Alessia's POV
NAGISING na lang ako dahil sa sigawan na nagaganap sa aking paligid. Masakit ang aking ulo at ramdam ko pa rin ang panghihina ng aking katawan.
"Elijah, please stop!" Saad ng isang boses na kilala ko.
Napakunot noo ako at hirap akong bumangon. Hindi ko agad maaninag ang paligid dahil hindi pa iyon malinaw. Matindi ang pagod na nararamdaman ko kaya napakusot ako sa aking mga mata at nagtataka ako sa mga nangyayari.
Ilang sandali pa ay luminaw na ang paningin ko. Nakita ko si Elijah, nakatayo at may hawak hawak itong isang lalaki na tila papatayin nito. Napatingin ako sa lalaking hawak niya at agad kong nakilala ito. Si Favian iyon, na hindi ko na mailarawan ang mukha dahil sa mga pasa nito.
Ngunit naibalik ko ang tingin ko kay Elijah. Hindi ako makapaniwala na nakabalik na siya. Tila nilukob ng tuwa ang aking puso, ngunit nagtataka ako kung ano ang nangyayari.
Binitawan ni Elijah si Favian at sumalampak ito sa sahig. Dahan dahan na dumapo ang tingin sa akin ni Elijah. Sa pagkakataon na nagtagpo ang aming mga tingin, ang tuwang nararamdaman ko ay napalitan ng pagtataka at kilabot.
His eyes carries the chilliness and a deep sea with raging waves but cold. Walang kaemo-emosyon itong nakatingin sa akin. Pakiramdam ko ay magiging yelo ako dahil may gumapang sa akin na panlalamig.
Napatingin naman ako sa sarili ko. Sa pagkakaalala ko ay wala na akong panahon kagabi para magbihis dahil nanghihina na ako. Kahit ngayon ay ramdam ko pa rin ang aking panghihina.
"Lady Alessia." Naiiyak na lumapit sa akin si Estrebelle at mabilis na pinagsuot niya ako ng puting roba. Hindi ko napansin na bumagsak pala ang kumot sa aking bewang. Hindi ko alam kung alin ang uunahin ko ngayon. Yung hiya ko ba, pagtataka o kasiyahan dahil nandito na si Elijah?
Nagugulohan man ako sa nangyayari ngunit hindi ko tinanggal ang pagkakatingin ko kay Elijah. Napupuno ng katanungan ang isipan ko kung bakit ganitong klase ng tingin ang ibinibigay niya sa akin. Sobrang lamig, walang emosyon, tila isa akong bagay na walang halaga sa kanya.
"Anong nangyayari?" Mahinang tanong ko kay Estrebelle.
"Why don't you ask me directly?" Elijah's voice was so cold and it made me shiver like I was bare walking in the middle of blizzard. He scoffed. "Why don't you tell me, why did you slept with someone else while I am away?" Parang bato ang boses nito, mabigat at masakit.
Mas lalo naman akong nagulohan sa mga sinasabi niya. Napatingin ako kay Favian at tila napagtanto ko na ang mga pangyayari. Napahawak ako sa aking ulo, pinilit kong alalahanin kung may nangyari na ngunit wala akong maalala. Ang huling alaala ko lang ay may nakita akong pigura na pumasok sa kwarto bago ako nawalan ng malay.
Napatingin ulit ako kay Favian at magiging pamilyar sa akin ang kanyang pigura. Napatakip ako sa aking bibig nang napagtanto ko na si Favian ang huli kong nakita at pumasok sa kwarto.
"D-did...s-something happened?" Hindi ko mapigilan na tanong. Nilukob ng takot ang aking kamalayan dahil sa posibilidad na naiisip ko.
Please, tell me nothing happened...please...sumamo ko ngunit hindi nakapagsalita si Favian. Masyado itong nabugbog at ang tanging nagawa lang nito ay tingnan ako na tila humihingi ng tawad.
Napatakip ako sa aking bibig at nagsimulang magsibagsakan ang aking mga luha. Pakiramdam ko ay tila bumagsak ako sa isang napakalalim na bangin. Kahit ako ay hindi ko kayang tanggapin ang sarili ko.
I slept with someone else. Ipinikit ko ang aking mga mata at hinihiling ko na sana ay bangungot lang ito at sana ay magising na ako ano man sandali. Ngunit hindi dumating iyon. Gising na gising ako at nangyari ang lahat.
BINABASA MO ANG
Immortal' Sins |Immortal Series Three|
Fantasía|COMPLETED| After the blessing of the moon fell upon, Alessia's journey continued in the land of Mythion. Lies and deceits uncovered. A treasure untold will be found. Immortal's Sins This story is written in Filipino