Chapter 44

295 13 0
                                    

Misha Maxine's POV

Pinagmasdan ko si Felicity mula sa 'di kalayuan. Abala ito sa pakikipag-usap sa kaniyang mga kapwa officer. Makikita ang kaseryosohan sa mukha nito katulad ng una ko itong makita sa loob ng University at maging kalaban sa pagiging Student Council President.Hanggang ngayon ay iniisip ko parin kung may koneksyon nga ba siya sa Pentagon o nagkataon lang na naging kapatid niya si Wrozen—i mean the guy named Crest. At kung may koneksyon man siya sa Pentagon what would be the reason para makipag tulungan siya sa kanila laban sa pamilya namin? Did our family hurt them?

"Careful with her,love."Nawala ang atensyon ko kay Felicity dahil sa biglang pagsalita ni Chase na nasa tabi ko at nilingon ko ito.

"We don't know what she's up to. Lalo na sa mga nalaman natin," He added.

Chase is right. Whatever her reason behind that siguradong iisa lang ang plano nila at iyon ay ang mapatay ako at masira ang pamilya namin.

"I know what i am doing,Chase—"

"love." Pagtatama nito habang nagpapacute sa akin.

"Hindi bagay sa iyo,"sita ko at marahang natawa dahilan upang mas sumimangot ito.

Halos mapatalon kami sa aming kinatatayuan nang biglang may umakbay sa amin.

"Mga beh,alam kong mahal ninyo ang isa't-isa pero kalmahan ninyo naman, napaghahalataan kayo at kaunting respeto na rin sa isang single na katulad ko. Pakiusap huh?" Aniya.

Magkasabay naming inalis ang pagkakaakbay ni Zeke at binatukan ko ito.

"Shut up,Zeke!" I hissed.

"Enebeee! Rupok mo nemen beh." Pang-aasar nito.

I glared at him,"Stop pestering me!"

"Kapag hindi ka tumigil Lacsamana ay siguradong hindi mo siya makakausap kahit—"

"Ito na nga! Titigil na! Hindi ka naman mabiro,Danger." Mabilis na sagot nito.

What are they talking about? Bakit wala akong alam sa pinag-uusapan nila?

Natigil kami sa pag-aasaran nang lumapit sa amin si Felicity,"Where's Kendrix? Hindi ba siya sasama sa atin?"

"May ipinagawa si Mrs.Oriel sa kaniya so he couldn't make it,"Chase answered.

Malaki ang pasasalamat ko at hindi nakasama ngayon si Kendrix dahil kung nagkataon ay siguradong mabibigla ito kapag nakita niya kung sino ang kapatid ni Felicity. Siguradong pati si Wranz ay malalaman ito at maging sina Mama Elly. Sapat na kami muna ang nakakaalam na buhay pa si Wrozen.


"I see. Sayang naman,bonding na rin sana natin ito." Nakita ko ang pagkadismaya sa mukha ni Felicity. My brows furrowed. Did you plan this Felicity?

"Let's go. I already called my brother,he's waiting for us " nakangiting sabi nito bago kami sumakay sa aming sasakyan.

"My brother told me that he'll help us sa projects natin." Basag  nito sa katahimikan habang binabaybay namin ang daan patungo sa bahay ng kapatid niya.

"Is he an artist,Felicity?" Zeke asked.

Felicity smiled,"Yes. He studied art when he was in France."

"I didn't know na may kapatid ka,Feli." Sabi ko naman habang nakatingin sa amin ang dalawa sa review mirror.

"That's a long story,Misha. And also,ayoko rin naman na ipaalam sa lahat ang tungkol sa pamilya ko. Mas gusto ko kung ano ang pagkakakilala nila sa akin at hindi ang pagkakakilala nila sa pamilya ko. And I'm sorry kung wala na akong ibang masasabi sainyo,i value my privacy." Nakangiting sabi nito.

THE MENACE: EAST UNIVERSITY Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon