Sins 🔸 13

6.1K 716 199
                                    

Alessia's POV

MATALAS ang mga mata ni Natalia na sinuri ang kanyang silid sa tulong na din ng kanyang mga alalay. Tahimik lang akong nakatayo, pagod man ay hindi ko na iyon inisip pa. Khit madali lang ang maglinis, hindi ibig sabihin nun ay hindi ito nakakapagod. It's almost drained my energy because of those mountain of clothes I washed today. Swerte na lang na hindi napudpod yung kamay ko sa kakakusot kanina.

Base sa reaksyon ni Natalia ay hindi ito natutuwa sa nakikita. Sa palagay ko ay inaasahan niya na hindi ko matatapos ang pinapagawa niya para may dahilan siya na parusahan ako. Ngunit sa ano naman karapatan niya para parusahan ako? I may be abiding her whims but I am not one of her people. Sa pagkakaalala ko, wala siyang karapatan na parusahan ako lalo na at hindi naman niya ako nasasakupan. Pero hindi ibig sabihin nun ay wala siyang magagawa sa akin. She can always use underhanded tricks just to attack me.

"It's clean." Komento nito habang hawak hawak nito ang isang kopita na may laman na alak na matingkad na pula ang kulay. "Oops, not again." She smiled as she intentionally flipped the goblet and the liquid splashed on the white carpet.

Pakiramdam ko ay tila pinalo ang ulo ko dahil sa aktong nasaksihan ko mula sa kanya. Dahil sa hindi siya natuwa na nalinis ko ng tagumpay ang kanyang kwarto ay gumawa siya ng paraan para bigyan ako ng panibagong trabaho. Pakiramdam ko ay nanigas ang aking panga dahil nadumihan ang carpet. Alam nito na imposibleng matanggal ang mantsa sa karpet gamit ang paglaba at hindi ito ganoon kadaling labhan dahil masyadong madikit ang matsa ng alak. They are made by purest grapes without extenders, preservatives or flavor replacement.

"Seems like you are not done with the cleaning. Clean this, little Ales." Utos niya sa akin pero hindi ako gumalaw. Napansin naman niya iyon kaya nagsalita siya ulit. "I said, clean it!" Asik niya dahil hindi kaagad ako sumunod sa gusto niya.

Blanko ang ekspresyon ko at nagtaas ako ng tingin upang salubungin ang kanyang mga mata. "I'm afraid, I could not your highness." Malinaw na saad ko sa kanya. "I already cleaned your room and do your laundry. You witnessed the cleanliness and the liquid that was dropped just now is something that I can no longer remove—"

"Are you telling me that you are not cleaning it? Are you disobeying me, little Ales?" Mabangis na tanong sa akin ni Natalia. Kahit mabangis ang pagkakatitig niya sa akin ay hindi ako umiwas ng tingin. I remained blank and stoney from her provocation. Her looks are shooting daggers that wanted to rip my skin.

"How can this humble servant disobey you, your highness. I am just avoiding any conflicts that may arise if I am not careful and not thoughtful with my actions." Magalang na saad ko sa kanya. Hindi ko siya pwedeng idaan sa sagutan dahil reyna siya. Kaya idadaan ko siya sa simpleng sarkastikong salita. I have a subtle sarcastic behavior, that a dumb person cannot even hint that I am already insulting someone.

"Is this what you call thoughtful? Did your brains got fried already, little Ales? You were heralded as smart but seems like they are were all wrong. You are after all, a scum and stupid." Asik niya sa akin na halatang inis na inis na. "Aliyah, teach her a lesson." Utos nito sa kanyang tagapagsilbe.

Lumipat naman ang aking tingin sa tagapagsilbe ni Natalia na ngayon ay lumapit sa akin na walang emosyon ang mukha. She's like a robot void with expression. Masasabi ko na sinusunod niya lang ang gusto ni Natalia. Ngunit hindi ko alam kung labag ba ito sa kalooban niya dahil wala itong reaksyon.

Umigkas ang kamay nito ngunit agad ko iyon hinawakan bago pa iyon humataw patungo sa mukha ko.

"My status might not be as prestige as the royal blood, but I am still higher than a mere maid, your highness. I cannot allow a mere maid to trample my dignity. I am doing this not to ignore your whim, your highness, but to keep everything from harm." Kalmadong saad ko kay Natalia at iwinaksi ko ang kamay ni Aliyah. Tila nagulat naman si Aliyah dahil sa sinabi ko. Hindi maman maipinta ang reaksyon ni Natalia.

Immortal' Sins |Immortal Series Three|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon