Danger Chase's Pov
"Maxine.. Max, wake up." Pag gising ko kay Maxine na mahimbing na natutulog habang nakahilig ang ulo sa aking braso. She look peaceful while sleeping bagay na hindi mo makita tuwing gising siya.
"Wake up, We're already here." Sabi ko. Unti-unti nitong iminulat ang kaniyang mata. Agad naman nitong napansin ang kanyang ayos at mabilis na bumalik sa pagkakaupo habang namumula at lumayo mula sa pagkakadikit sa akin bagay na lihim kong ikinangiti.
Pasado alas dos na ng umaga nang lumapag ang eroplano sa isang airport sa Athens,Greece. Nang makababa kami ng eroplano ay nakita agad namin si Tito Aelous na kumakaway.
"How's your flight,kiddos?" Agad na tanong nito sa amin.
"It's fine,Tito." I answered.
Tito smiled at us and guided us outside the Airport.
"I'm taking you to your place now and after that i will explain everything regarding your mission. I won't stay long dahil may mahalaga rin akong pupuntahan." Paliwanag nito.
"Are you on a mission,Tito?" I asked.
"Yeah. I've been here for almost a week already at malapit ko ng matapos ang misyon ko. If you have anything you need just call me." Dagdag niya pa habang nakatingin sa kalsada. Nilingon ko naman si Maxine na tahimik lang na nakatingin sa labas ng sasakyan at tila malalim ang iniisip.
"Are you ready for this mission,Misha?" Tanong ni Tito Aelous dahilan para mapatingin ito sa kanya.
"What kind of question is that?" tanong nito
"Well, mahigit dalawang taon na simula ng bigyan ka ng isang malaking misyon ng organisasyon. I am asking if your emotionally prepared. I am not doubting your skills physically because you already proved that one to us but—"
"I can handle myself. I am emotionally stable so you don't have to worry about that,Tito. At isa pa,i won't accept this mission kung hindi ako handa." putol nito sa sasabihin pa ni Tito Aelous na ikinatango naman nito pagkatapos ay muling napuno ng katahimikam ang buong sasakyan.
Makalipas lang ang ilang minuto ay dumating kami sa isang malaking condo. Hindi maipagkakaila ang pagiging magarbo nito base sa desinyo at higpit ng seguridad dito.
"This unit is owned—No, Not only the unit, the whole place is owned by your Tito Max, Danger." Sabi ni Tito na ikinalaglag ng panga ko. Alam kong malaki ang yaman na mayroon si Tito Max at maging si Mama pero hindi ko inasahan na may ganitong pag-aari siya sa bansang ito.
"You shouldn't be shocked. Your have a powerful and rich family. Hindi ka na dapat magtaka kung darating ka sa isang bansa at malalaman na may ganito silang pagmamay-ari." Natatawang saad ni Tito Aleous.
Hindi ko na nagawang sumagot pa dahil sa pagdating ng isang dalaga. Nakasuot ito ng simpleng itim na pantalon at tinernohan ng isang puting damit na hapit sa kanyang katawan na nakapaglabas ng kurba nito. She's only wearing a sneaker pero bakas parin ang pagiging sopistikada nito. Agaw atensyon din ang hanggang balikat nitong buhok na may berdeng kulay sa dulo nito. She's not even wearing any make up pero makikita ang kakaibang ganda nito.
"You're here, Tali." Nakangiting bati ni Tito.
Who is she?
"Kadarating ko lang kanina,Kuya. They must be the rookie agents assigned on the mission?" tanong nito bago nakangiting humarap sa amin.
BINABASA MO ANG
THE MENACE: EAST UNIVERSITY Book 2
Action"I needed you, i needed you around and you weren't there." PS:Images from Pinterest.