Danger Chase' POV
"Bakit late ka?Saang sulok ng mundo ka na naman nang galing?" Tanong ko kay Killua. Katatapos lang ng klase namin. Dadaan muna ako ng headquarters ng Legrand Legacy kaya naman ay sumabay na ito at ang iba pa sa akin.
"Sa langit." He answered and smirked at me. Malakas ko itong binatukan dahilan upang tingnan ako nito ng masama.
"What's wrong with you?!" He snorted.
"I am asking you nicely,Killua!" I snapped back.
Killua stared at me flatly and spoke,"Mukha ba akong nagbibiro sa sagot ko?"
Inambahan ko ito ng batok kaya naman ay mabilis itong lumayo sa akin. I tsked, "Wala ka talagang kwenta kausap. Baka sa susunod sa totoong langit na talaga ang punta mo niyan." I answered.
Sabay kaming napatigil ni Killua sa paglalakad nang tumunog ang aming telepono. Maging sina Trax na nasa likuran namin ay nakatingin din sa kanilang telepono.
Fr: Tita Styx
Emergency training. 5:30 P.M Legrand headquarters.
"What's with the emergency training?" Nagtatakang tanong ni Trax. Maging ako ay nagtataka rin. This is the first time that they asked for an emergency training.
Tita Styx is one of the senior agent of Nostalgia Organization which is now under Legrand Legacy now including CHAINS. Lahat ng anak ng mga orihinal na miyembro ng Nostalgia at CHAIN ay nasa ilalim ng Legrand Legacy ngayon. Lahat kami ay rookie agents ng samahan at tanging maliliit na misyon lamang ang ibinibigay sa amin. Hindi kami binibigyan ng elders ng malalaking misyon dahil sa hindi pa kami handa.
They'll give us one once we are already skilled enough to have one, that's Tita Autumn's promise to us.
"Fierro! Natanggap niyo din?" Sigaw ni Kenjie sa iba oaa naming kasama na nasa likuran.
"Yeah." Yoshin answered back.
"Weird. Bakit parang biglaan naman yata ito?" Nagtatakang tanong ni Harper.
"You're right. At isa pa, bakit galing kay Tita Styx ang message?" Dagdag pa ni Lyra.
Tama sila. Hindi basta basta nagpapatawag ng pagsasanay ang elders at isa pa si Tito Rouge o kaya si Kuya Klaus ang nagpapaalam sa amin tungkol sa pagsasanay dahil sila ang kadalasang nagsasanay sa amin. Kaya nakakapagtaka kung bakit galing kay Tita Styx ang mensahe.
"Hindi masasagot ang tanong natin kung mananatili tayo ritoo." Stone commented.
"Let's go." Aniya bago naunang naglakad palabas at sumunod naman ang lahat dito.
Hindi pa man kami tuluyang nakakalabas ng university ay tumambad sa amin ang mga pamilyar na sasakyang pag-aari ng Legrand Legacy kasama ang ilan sa mga agents nito.
"Bilisan ninyo mga bata, Styx is waiting ! Ayaw na ayaw niyang pinaghihintay siya." Tito Zylus grinned at us na nakatingin sa bintana ng kaniyang sasakyan.
"You'll be dead kapag lumagpas kayo sa oras na ibinigay niya." Tita Agean added na kababa pa lamang sa kaniyang sasakyang nasa likod.
"Hurry up, Kids. Nasisira ang beauty ko rito!"Pagrereklamo ni Tita Hestia.
"Wala naman beauty." Tito Zylus murmured. Agad namang tumalima ang lahat na nagkanya-kanyang sakay sa bawat sasakyang naghihintay.
Napansin kong hindi gumalaw si Killua sa kinatatayuan niya that's why i decided to call him, "Killua!"
BINABASA MO ANG
THE MENACE: EAST UNIVERSITY Book 2
Action"I needed you, i needed you around and you weren't there." PS:Images from Pinterest.