Third Person's POV
NAGMADALING umuwi si Sicario pagkatapos ng naturang libing ng nakatakda sa hari ng Valeria. Kailangan na niyang isagawa ang ritwal bago matapos ang araw. Dahil kung hindi niya ito nagagawa ay tuluyan na hindi maipapanganak muli si Elena.
Katawan lamang ang namatay kay Elena, ngunit ang kanyang kaluluwa ay hindi. Nakakulong ngayon ang kaluluwa nito sa isang bolang krystal. Kailangan itago iyon ni Sicario dahil naniniwala siya na may isa pang salamangkero na gustong pumatay kay Elena. Naunahan niya lamang ito at nailigtas sa bingit ng kamatayan. Hindi niya alam kung ano ang pakay ng isa pang salamangkero, dahil siya lamang ang naatasan na pumatay sa nakatakda.
Nakabalik siya sa Caracass at agad na tiningnan ang krystal doon na ngayon ay nababalot ng mga mumunting liwanag, ang kaluluwa ni Elena. Gumagalaw ito sa loob na tila usok na gustong kumawala.
Agad na nagsaboy ng asupre si Sicario sa paligid para hindi maramdaman ang ritwal na ginagawa niya. I-aalis niya sa lugar na ito si Elena dahil ito lamang ang paraan para mabuhay ulit. Ang pananatili nito sa Wysteria ay nagdadala ng panganib at kapahamakan. Kailaingan maipanganak si Elena sa lugar ng mga mortal, malayo sa mga immortal, malayo sa Wysteria.
"Patawarin mo ako kamahalan sa gagawin ko, ngunit kahit ikaw ang nakatakda sa kanya, hindi mo siya kayang protektahan sa bagay na gustong pumatay kay Elena." Bulong ni Sicario, mga katagang nais niyang iparating sa hari ng Valeria. Nagsimula na rin ang kanyang orasyon. Umiilaw na ang paligid at magsisimula ng lumabas ang kanyang kapangyarihan.
Ginagawa niya ang isa sa ipinagbabawal na ritwal, ang gawing mortal ang isang imortal pansamantala. Maaalis nito ang amoy ng isang imortal habang nabubuhay ito bilang mortal sa mundong ibabaw. Malalayo siya sa mga demons na naghahabol ng mga imortal na walang kalaban laban.
"Elena, mabubuhay kang muli. Ipapanganak kang muli, ngunit magiging isang mortal ka. Ngunit sa ika-dalawampung taon na kaarawan mo, babalik ka sa Wysteria." Saad ni Sicario. Gusto niyang hindi na bumalik pa si Elena, ngunit iyon ang nakatadhana. Hindi niya ito kayang baguhin kahit gamit ang kanyang kapangyarihan. "Poprotektahan kita kung darating man ang araw na iyon. At sana sa panahon na iyon ay kaya ka ng protektahan ng hari."
Pagkatapos ng salitang iyon ay biglang bumulusok paitaas sa kalangitan ang krystal at nawala ito sa paningin ni Sicario.
Hindi alam ni Sicario kung saan parte ng mundo napunta ang krystal. Hindi siya umalis sa Wysteria dahil pinapasundan siya ng Hari. Ngunit hindi siya pumapalya sa pagbabantay sa krystal. Mararamdaman niya kung naipanganak na ulit si Elena.
Lumipas ang maraming taon at hindi na napansin pa ni Sicario kung gaano na ito katagal. Hindi pa rin naipapanganak muli si Elena. Patuloy pa rin siya sa paghihintay sa araw na maipapanganak muli si Elena. Hindi ito pwedeng maipanganak na walanv proteksyon niya dahil ang mundo ay pinupugaran ng mga nakawalang demons mula sa Wysteria.
Ang kaharian naman ng Valeria ay hindi nagbago, ngunit hindi lingid sa kaalaman ng mga tagapagsilbe sa palasyo ang kalungkutan ng hari. Mas lalong hindi na ito natutulog dahil hindi nito makalimutan ang kasalanan na nagawa sa babaeng itinakda sa kanya.
Ipinatawag naman ni haring Elijah si Sicario dahil hindi na niya kayang tagalan pa ang paghihintay. Noon, ang ilang daan taon para sa kanya ay maikli lamang, ngunit ngayon ay tila kay tagal ng panahon. Pakiramdam niya ay ilang libong taon ang hinintay niya sa pagbabalik ni Elena.
"Kamahalan, hanggang ngayon ay hindi pa ulit naipapanganak si Elena." Turan ni Sicario sa hari na ngayon ay nakaupo sa kanyang trono.
Nakakunot noo si Elijah habang nakatingin kay Sicario.
"Paano ka nakakasiguro na hindi pa siya naipapanganak muli? Masyadong mahaba na ang panahon, Sicario." Nauubusan ng pasensya si haring Elijah sa kahihintay. Naging mainitin ang ulo niya at hindi na rin niya kayang ngumiti. Parang ang kasiyahan ay ninakaw mula sa kanya. Ang tanging gusto lamang ni haring Elijah ngayon ay ang matagpuan muli si Elena. "Kung maipapanganak siya, gusto kong ako ang magpalaki sa kanya."
BINABASA MO ANG
Immortal' Sins |Immortal Series Three|
Fantasia|COMPLETED| After the blessing of the moon fell upon, Alessia's journey continued in the land of Mythion. Lies and deceits uncovered. A treasure untold will be found. Immortal's Sins This story is written in Filipino