Sins 🔸 19

7.3K 737 152
                                        

Alessia's POV

"LADY Alessia, kailangan mo pong uminom ng gamot." Saad ng isang boses nang magising ako at ramdam ko presenya nito.

Napaungol ako dahil nagising ako sa isang panaginip na tila nilalamon ako ng isang nakakahilong tubig, paikot ikot iyon at ngayon ay sumasakit ang ulo ko kahit kagigising ko lang.

Nagkasakit ba ako? Ngunit biglang pumasok naman sa aking ala-ala na ngayon na aalis sina Elijah kaya pwersahan kong minulat ang aking mga mata at akmang babangon ako ngunit hindi ko magawa. Masyadong nananghihina ang katawan ko. Masakit ang katawan ko, lalo na ang ibabang bahagi na pakiramdam ko parang sasabog iyon sa sakit.

Nakita ko si Estrebelle, medyo umiikot siya sa paningin ko. Nag-aalala ang kanyang mukha. Nahihilo pa rin ako kaya ilang beses kong ipinikit at iminulat ang aking mga mata ngunit wala pa rin nagbabago.

"Lady Alessia, huwag po kayong bumangon. Kailangan niyo pong magpahinga." Nag-aalalang saad niya sa akin habang may dala itong gamot na gusto niyang ipa-inom sa akin.

"A-ang h-hari?" Bulol na tanong ko dahil pati bibig ko ay tila pagod na pagod. Hindi ko alam kung bakit nagkasakit ako. Pero base sa nararamdaman ko, mukhang nagkaroon ako ng impeksyon kaya nilalagnat ako. Wala akong ibag maisip bukod doon.

Did we overdo it lastnight? Hindi ko mapigilan na maisip iyon dahil walang ibang dahilan para magkasakit ako ng ganito. Hindi naman ako nakipaglaban sa mga demons. Ibang demonyo ang nakasagupa ko kagabi.

"N-nakaalis na po ang kamahalan. Kahapon pa po, Lady Alessia. Halos dalawang araw po kayong walang malay." Paliwanag niya sa akin na pakiramdam ko ay mas lalo lang sumakit ang ulo ko.

I passed out. That's the last thing I remembered. Tapos ngayon lang ako nagising ngunit may sakit naman ako? Nakaalis na sina Elijah, hindi ko man lang siya nakita. Pero base sa ugali ni Elijah, hindi ako gigisingin nun lalo na at ganito ang estado ko.

"Bigyan mo ako ng tonic. Kunin mo rin ang kahon ko na naglalaman ng mga gamot." Utos ko sa kanya kahit nahihilo ako. Kailangan na alisin ko ang pakiramdam na ito dahil sobrang nahihilo ako at kahit ang paligid ay gumagalaw sa paningin ko.

Mabilis na tumalima si Estrebelle at kumuha ito ng tonic. Dala na din nito ang kahon na may laman na mga gamot na ginawa ko. I need to detoxify myself to remove the infection. Maybe the infection is due to the sexual intercourse. It's impossible that I was not wounded. I felt it was ripped more than it should be and I feel so painful down there. I can even tell that it's swelling.

Tinulungan naman akong bumangon ni Estrebelle at napasandal ako sa headboard. Agad na ininom ko yung tonic at nilunok ko naman ang gamot mula sa mga halaman. It was a pill made with herbal medicine. Maya-maya ay makakaramdam na ako ng kaginhawaan. Once the infection is removed, my fever should go down and my temperature will be normal. Kahit hindi man kaagad maghilom ang sugat ko sa pisikal na katawan, malaking tulong na ang pagkawala ng lagnat ko.

"May doctor ba na tumingin sa akin?" Tanong ko kay Estrebelle habang hinihintay ang buong pagkawala ng impeksyon.

"Meron po." Sagot niya sa akin na nakatungo ngunit nag-aalala pa rin ito.

Pero naisip ko na wala din naman silbe iyon dahil hindi naman ako magising. Kaya siguro tumagal ako ng ganito na walang malay dahil wala akong gamot na nainom. Pero pasalamat ko na lang din dahil nagkamalay na ako.

"Gusto niyo bang kumain, Lady Alessia?" Tanong niya sa akin.

Tumango naman ako. "Sabaw lang na mainit." Hindi ko pwedeng puwersahen ang tiyan ko lalo na at matagal itong walang laman kahit gutom na gutom ang pakiramdam ko. Ito din ang dahilan kung bakit hinang hina ang katawan ko dahil walang pagkain na pumapasok sa katawan ko. Pero kailangan ko pa rin na kontrolin ang pagkain na kakainin ko ngayon.

Immortal' Sins |Immortal Series Three|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon