasok ang mga ito sa dimensyon. Ito ang hindi niya napaghandaan. Akala niya na normal lang ang lokasyon ng Scylla na kahit sino ay makakarating dito. Ngunit hindi pala ganoon ang sitwasyon.

Biglang umalon naman ng malakas kaya halos matumba ang mga sakay ng barko kung hindi lang sila kaagad napahawak sa balustre ng barko. Tila mga malalaking ahas ang lumalangoy sa tubig at anim iyon. Iisa ang katawan at tila galamay ng kugita ang mga paa nito. Hindi sila sigurado sa kulay nito ngunit para itong pinaghalo ng asul at itim.

"It's the Scylla. Hold all attacks." Babala ni Elijah. Wala pa naman itong ginagawa at lumalangoy lang ito. Para itong anim na dragon na lumalangoy sa katubigan.

"Let me..." turan naman ni Sudanni kaya agad na pinagbigyan ito ni Elijah.

A titan can do business with another titan. After all, they run the same blood. They use the ancient language to communicate. Tumalon naman si Sudanni sa pinakamataas na layag at gumawa ito ng kakaibang tunog na hindi maintindihan ng iba. It was the ancient language that has been lost for thousand of years that even Elijah, the oldest immortal could not decipher.

Agad na nag-iba ang dereksyon ng Scylla at patungo na ito sa dereksyon kung saan ang mga barko. Naalarma naman ang lahat at napaisip kung nababaliw na ba si Sudanni ay mukhang tinatawag nito ang Scylla. Maaari itong umatake at hindi sila makakasiguro sa kanilang kaligtasan.

Nanatili naman kalmado si Elijah. Malaki ang tiwala niya kay Sudanni. Hindi gagawa ng bagay si Sudanni na ikakapahamak ng lahat, lalo na at idineklara na nito ang pagtulong. With his knowledge, titans doesn't go back with their own words, not unless they were betrayed first.

Papalapit na sa kanila ang Scylla at ilang metro pa lang ang layo ay umahon na ang Scylla. Sobrang laki nito at ang anim na ulo nito ng ahas ay sumasayaw sa ere.

Nagbibigay ito ng tunog ahas. Ang mga ulo nito ay iba iba ang tingin. May isa na nakatingin kay Sudanni at ang lima naman ay nakatingin sa iba pang barko, nagtataka ngunit walang senyales dito na galit o nagwawala.

Tahimik ang lahat. Mas tamang sabihin na nagimbal ang lahat ngayon nasa harapan na nila ang Scylla na parang ano man oras ay kakainin sila. Ngunit kahit ganoon ang itsura ng Scylla, hindi ito umataki at hindi ito nagpakita ng senyales na aatake.

Pawang tunog lang ni Sudanni at ng Scylla ang naririnig. Walang nakakaintindi sa kanila, nag-uusap ito gamit ang orihinal na komunikasyon ng Wysteria. The ancient language that even Elijah cannot read and speak. No one can decipher the ancient language.

Only the monsters who lived from the very beginning who can use and understand the ancient language. Alessia can talk to the necromancer, but it could be the necromancer is communicating to her soul that's why she's able to talk with it.

Immortal' Sins |Immortal Series Three|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon