Sins 🔸 42

6.9K 833 200
                                    

Third Person's POV

UMUGONG ang balita tungkol sa kamatayan ni Natalia. Nagluksa ang buong Mythion bilang pagbibigay respeto kay Natalia. Kahit may nagawang kasalanan si Natalia ay hindi maipagkakaila na reyna nila ito sa mahabang panahon at naging mabuti sa mamamayan ng Mythion.

Nagsimula na rin ang paghahanda sa parating na solstice. Nakahanda na ang gamot na iinomin ni Elijah na ibibigay iilang lingo mula ngayon. Pansamantalang nanatili si Elijah sa palasyo. Inutusan niya lang ang mga sentinels na hanapin si Sicario. Gustong gusto na niyang mahanap at makita si Alessia, ngunit alam niya na mahirap ang hanapin ang nilalang na ayaw magpahanap.

Kahit gusto na niyang makita si Alessia ay hindi niya pwedeng pabayaan ang kanyang mamamayan. Kahit nasa kalagitnaan siya ngayon ng sakit at pangungulila ay hindi niya pwedeng ignorahin ang kanyang mga nasasakupan na kailangan ng kanyang pansin. Nasa kamay na ni Elijah ang tatlong relikya at sisimulan na niya ang pagtawag ng sagradong armas. Hindi na iyon pwedeng patagalin dahil sasanayin pa niya ang sarili sa paggamit nito lalo na at alam niyang malakas ang kapangyarihan nito.

Kasalukuyang nasa trono ngayon si Elijah. Kasama niya si Stefano at ang iilan na mga sentinels. Itinipon ni Elijah ang mga relikya sa isang batong pabilog. Ilang segundo ang lumipas ay may ilaw na lumabas na parang mga sinulid na unti-unting pumulupot sa bawat relikya.

Unti-unting umalsa paitaas ang ilaw na pula, dilaw at puti. At mula doon ay tila mga alitaptap ang mga ilaw na nagsilabasan. Padami iyon ng padami hanggang sa napapikit ang lahat dahil sa nakakasilaw iyon. Halos umabot ng isang minuto ang itinagal ng nakakasilaw na ilaw na iyon.

Nang mawala na ang ilaw ay idinilat na ni Elijah ang kanyang mga mata. Agad na namangha si Elijah sa kanyang nakikita. Isa itong espada na nakalutang sa ere. Ang patalim nito ay gawa sa jade. Medyo umiilaw ito. Ang hawakan naman nito ay ginto at tila may dragon na pumupulupot doon.

"The sacred weapon." Usal ni Elijah. Hindi maiwasan ni Elijah na kabahan dahil hindi siya pamilyar sa espadang ito. Nag-aalinlangan siya na hawakan ito ngunit kailangan niya iyon gawin.

Dahan dahan inabot ito ni Elijah. Kahit nagdadalawang isip siya ay nilakasan niya ang kanyang loob. Ramdam niya ang malakas na kapangyarihan na nagmumula sa espada. Para itong may buhay at nang dumapo ang kanyang kamay sa espada, kusang pumalibot ang kanyang mga daliri sa hawakan nito na tila may magnet iyon.

Biglang nawala ang ilaw na nagmumula sa espada pero ang kasunod nun ay siyang ikinagulat ng lahat. Biglang may malakas na pwersa na kumawala at tila isa iyong alon na pabilog at parang shockwave na kumalat at tinamaan ang lahat ng nakapaligid. Lahat ay tumilapon at gumulong sa sahig. Si Elijah lang ang natitirang nakatayo habang hawak hawak ang espada.

Kinilabutan si Elijah dahil sa kapangyarihan ng espada. Hindi maipagkakaila na ito nga ang sacred weapon. Nagulat man si Stefano at mga sentinels ay bumangon kaagad sila. Hindi nagsalita si Stefano dahil galit pa rin siya kay Elijah ngunit hindi naman niya itinigil ang kanyang responsibilidad dito. Magkasama silang dalawa, ngunit hindi sila nag-iimikan.

Sa kabila ng kapangyarihan na kumawala. May isa sa mga sentinel na ngumiti ng mabangis. Nahanap na ang sagradong espada kaya mas madali na itong makukuha. Mula sa nakadamit na isang sentinel, nag-iba ang anyo nito at naging halimaw. Mabilis na bumulusok ito patungo kay Elijah na hindi napaghandaan ang lahat.

Ang nais lang ng halimaw ay makuha ang espada at wala itong balak makipaglaban sa hari dahil alam nito na hindi kakayanin ang lakas ng hari. Kaya bago pa makaakto si Elijah ay agad na nahawakan nito ang espada, at akmang pwersahan sanang huhugutin ni Elijah iyon mula sa pagkakahawak ng halimaw ngunit bago pa niya nagawa iyon ay biglang naging alikabok ito.

Immortal' Sins |Immortal Series Three|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon