Chapter 40

339 10 0
                                    

Misha Maxine's POV


"Can we keep this as a secret for now,Chase?" Tanong ko habang marahan nitong sinusuklay ang buhok ko gamit ang kaniyang kamay.


"W-Why?" Bakas ang lungkot boses nito.


"Marami ang nangyari,Chase at hanggang ngayon ay nasa panganib pa ako. Ayokong gamitin ka ng mga kalaban ko laban sa akin. I can't handle it kung pati ikaw madadamay," sabi ko at masuyong tumingin sa mata nito.


Nawala ang lungkot sa kaniyang mga mata at masuyong ngumiti sa akin.

"If that's what you want then how can i say no to you?" Aniya at muli akong niyakap.


"Thanks,Chase."

"Anything for you,love."


"Let's go,Chase. Malapit nang magsimula ang klase." Saad ko habang pilit na kumakawala sa yakap ni Chase ngunit mas lalo lang ako nitong hinapit papalapit sa kaniya at mas humigpit ang kaniyang pagkakayakap.


"Can we skip class today?" Marahang sabi nito habang dinadampian ng halik ang noo ko.


Malakas kong kinurot ang braso nito dahilan upang mabitawan niya ako at nakawala ako mula sa kaniyang pagkakayakap.


"Fudge!" Hiyaw nito.


"No." Sagot ko at tumayo ngunit bago pa man ako tuluyang makalayo sa kaniya ay mabilis ako nitong hinigit at naramdaman ko ang malambot na bagay sa aking labi.


Nanlaki ang mga mata ko.



Is he kissing me?! The fuck! He's kissing me nga!



Naramdaman ko ang paglayo ng labi nito sa akin at masuyo akong niyakap habang ako naman ay hindi parin makapaniwala sa nangyari.



Ang rupok mo,Misha Maxine! Ang rupok rupok mo!



"Bayad 'yon sa kurot mo,love." Mahinang bulong nito na ikinainit ng pisngi ko.



"Your lips taste sweet,love." He added na mas lalong nakapagpainit ng mukha. At kung nakikita ko lang siguro ang mukha ko sa mga oras na ito ay siguradong daig ko pa ang kamatis sa pula.



"Danger Chase! Why did you do that? Paano kung may nakakita sa atin?" Asik ko rito at pinalo ang kaniyang braso.



"Wala namang makakakita," aniya at muling dinampian ng mabilis na halik ang aking labi.

"Chase!" I warned and he just laughed.


Mabilis ko itong tinalikuran at tumakbo paalis ng garden.


Damn that man! And why the hell is my heart beat so fast?! It was just a kiss, a freaking kiss!


"Love,wait for me." Saad nito habang nakasunod sa akin ngunit hindi ko ito nilingon.


Kalmahan mo,Maxine! Huwag kang marupok!



Natigil ako sa mabilis na paglalakad nang maramdaman ko na pinagsiklop nito ang mga kamay namin dahilan upang samaan ko ito ng tingin.



"Nasa loob na lahat ng estudyante at wala ring tao sa hallway, walang makakakita rito na hinahawakan ko ang kamay mo." Aniya na hinila ako patungo sa aming silid. Nang malapit na kami ay bumitaw ito sa kaniyang pagkakahawak.



"I'll go first. I love you,"Aniya at naunang pumasok habang ako naman ay naiwan sa labas.



"Hoy!" Halos mapatalon ako mula sa aking kinatatayuan dahil sa gulat.



"What the heck is wrong with you,Zeke?!" Malakas na saad ko at masama itong tinignan.


"Are you trying to kill me?!" I added but the idiot just smiled at me widely.


His lips turned  into knowing smirk,"I saw that." He teased.


"Saw what?!" Inis na tanong ko at naunang naglakad papasok ng room namin kung saan naabutan namin ang maingay na silid. Naupo ako sa aking upuan at kinuha ang tubig na nasa bag ko.



Bakit bigla akong nauhaw?!


"You and Chase holding each others hand then he told you something. Kayo na ba huh?" Halos maibuga ko ang tubig sa mukha nito dahil sa kaniyang sinabi.


Natahimik ang lahat at nabaling ang atensyon sa amin. Maging si Chase ay nakakunot ang noong nakatingin sa akin.


"Tangina naman,Isha. Nagtatanong lang naman ako wala namang bugahan ng tubig sa mukha! Napaka bastos mo naman!" Reklamo nito habang pinupunasan ang kaniyang mukha na natalsikan ng tubig na iniimom ko.



"Hindi ka pa raw kasi naghihilamos,Zeke." Pang-aasar ni Mira na ikinabusangot ng mukha ni Zeke.


"Naligo kaya ako!" Reklamo nito.


"Holly water 'yon,Lacsamana kaya dapat kang magpasalamat." Killua added.


"Malinis ang budhi ko kaya hindi ko kailangan ng holly water!" Zeke hissed that made everyone laughed.


"Here,"iniabot ko ang panyo rito na agad niya namang kinuha.


"I'm sorry. Hindi ka kasi dapat nagsasabi ng kung ano-ano habang umiinom ako."


"Wow? Kasalanan ko pa ngayon huh? Eh totoo naman talaga 'yong nakita ko eh!" pagmamaktol nito ngunit ngayon ay mahina na ang boses.


"Ano kayo na ba?" Dagdag pa nito.



"I don't know what you're talking about,Zeke. Baka namamalikmata ka lang." Sabi ko at inalis ang tingin dito.


"Ah talaga ba,Misha? Ganiyan ka na ba ngayon. Marunong ka ng magsinungaling sa akin kahit nakita na ng dalawang malinaw kong mata. Grabe ka naman  Misha! Ipapaalala ko lang sayo ah, ako 'to si Zeke 'yong bestfriend mo, 'yong taong tumulong sayo no'ng wala ka pang love life." Nakangiwi ko itong tinignan at hindi nagpadala sa mga sinasabi nito.

"You're just imagining things,Zeke." Saad ko.

"Ah gano'n ba? Then I'll ask him instead," aniya at tumayo sa kaniyang pagkakaupo.


"Oo na!" Saad ko bago pa man ito tuluyang makaalis sa kaniyang kinatatayuan.


Gumuhit ang malaking ngiti sa labi nito na tila ba ano mang oras ay handa akong tuksuhin.


Humalakhak ito at bumalik sa kaniyang pagkakaupo,"Ang rupok rupok mo naman po." Pang-aasar niya na tinapunan ko ng masamang tingin.


"Shut up,Zeke and don't tell anyone about this." I hissed.


"Ay secret relationship kayo? Anong trip ninyo?"


"Masyado pang magulo ang lahat. I don't want to him." Paliwanag ko na mukhang naunawaan naman nito.


"You're right pero ang rupok mo parin,Isha." Pang-aasar nito.



"Bahagian mo naman ako ng karupukan mo,Master Isha!" Dagdag pa nito. Inis kong kinuha ang librong nasa ibabaw ng lamesa ko at malakas na inihampas sa kaniya na mas lalong ikinatawa nito.



Natigil ako sa paghampas sa kaniya dahil sa isang pares ng mata na matiim na nakatingin sa deriksyon namin. Maging si Zeke ay natigil sa kaniyang pagtawa at sabay kaming napalingon kay Chase na masamang nakatingin sa amin.




He's jealous!


"He won't kill me right?" Bulong ni Zeke na marahang naupo.



"It depends if you shut your mouth now." Saad ko na bumalik sa aking pagkakaupo.


Kinuha ko ang telepono ko at nagtipa ng mensahe.


To: Chase

He saw us. Don't be jealous, i love you.


Sabi ko at isinara ang telepono. Muli ko itong tinignan at nakiga ko ang malaking ngiti na naglalaro sa labi nito bagay na ikinailing ko na lamang.

THE MENACE: EAST UNIVERSITY Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon