Third Person's POV
NARATING nila Elijah ang lugar na tinutukoy ni Erenea. Isa itong kubo na gawa sa mga tuyong mga sanga at dahon. Hindi maisip ni Elijah kung paano ito binuo ni Erenea ngunit hindi na niya iyon pinag-aksayahan ng panahon para isipin.
Papadilim na rin ang paligid at hindi na mainam para maglibot si Elijah para hanapin ang relikya.
"H-hindi n-naman m-marami ang mga g-gamit na dadalhin k-ko." Turan ni Erenea. Hindi nagbigay tugon si Elijah dahil inasahan na niya na wala itong mahalahang gamit dito..
Inilibot lang ni Elijah ang kanyang tingin sa paligid. Wala siyang maramdaman na panganib. Masyadong payapa ang lugar, hindi kagaya sa labas.
"Bukas na tayo aalis. Papagabi na at kailangan mo ng pahinga." Turan naman ni Elijah pagkatapos suriin ang kapapaligiran.
"S-sabay na t-tayong m-magpahinga." Usal naman nito. Ang mga mata ni Erenea na tila nangungusap habang nakatingin ito kay Elijah.
Walang reaksyon si Elijah. Alam niya sa sarili niya na may atraksyon siyang nararamdaman ngunit hindi niya nakikita ang sarili niya na makasama ito habang buhay. Napagtanto niya ito habang naglalakad sila kanina papunta sa lugar na ito.
Maganda ito at hindi niya alam kung bakit tila may pwersa na nagtutulak sa kanya upang mabighani dito. Ngunit tuwing naiisip niya si Alessia ay nawawala ang mga iyon. Kanina lang ay natakot siya dahil ito ang kauna-unahan na nakaramdam siya ng ganito sa iba. Ngunit napagtanto ni Elijah na hindi ito banta sa nararamdaman niya kay Alessia.
Attraction will just remain attraction. Nothing else. Yan ang naaa utak ni Elijah.
"Sa loob ka na, dito lang ako sa labas." Tugon ni Elijah. Walang balak na matulog si Elijah ngayon gabi dahil imposible naman na mangyari iyon sa kanya. Tanging sa tabi lang ni Alessia siya nakakaramdam ng kapayapaan at kaligtasan. He only put his guard down in front of Alessia that's why he was able to sleep whenever they are together.
"S-sige, p-pero sandali l-lang." saad naman ni Erenea at lumabas ito mula sa kubo nito. "M-may ibibigay ako s-sayo." Inilahad nito ang payat nitong braso at may iniabot iyon kay Elijah.
Nagdalawang isip naman si Elijah kung tatanggapin ba niya ang iniabot nito. Ngunit dahil sa ayaw niya itong makaramdam ng negatibo ay tinanggap niya ang kung ano man ang iniaabot nito.
Lumapag sa kamay ni Elijah ang isang malamig na bagay. Mas lalong napakunot ang noo ni Elijah nang makita niya na isa itong puting krystal na bato at may nakaguhit doon. Nanlaki ang mga mata ni Elijah dahil ito ang palatandaan na isa itong relikya. Katulad ito sa dalawang bato na nahanap nila.
"Saan mo ito nakuha?" Mabilis na tanong ni Elijah. Naging mahigpit ang hawak ni Elijah dito dahil baka bigla itong mawala.
Napaisip naman si Erenea bago sumagot. "H-hindi k-ko na m-matandaan pa. N-nakita k-ko i-iyan na inanod s-sa d-dalampasigan." Sagot ni Erenea kay Elijah na medyo nakaramdam ng kaba dahil medyo tumaas ang boses ni Elijah.
Hindi alam ni Elijah kung papaniwalaan ba niya si Erenea o hindi. Masyadong misteryoso ang pagkatao nito. Ngunit napagpasyahan na lang niya na isantabi ang kaisipan na iyon. Walang mangyayari kung kay Erenea niya itutuon ang kanyang isipan.
"Salamat." Sagot ni Elijah at itinago na niya ang bato sa ilalim ng kasuotan niya.
Lumarawan naman ang tuwa sa mukha ni Erenea dahil tinanggap iyon ni Elijah. Hindi maintindihan ni Erenea ang kanyang nararamdaman. Pakiramdam niya ay may mga kulisap na nagliliparan sa ilalim ng kanyang tiyan tuwing dumadako ang tingin niya sa kaharap niya. Hindi niya alam kung ano ang pangalan nito. Pero isa lang ang masasabi niya na kauri niya ito.
BINABASA MO ANG
Immortal' Sins |Immortal Series Three|
Viễn tưởng|COMPLETED| After the blessing of the moon fell upon, Alessia's journey continued in the land of Mythion. Lies and deceits uncovered. A treasure untold will be found. Immortal's Sins This story is written in Filipino