Chapter 26

371 10 0
                                    

Danger Chase' POV


I've been ignoring Maxine for almost a week already, alam kong sinasadya nitong pumasok ng maaga para makausap ako pero pilit kong iniiwasan ito. Mas mabuti na ang ganito,nasabi ko na ang lahat sa kanya kaya wala na kaming dapat pag-usapan pa.  Hindi ko alam pero parang may nakikita akong sakit sa mga mata niya tuwing iniiwasan ko siya o kaya sa tuwing nakikita niya kaming magkasama ni Trixy or i am just imagining things dahil alam kong kahit kailan ay hindi naman mangyayari ang bagay na 'yon.


"Babe, what do you want to eat?" tanong ni Trixy habang nakalingkis sa aking mga braso. Isa pa itong babaeng ito, kung hindi ko lang sana kailangan ito para mapalayo si Maxine sa akin ay kaina ko pa ito itinulak paalis sa akin. I don't even like her perfume maging ang pananamit nito na kulang na lamang ay maghubad dahil sa sobrang ikli.



Patience,Chase. Patience.


"I'm not going to eat, just order anything you want. I'll look for a table."saad ko at inialis ang pagkakahawak nito sa akin.


Naupo ako sa lamesang malapit sa binta ng cafeteria at marahang ipinikit ang aking mga mata,muling bumalik sa akin ang narinig ko kanina na papasok na ulit si Lacsamana and i saw how happy she is after hearing the news.


I am jealous, and i won't deny it. Pero kailangan kong pigilan dahil wala namang patutunguhan ang nararamdaman kong ito,masasaktan lang ako at makasasakit lang ako kung ipagpipilitan ko pa ang nararamdaman kong ito. I know she likes that guy, kung paano niya etratro si Lacsamana ay ibang-iba sa pagtrato niya amin maging sa akin. I know the difference dahil ang mga bagay na ginagawa niya kay Lacsamana ay ipinagdarasal ko na sana nagagawa niya rin sa akin.


"Babe,let's eat na. I ordered you a food na rin."maarting sabi ni Trixy at inilapit ang upuan niya sa akin, gustuhin ko mang lumayo ay hindi ko na lang ginawa, i need some distraction for now para mawala sa isip ko si Maxine.


"You eat I'm not hungry." Ani ko.


Ngunit imbes na sundin ang sinabi ko ay itinaas nito ang pizza na hawak niya at inilapit sa bibig ko,"Come on,Babe. You should try it, the pizza is pretty delicious." She said.Marahan itinulak palayo ang pagkaing inilapit nito.

"I am not really hungry,Trixy."kalmadong sabi ko but deep down inside I'm starting to get annoyed.


"Please babe, just a bite? Okay?"pagpupumilit nito habang nagpapacute pa. Muntik na akong matawa sa istura nito,para kasi itong clown sa puti ng kanyang mukha ngayon. She wants attention that's why.


"Babe! Please!" Mas nilakasan pa nito ang kanyang boses, nabaling ang tingin ng ilang mga estudyante sa cafeteria sa amin may iilan pa akong narinig na pinag-uusapan kami.


"Are they dating?"


"Oh mh god! Pinatulan talaga ni Danger Chase ang higad na 'yan?"


"OMG! Trixy's really luck to date a guy like him!"


"Kaya pala sobrang yabang na naman kanina ni Trixy because she's dating him. Iba rin talaga ang nagagawa ng babaeng 'yan." Napailing na lamang ako mga naririnig ko. Karamihan sa mga estudyante sa University ay kinaiinisan siya dahil sa malditang ugali niya at pagiging malandi nito dahil kung sino-sino na lang na lalaki ang inaaagaw nito sa mga girlfriends nila. Pero imbes na masaktan sa mga sinasabi ng lahat ay mas ikinasasaya pa niya ito dahil nagiging sikat siya, gustong gusto nitong nasa kanya ang atensyon ng lahat.


Agad kong kinuha ang pizza na iniaabot ni Trixy nang makita ko si Chance at Maxine na papasok sa loob ng cafeteria. Inilibot ang kaniyang mga mata na tila naghahanap ng bakanteng table at nagawi ang tingin nito sa aming deriksyon, nagtama ang mga mata namin at binigyan ko lamang ito ng walang emosyong tingin ngunit agad nitong inalis abg tingin niya sa akin na para bang hindi niya gusto ang tinging ibinibigay ko sa kanya.


THE MENACE: EAST UNIVERSITY Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon