Chapter 22

394 13 0
                                    

Danger Chase' Pov


Ilang araw na ang nakararaan pero hindi pa din nagigising si Zeke. I've been trying to talk to Maxine but she's too pre-occupied on Zeke's condition kaya hindi ko ito makausap ng maayos. She's been staying at the dorm for almost three days since the incident happened. Halos araw-araw ay pabalik-balik ito sa clinic to check if Zeke is okay then babalik siya sa class just to attend for a minute. Sa loob ng apat na araw ay naging gano'n ang routine niya, I'm trying not be jealous dahil in the first place ay wala naman akong karapatan but i couldn't help it. I'm freaking jealous to the point na kulang na lang ay hilahin ko si Zeke sa kinahihigaan niya para lang magising na.



"Bakit parang pinagbagsakan ka na naman ng langit at lupa, Kuya?" Napalingon kay Chance nang maupo ito sa bakanteng upuang nasa harap ko.


"I'm pissed." i answered directly that made her laugh. Mukhang alam na nito ang dahilan.



"As always. Hindi na ako magtataka na baka sa mga susunod na araw ay ipapasok na kita sa isang mental facility dahil tuluyan ka ng nabaliw sa kanya." Pang-aasar nito bagay na ikinasimangot ko.


"I'm...I'm just jealous. Puro na lang Zeke,Zeke. Lagi na lang siya ang bukambibig niya." Pagmamaktol ko.


"Aww. Someone is jealous." Trax grinned na sandaling ibinaba ang librong binabasa na simaan ko lang ng tingin.



" You look stupid,brother. Mukha kang bakla sa itsura mo." nakangiwing saad ng kapatid ko. Ang isang ito! Imbes na makatulong ay mas lalo akong iniinis.


"Shut up,Chance!" I hissed.

"You know what, hanggat hindi ka umaamin habang buhay kang magiging ganyan. Nagseselos kahit wala namang karapatan. My God, Kuya! Wala sa lahi natin ang pagiging torpe!" Asik nito. Tinignan ko ito ng masama at hindi na sumagot pa dahil siguradong hindi naman ako mananalo sa isang ito.


"Listen to your sister,Danger. Kapag nagpatuloy kang ganyan ay siguradong mauunahan ka talaga" dagdag pa ni Trax na lalong nakapagpainis sa akin. Just by thinking na may ibang lalaking hahawak kay Maxine ay halos masiraan na ako ng bait, lalo na siguro kung harap-harapan ko itong makikita. I could kill someone kapag nagkataon.



"Naghahanap ako ng tiyempo. I can't tell her about my feelings kung may iniisip siya. Sa tingin ninyo bibigyan niya ng atensyon ang sasabihin ko knowing na masyadong occupied ni Zeke ang utak niya?" inis kong saad sa mga ito.


"There's no harm in trying my dear cousin." Trax insisted.


"And at least nasabi mo na ang dapat mong masabi diba?" My sister added.  I don't want to take risk lalo na kung wala namang kasiguraduhan na masusuklian ang nararamdaman ko sa kanya.


Fuck it! Why do i fucking need to feel this kind of shit?!



"Isha, you look pale. Are you alright?" Agad akong tumayo mula sa aking pagkakaupo ng marinig ang sinabi ni Mira. Mabilis akong lumapit sa kinatatayuan ni Maxine at nakita ang pamumutla nito.



"You're sick." Sabat ko.



"I'm fine." She simply answered. Agad kong hinawakan ang braso nito at idinantay ang aking mga palad sa noo nito.


"Damn it! You're burning." Hindi ko maiwasan ang pag-aalala ko. Agad naman nitong itinabig ang palad kong nasa noo niya.


"I already told you that i'm fin—".

" Autumn!" Agad na sigaw ko ng mabuwal ito sa kinatatayuan niya na mabilis ko namang nasalo.



"Oh my God! Ishi!" Mira shouted maging ang iba pang tao sa loob ng aming silid ay naalarma din.



THE MENACE: EAST UNIVERSITY Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon