Chapter 27

363 10 0
                                    

Misha Maxine's POV

Mabilis kong pinatakbo ang sasakyan ko na tila ba nakikipagkarerahan na sa sobrang bilis nito. Sa oras na ito ay wala akong ibang nararamdaman kung hindi mantinding galit,matinding galit sa Pentagon dahil sa mga ginawa nila sa amin,galit sa mga magulang ko dahil sa kanila nag simula ang lahat ng ito at nadagdagan pa ang galit na nararamdaman ko dahil sa mga sinabi ni Chase kanina. Alam kong masama ang loob niya sa akin pero wala siyang karapatang sabihin ang mga salitang 'yon sa akin lalo na't alam ng lahat na wala akong kasalanan at wala akong ginagawa sa babaeng 'yon.


Mahigpit kong hinawakan ang manibela ng sasakyan,"Pinagpala ba ako sa araw na ito?"puno ng sarkasmong tanong ko sa aking sarili.


Wala sa sariling napailing na lamang ako. Why do i even need to suffer like this? Wala ba akong karapatang matahimik at maging masaya man lang? Bakit parang ipingakakait sa akin ang kasayahan ko?


Unti-unting bumuhos ang masaganang luha sa aking mga mata habang patuloy na tumutunog ang telepono ko ngunit hindi ako nangahas na sumagot sa isa man sa mga tawag nila at mabilis na pinatakbo ang sasakyan hanggang sa makarating ako sa headquarters ng Legrand Legacy at Nostalgia Organization.

"Maxine,what brings you here?"salubong sa akin ni Tita Calypso nang makita ako nitong papasok sa headquarter.


"Where's mom?" I asked coldly.


"Ah.. Nasa loob sila, is everything okay,Max?" maging si Tita Caly ay napansin na may mali sa inaaasta ko ngayon. Hindi ako sumagot at agad na dumiretso sa opisina ni Mom ngunit wala ito rito. Lumabas ako sa kanyang opisina at nakita si Tito Erebos.


"Where's my mom?" I asked.


"Nasa meeting room sila, may problema ba,Max?" Hindi ko pinansin ang tanong ni Tito Erebos at malalaking hakbang na nagtungo sa silid.


"Where going to—" hindi na naituloy ni Mom ang mga sasabihin nito sa mga taong nasa harap niya at tumingin sa akin.



"Maxine,why are you here? We're on the middle of a meeting."bakas ang galit sa boses nito ngunit nanatili lamang ang matalim na tingin ko rito. Maging ang mga agent at mga miyembro ng Legrand ay nagulat din sa pagdating ko.


"Maxine,leave. We'll talk later."utos ni Mom at muling humarap sa kaniyang mga kausap ngunit nanatili lamang ako sa kinatatayuan ko dahilan upang muli ako nitong lingunin.


"Maxine, I'm ordering you to —"


"Have you ever heard the name Rome and Ares Francisco?"malamig na tugon ko, natahimik ang buong silid. Lahat ng taong nasa loob ay nasa akin ang atensyon at bakas sa mga mata nila ang kaseryosohan nasisiguro kong lahat ng mga taong nasa loob ng silid na ito ay kilala ang mga taong binanggit ko.


"Or perhaps you already heard the name Pentagon, am i right?" i said nonchalantly.



"H-How did you know them?" Bakas ang kaba sa boses ni Tita Nike sa tanong nito.


"That's not the main point here,Tita. I'm asking you,kilala ninyo ba sila? Mom, do you know them?" ani ko at tumingin sa ina ko. Nakita ko ang paguhit ng matinding galit sa mata ni Mom na kailan man ay hindi ko pa  nakita ngunit agad naman itong nawala.



Inayos niya ang kaniyang sarili at kalmadong tumingin sa akin,"Stop involving yourself on someone's business,Misha Maxine. H'wag kang makialam sa mga bagay na ito lalo na tungkol sa mga taong 'yon."walang emosyong sabi ni Mama.



Humalakhak ako dahil sa narinig ko,"Really mom? Really?" I laugh sarcastically.



"Why mom? Aren't you going to answer my question? I skipped class just to ask you that question,magiging bastos naman siguro kung hindi mo sasagutin ang simpleng tanong ko hindi ba?" saad ko habang nakakuyom ang mga kamao ko.



THE MENACE: EAST UNIVERSITY Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon