Alessia's POV
"YOUR highness." Bati ko kay Natalia at yumukod ako.
Hindi maalis ang pangamba ko dahil sa kanyang ekspresyon. Pakiramdam ko ay may masamang balita siyang hatid. Ngunit sana ay nagkakamali lang ang nararamdaman ko.
"Natanggap ko na ang balita sa paglalakbay ng Hari patungo sa Scylla." Usal ni Natalia at pareho kami ni Stefano na nanahimik at naghintay sa kasunod niyang sasabihin. Bumuntong hininga si Natalia bago niya dinugtungan ang kanyang sasabihin. "Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Alam ko na ilang araw na tayong walang balita tungkol sa hari. Pero dumating ang balita ngayon lang. Nawawala ang hari at mga kasamahan niya."
Ang balitang kanyang inihatid ay tila isang kidlat na tumama sa katawan ko. Tila namanhid ang buo kong katawan at hindi ako makagalaw. Pakiramdam ko ay nabibingi lang ako at nagkamali ako ng dinig.
"Y-your highness, p-pardon?" Hindi ko mapigilan itanong iyon dahil baka nagkakamali lang ako. Pati si Stefano ay hindi din magawang magsalita at lumarawan ang gulat sa mukha niya.
"I know this will hard for you. Elijah is missing and his crew. Hindi sila matagpuan sa ano man parte ng karagatan ng Venossa. Ang tanging nandoon lang ay mga air ships. Ayon sa kanila ay bigla na lang naglaho ang lahat ng barko at tatlong araw na itong hindi nakikita. Pinapaimbestigahan ko na ang mga nangyari ngunit ikinababahala ko na baka nilamon na sila ng Charybdis." Seryosong paliwanag niya sa akin. Alam ko na hindi siya nagbibiro dahil walang bakas sa kanyang mukha na tinatakot lang ako.
"Your highness, there must be a way. Imposibleng basta basta na lang mawawala ang buong talupad ng ganoon lang." Hindi mapigilan ni Stefano na magsalita. Kahit ako din ay tila isang kalokohan na maging ganoon ang lahat.
Bumuntong hininga si Natalia. "Yan din ang ipinagtataka ko na basta-basta na lang silang nawala. Pero wala tayong magagawa kundi ang maghintay. Patuloy ang paghahanap sa kanila ngunit may limitasyon din dahil sa mga halimaw sa ilalim ng tubig." Tugon ni Natalia.
Nanlalamig ang katawan ko dahil sa balitang inihatid niya. Alam ko na delikado ang misyon na ito, pero hindi ko inaasahan na mangyayari ito. Hindi ko magawang magtanong at hinihiling na sana ay masamang panaginip lang ang lahat ng ito.
"Milady, magtiwala ka sa hari, babalik siya." Alo ni Stefano sa akin at hindi ko na magawang matawa sa titolong ginagamit niya sa akin para lang mang-asar.
Kahit siguro patawanin ako ng buong mundo ngayon ay hindi ko magawang ngumiti o matawa. I feel like my heart is on the brink of sinking and it slowly drowning me until there is nothing left for me to hold on.
"Salamat Stefano." Mapait akong ngumiti sa kanya at nakita ko naman na parang nasaktan si Stefano dahil sa naging tugon ko. "Your father is also one of the missing people. You don't need to comfort me, I trust the king but I cannot help but feel fear for the possibility that he's not coming back." Totoong sinabi ko sa kanya. Deep inside me, I still believe that he's coming back safe. He's Elijah, the first immortal, the most powerful immortal of all time. I believe in him.
"He will, Milady. He will because there is a strong reason for the king to comeback safe. That reason is you." Sagot niya sa akin at ngumiti si Stefano.
Pilit akong ngumiti para mabigyan ng katugon ang ngiti niya kahit alam ko sa sarili ko na hindi ko magawang maging totoong masaya.
"I trust the king as well. He will come back, all we have to do is wait." Saad naman ni Natalia.
Hindi ko alam kung taos puso ba ang kanyang sinabi ngunit wala na akong pakialam pa doon. Ang mahalaga sa akin ngayon ay ang ipagdasal si Elijah at ang mga kasama niya.
BINABASA MO ANG
Immortal' Sins |Immortal Series Three|
Fantasía|COMPLETED| After the blessing of the moon fell upon, Alessia's journey continued in the land of Mythion. Lies and deceits uncovered. A treasure untold will be found. Immortal's Sins This story is written in Filipino