Sins 🔸 28

6.1K 739 551
                                    

Third Person's POV

ILANG araw na rin si Elijah sa loob ng dimensyon na iyon at wala pa rin siyang mahanap na palatandaan kung nasaan ang relikya. Kakatwang may mga hayop doon kagaya ng mga ibon, unggoy at mga baboy ramo. Hindi alam ni Elijah kung totoo ang mga iyon o ilusyon lang.

Mga normal din doon ang mga prutas na kinakain din ni Elijah dahil kailangan niya ito para magpatuloy sa paghahanap ng relikya. Ngunit hindi naman nababalewala ang paghahanap ni Elijah dahil may nakikita siyang mga bakas ng naninirahan sa lugar.

Hindi pa lang nagkakataon na nakasalubong ito o nakita sa isang lugar. Masyadong malawak ang lugar para makita kaagad ito ni Elijah. Iba din ang prayoridad niya sa pagpunta dito at iyon ay ang relikya.

Hindi na rin alam ni Elijah kung ilang araw na ang lumipas, kung pareho din ba ang oras nito sa labas. Kung tama ang hinala ni Elijah, ay walong araw na siyang nasa loob ng Charybdis at wala pa rin siyang nahahanap.

Patuloy sa paglalakad si Elijah. Ang mga hayop sa lugar na ito ay hindi takot sa kanya. Sanay na sanay ang mga ito sa presensya ng katulad ni Elijah kaya mas lalong nagiging kombensido si Elijah na maaaring makikita na niya ano man oras ang nilalang na naninirahan dito.

Kahit tirik na tirik ang araw ay hindi ramdam ni Elijah ang hapdi sa kanyang balat. Mahangin din ang paligid dahil na rin sa maraming puno. Maraming bulaklak at may mga kuneho na kumakaluskos sa damuhan.

May nakita si Elijah na isang mataas na puno, na siyang pinakamataas sa lahat ng puno sa lugar. Hindi nagdalawang isip si Elijah na tumalon at tumuntong sa pinakadulo. Agad na nakita ni Elijah ang buong paligid na tila nasa pinakatuktok ng buong mundo. Lahat ng nasasaklawan ay nakikita niya. Walang nakaligtas sa kanyang paningin.

Nakiramdam si Elijah sa paligid hanggang sa may napansin siya sa may limang kilometro ang layo ay may tumatakbo. Bilang bumangis ang mga mata ni Elijah at mabilis siyang lumipad patungo sa destinasyon.

Parang unos na paparating si Elijah at ang nilalang na walang kaalam-alam na tumatakbo dahil nakikipaglaro ito sa mga kuneho hindi alam na nalalapit na ang pagbabagong parating sa kanya.

Mula nang magmulat at nagkamalay ito ay ito na ang nakagisnang mundo niya. Hindi niya alam kung nasaan siya manggaling. Ngunit kakatwang alam niya kung paano magsalita. Mula bata hanggang paglaki niya ay unti-unting natututo siyang magsalita na tila biglang natututo na lang siya. Minsan ay nananaginip siya tungkol sa mga bagay na iyon at doon siya natuto.

Tuwang tuwa pa rin ang nilalang na tumatakbo nang biglang lumapag na lang si Elijah sa harap nito na may isang metro ang layo sa isa't-isa.

Napahinto ang nilalang at hindi kaagad nakagalaw. Napakurap ito at hindi kaagad maapuhap kung anong klaseng nilalang ngayon ang nasa harap niya. Mahaba at maitim ang buhok nito. Ang kanyang balat ay tila hinalikan ng araw. Ang mga mata nito ngayon na kasing dilim ng kalawakan na nakikita niya tuwing gabi ngunit nakakatakot ang tingin na ibinibigay nito sa kanya. Ang ilong nito ay sobrang tangos at mapupulang mga labi.

Iyon ang nakikita niya sa nilalang na nasa harap niya. Ngunit bigla naman rumehistro sa kamalayan niya na halos kapareho niya ito. Hindi man magkamukha, pero pareho silang may buhok, mata, ilong at bibig. May mga kamay at katawan. Hamak na mas matangkad ito kaysa sa kanya at mas malaki ang katawan.

Matiim na tiningnan ni Elijah ang panauhin na nakikita niya ngayon. Babae ito, kasing puti at kinis ng isang porselana ang balat. Mahaba ang alon alon nitong buhok na kulay ginto. Ang kanyang mga mata ay katulad ng isang batong amaranthine. Isa lang ang masasabi ni Elijah, napakaganda nito na kahit siya ay naaapektohan sa taglay nitong ganda. Nakasuot ito ng kulay puting damit na halos hindi natatakpan ang katawan nito. Litaw na litaw ang mahahabang binti nito na makinis at puputi.

Immortal' Sins |Immortal Series Three|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon