A/N: Sa lahat ng nagsasabi na masama si Elijah, makonsensya sana kayo.
                              Third Person's POV
                              NAKABALIK na sina Elijah sa palasyo at sinalubong silang lahat ng mga sentinels at mga kawal ng Mythion. Nandoon din ang reyna, tuwang tuwa sa kanilang pagbabalik kahit madaling araw na silang nakauwi.
                              Sinuyod naman ni Elijah ang kanyang mga mata, hinahanap ang isang pigura na nais niyang makita. Sabik na siyang makita at mahawakan muli si Alessia pero hindi niya ito nakikita. Agad na lumapit si Stefano sa kanya at yumukod ito.
                              "Maligayang pagbabalik, mahal na hari." Bati ni Stefano dito.
                              Tumango naman si Elijah. "Nasaan si Alessia?" Agad na tanong ni Elijah kay Stefano at gusto naman magtampo ni Stefano dahil halatang walang pakialam ang hari sa kanya. Ang utak nito ay napupuno kay Alessia.
                              "Nagpapahinga na siya, kamahalan." Tugon naman ni Stefano.
                              "Your majesty, we were worried when we were told that you've gone missing, especially Alessia." Nag-aalalang saad ni Natalia ngunit ngumiti naman kaagad ito. "But I am glad that you are back now. It's been dreadful days without you here." 
                              Hindi alam ni Elijah kung sasakalin ba niya ang babaeng nasa harapan niya o hindi papansinin. Ngunit kung gagawin niya ang alin man sa dalawa ay masisira ang plano niya.
                              "Thank you, Queen Natalia." Maikling tugon lamang ni Elijah at tsaka nilagpasan na niya ito. "I'll rest for now, enjoy the thanksgiving." Pinal na saad ni Elijah at naglakad na ito papasok sa palasyo. 
                              Ang tanging gusto niyang gawin ngayon ay ang yakapin at halikan si Alessia. He missed her so much.
                              "E-Elijah..." 
                              Natigil naman sa paglalakad si Elijah dahil sa boses na iyon. Napalingon naman siya. Nakalimutan niya na kasama pala niya si Erenea. Nawala sa isip niya ito ngayon nandito na siya sa palasyo. Ngayon niya napatunayan ang estado ni Erenea. Yes, it's attraction and pity. But it will never be able to threaten his feelings towards Alessia. Once Alessia is here, all doubts and confusion was washed away. It was like spell that has been broken.
                              "Magpahinga ka muna dahil may mas importante pa akong gagawin, ipapahatid kita sa pansamantalang magiging kwarto mo." Saad naman ni Elijah habang si Erenea naman ay natatakot na tila isang kuting na ngayon lamang nakatapak sa lugar na ito. "Stefano, send her to a vacant room." Maikling utos naman ni Elijah dito.
                              "Yes, your majesty." Tugon naman ni Stefano. Tumingin naman si Stefano sa babae na hindi pa ipinapakilala sa kanya. "Sumunod ka sa akin, binibini." Nakangiting saad niya rito. Hindi maipagkakaila ni Stefano na masyadong maganda ang babae. Ngayon lang niya napagtanto na may papantay sa ganda ni Alessia.
                              "S-sige po." Kiming tugon ni Erenea. "T-tawagin m-mo n-na l-lang p-po a-akong Erenea." Pakilala naman nito kay Stefano.
                              Nanatiling nakangiti si Stefano. Wala naman siyang maramdaman na bagay na aayawan niya dito. She looks harmless in the eyes of Stefano. Pero ng tumingin ito kay Elijah ay nangunot ang noo niya. Hindi niya nagugustohan ang paraan ng pagkakatingin nito kay Elijah. Hindi sa dahil ibang dahilan, kundi dahil kay Alessia. Masyado ng maraming pinoproblema si Alessia tungkol sa mga babaeng nagkakagusto sa hari at may dadagdag pa.
                              "Sige Erenea, sumunod ka sa akin para makapagpahinga ka na." Nakangiting saad ni Stefano at itinago disgusto na nararamdaman.
                              Tumango naman si Erenea at nauna ng maglakad si Stefano at sumunod naman si Erenea at nagbigay pa ito ng huling sulyap kay Elijah.
                              "H-hindi b-ba a-ako p-pwedeng s-sumama k-kay E-Elijah?" Utal na tanong ni Erenea.
                              Lumarawan naman ang disgusto sa ekspresyon ni Stefano. Mabuti na lang at nasa likuran ni Stefano si Erenea at hindi nito nakikita ang ekspresyon niya.
                                      
                                  
                                              BINABASA MO ANG
Immortal' Sins |Immortal Series Three|
Fantasy|COMPLETED| After the blessing of the moon fell upon, Alessia's journey continued in the land of Mythion. Lies and deceits uncovered. A treasure untold will be found. Immortal's Sins This story is written in Filipino
