Alessia's POV
NAKAUWI na kami sa bahay. Naabutan ko naman si Lolo na nagdidikdik ng halamang gamot. Napakunot ang noo ko dahil masyadong maaga na umuwi si Lolo. Lagi itong gabi na umuuwi dahil maraming bumibili sa mga gamot na ibinebenta niya. Kaya nakakapagtataka na nakauwi na siya ng ganito kaaga.
"Lolo, bakit maaga kayong umuwi?" Tanong ko sa kanya at umupo ako sa sofa. Medyo pinahid ko ang kaunting pawis ko sa aking noo.
"Ilalagay ko muna ito sa storage, anak." Paalam naman sa akin ni Papa Elias at naglakad naman ito patungong storage room.
Our house is not the typical Wysterian style. Kapareho ito sa bahay namin sa Pilipinas. Sinadya ito ni Lolo dahil inisip niya na hindi ako sanay sa bahay ng Wysteria. I prefer it this way too. I grew up in this kind of lifestyle at kahit ayos lang sa akin ang bahay sa Wysteria ay mas maayos pa rin sa akin ang bahay na nakasanayan ko.
"May dumating na mga sentinels at muntikan na nila akong nakita. Mukhang alam na ng hari na kasama kita Apo kaya sa akin nakapukos ngayon ang paghahanap." Saad ni Lolo. Matalino si Lolo at madali niyang nalalaman ang mga pangyayari. Pero may isang bagay akong pinagtataka.
"Kilala kayo ni Elijah?" Nakakunot noong tanong ko sa kanya. Tumango naman si Lolo. Ang bagay na ito ay hindi imposible, ngunit hindi ko naman inaasahan.
Nag-isip muna si Lolo kung sasabihin na niya o hindi. Napatigil ito sa pagdidikdik ng halamang gamot at tumingin sa akin bago nagsalita.
"Ako ang opisyal na salamangkero ng hari." Saad niya sa akin at tsaka sumeryoso ang kanyang tingin. "Alam ko na alam mo na ang nakaraan mo. Pero may mga bagay na hindi mo pa alam Alessia. Ako ang inatasan na paslangin ka sa nakaraang buhay mo."
Katahimikan...
Iyon ang nangibabaw pagkatapos sabihin iyon ni Lolo. Wala man akong ideya kung paano ako namatay, ngunit inakala ko na sinaksak ako o kaya ay nilason. Pero si Lolo?
"Paanong nangyari iyon?" Nagulohan ako. Kung siya ang naatasan na patayin ako, bakit pinoprotektahan niya ako? Bakit siya ang nagpalaki sa akin? Bakit buhay pa ako hanggang ngayon? I should ne dead if he's really tasked to kill me.
"Hayaan mo akong ikuwento sa iyo ang nakaraan." Saad niya sa akin at huminga ito ng malalim bago nagsalita ulit. "Noon wala pa ang pangitain na nakatakda ka sa Hari, si Haring Elijah ay isang imortal na hindi nakakaramdam ng pagmamahal. Lahat sa mga mata niya ay responsibilidad at kung ano ang ikabubuti ng Wysteria. Gusto na ng mga opisyal na magpakasal ang Hari para magkaroon na ng tagapagmana ang trono. Kaya maraming babaeng ipinadala sa palasyo at inilagay sa seraglio. Lahat ng mga iyon ay sumubok na akitin ang hari. Ngunit hindi sila nagtagumpay. Hindi maipagkakaila na ginagamit lang sila ng hari para sa pisikal na kasiyahan ngunit hindi iyon madalas dahil hindi nakakaramdam ang hari ng satispaksyon."
"Alam ng lahat na ang reyna ng Mythion ay may gusto sa Hari. Ginawa nito ang lahat upang mahulog sa kanya si haring Elijah. Mabait, masunurin at higit sa lahat ay tapat. Ganoon ang reynang Natalia. Ngunit likas na hindi marunong magmahal ang hari. Tila sa hinaba haba ng pagkabuhay niya ay nawala at nakalimutan na niya ang pakiramdam na iyon. Ngunit umaasa pa rin ang reyna na darating ang araw na mamahalin din siya ng Hari. Lumipas ang maraming taon, dumating ang araw kung saan lumabas ang pangitain na may isang babae na nakatakda para sa hari at nagmumula ito sa Mythion. Akala ng lahat ay ang reyna iyon, ngunit laking pagkabigo ng malaman na ikaw iyon, sa nakaraan buhay mo."
"Noon una, walang pakialam ang Hari at dahil iyon ang nasa orakulo, nagpasya siyang pakasalan ka kahit wala siyang nararamdaman sa iyo. Hindi ka rin niya nakikita dahil wala siyang interes. Hindi iyon matanggap ng reyna na sa iba ikakasal ang Hari. Kaya ginawa niya ang lahat upang magbago ang isipan ng Hari. Hindi ko naman masisisi ang hari dahil tapat ang reyna Natalia at mapagkakatiwalaan sa panahon na iyon. Kaya madaling napaniwala ang hari na kung pakakasalan ka niya ay magiging kahinaan ka ng Valeria. Na hindi naman dapat kailangan sundin na pakasalan ka, dahil wala naman magbabago. Naniwala ang hari na magiging kahinaan ka niya, kaya napagdesisyonan niya na ipapaslang ka. Inutusan ng hari ang personal na tagapangalaga mo noon na pumunta sa akin at ibigay ang kautusan na paslangin ka."
BINABASA MO ANG
Immortal' Sins |Immortal Series Three|
Fantasi|COMPLETED| After the blessing of the moon fell upon, Alessia's journey continued in the land of Mythion. Lies and deceits uncovered. A treasure untold will be found. Immortal's Sins This story is written in Filipino